Chapter 19

1.7K 130 16
                                    

Their One And Only Princess

Ruri's POV

Nasa gate na ako ng bahay.  Nangangatog ang tuhod ko dahil maaaring pagpasok ko dito ay nagbubuga ng apoy na Kuya ko ang mabubungadan ko. Hindi ko alam kung sinabi ni Dad sa kaniya ang mga nangyari sa school, sadyang kinakabahan lang ako na baka magalit nanaman si Kuya.

Sana nasa good mood si Kuya...

"Pumasok ka na"

Nagsisimula na magpawis ang kamay ko. Nanginginig ang tuhod ko at parang kahit anong oras ay mapapa subsob na ako sa simento na animo'y jelly.

"I-ikaw mauna"

Humakbang ako paatras. Agad namang sinaraduhan ni Kuya Clark ang gate nang mapagtanto ang binabalak ko.

"Kuya nga" mangiyak-ngiyak kong aniya.

"Ruri" maotoridad niyang tawag sa pangalan ko.

Nakita kong papalabas ng pinto si Kuya Sean. Agad akong tumalon para makasampa sa gate. Nangakyat ako sa gate kahit na may kataasan ito. Nanlalambot pa ang mga biyas ko nang masilip si Kuya Sean, pero ninais kong isantabi muna ang panlalambot ko.

"Ruri baba!" utos niya.

May katangkaran si Kuya Sean kaya hindi naging hadlang ang naakyat ko. Mabilis niyang hinigit ang baywang ko bago ako isinampa sa balikat niya. Halos bit-bitin niya ako na parang sako ng bigas habnag papasok. Isang kamay lang niya ang umaalalay kaya bukod sa matangkad siya, hindi rin hadlang ang timbang ko para mabilis niya akong mabit-bit.

Maging pagtaas sa hagdan ay sisiw lang sa'kanya kahit na buhat niya ako. Naka-antabay si Kuya Clark sa likod namin pero kahit anong titig ko at pagmamaka-awa kong tulungan ako, wala na rin siyang magawa. Dahan-dahan akong ibinaba ni Kuya pagkadating sa kuwarto ko. Agad akong naupo sa kama bago ituon ang tingin sa sahig.

"Kuya hindi naman ako 'yung nagsimula eh, siya 'yung sumugod ginantihan ko lan-"

"May masakit ba sa'yo?"

Umiling ako habang nanatiling nakapako ang tingin ko sa lapag. Ayaw kong magkasalubong ang tingin namin ni Kuya Sean hangga't maaari, lalo na ngayon.

"Are you sure?" pagtatanong niya pa.

Tumango ulit ako bilang sagot.

"Ayaw kong nasasangkot ka sa gulo-"

"Hindi nga ako 'yung nauna Kuya"

"Paano kung bumalik 'yung trauma mo dahil nakita mo 'yung dugo?"

"Kapag naman hindi ho galing sa'kin 'yung dugo eh hindi naman ako masyadong natatakot. Isa pa, nakokontrol ko na ang sarili ko Kuy-"

"Kahit na! Inilipat kita sa Evanston dahil natatakot na ako sa mga puwedeng mangyari sa'yo sa Elixir. Ngayong nasa Evanston ka na, tigilan mo na ang pakikipag basag-ulo, please?" nagmamaka-awang aniya.

"Natatakot akong bumalik uli ang trauma mo, awang-awa na ako sa'yo" nanghihina niyang aniya habang bakas sa boses niyang pinipigilan niya ang pagbabasag ng boses niya.

"Kung hindi ko pa nakita sa twitter, hindi mo pa sasabihin sa'kin 'yung nangyari. Kung kailangan kong pumunta sa school niyo para pagbantaan sila isa-isa, gagawin ko Ruri" dagdag pa ni Kuya Sean.

"Ayaw kong i-baby niyo ako Kuya, ang laki-laki ko na ohhh"

Lumapit siya sa'kin at naupo para hulihin an mga tingin ko.

"It's my duty to take care of our Princess" aniya bago pisilin ang ilong ko.







Kakatapos lang ng hapunan. Narito ako sa kuwarto ko habang pinipilit kabisaduhin ang script. Nag-ring ang cellphone ko, dahilan para bahagya akong mapaiktad. Sinagot ko ang tawag at isinantabi ko muna ang script na hawak ko.

"Hello?" bungad ko.

('Nak puwede baba ka saglit?) boses ni Dad mula sa kabilang linya.

"Bakit ho?" pagtataka ko.

(May iaabot lang ako sa iyo 'nak)

"Ah, sige po pababa na po"

Hindi na ako nagbihis, naaka oversized shirt lang ako at naka pajamang bumaba roon. Lumabas ako ng bahay dala-dala ko lang ang cellphone ko. Sabog-sabog pa ang buhok ko pero di ko na alintana iyon. Natanaw ko naman mula sa puwesto ko ang kotse ni Dad sa di kalayuan.

Naglakad ako papunta sa gawing iyon. Nakangiti niya akong sinalubong.

"I'm sorry 'nak ha, gabing-gabi na pinalabas pa kita ng bahay. Dumaan lang ako dito kasi may business trip pa ako maya-maya papuntang hongkong, hinabol ko lang 'to. Baka kasi pag nakita pa ako ng Mom mo hindi na ako paalisin"

Kapuwa natawa kami sa sinabi niya. 

"Ano ho pala 'yung iaabot niyo?"

"Here" aniya bago iniabot sa akin ang dalawang plastic bag.

"I bought some foods for you. Actually, tinanong ko si Kuya mo kung ano ang favorite mo then binili ko lahat ng nasa listahan ng sinend niyang pagkain"

Agad naman akong napangiti nang makita ko ang laman noong plastic bag na iyon.

"Then 'yung isang plastic bag, may patches and rubs na akong binili para sa bodyache. May painreliever na rin diyan 'nak. Hindi ko kasi alam kung ano 'yung pinakamaganda kaya binili ko na lang 'yung mga nakita kong brand doon sa drugstore" 

Agad na mas lumapad ang ngiti ko nang mapansing halos mapuno ang plastic bag na iyon ng mga pain reliever. Halos matawa pa ako dahil hindi lang iba-ibang brand ang binili ni Dad, pati iba-ibang kulay ng pain reliever patches at rub ay binili niya na.

"Salamat ho, nag-abala pa tuloy kayo"

"One more thing 'nak, hindi ako nagsumbong sa Kuya Sean mo ah. Hindi ako nagsumbong kahit na kay Mom mo, hindi ko sinabi na sa'kin ka tumawag"

Ngumiti lang ako bilang pagtanggap sa sinabi niya. Hindi ko naman siya sinisisi, pero ang sarap pala sa pakiramdam ng may tatay na katulad niya. Hindi ko kahit kailan naramdaman 'yung ganito kahit sa tunay kong tatay.

"Pumasok ka na sa loob 'nak gabing-gabi na"

"Sige ho, salamat ho rito ah" sabi ko bago muling itinaas ang mga hawak ko.

Patalon-talon pa ako habang naglalakad papalapit sa gate. Huminto ako bago muling humarap sa kung saan nakaparada ang sasakyan ni Dad. Nandoon pa rin siya habang nakadungaw sa bintana at pinagmamsdan ako. Kumaway ako at siya rin namang sinuklian niya ng kaway pabalik. Sinenyasan niya akong pumasok na sa loob na siya namang agad na sinunod ko.

Nasa kani-kaniyang kuwarto na si Mom, Kuya Sean at Kuya Clark kaya tanging mga maid na lang ang narito ngayon sa ibaba. Medyo late na rin kasi kaya nasa kuwarto na sila. Naisipan ko namang ipamigay sa ibang mga maid ang ilang patch at rub, nagtira na lang ako ng sasakto sa akin. Marami-rami rin talaga kasi an nabili ni Dad na ganoon, sobra-sobra para sa isang tao lang.

Kahit yata makipagbugbugan ako araw-araw, tatagal 'yun ng pang isang taon dahil sa dami.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon