Chapter 24

1.6K 109 3
                                    

Sudden Change or Start of Hell?

Ruri's POV

Recess time, narito kami sa cafeteria para kainin ang tanghalian. Kahit nahihiya ako kumain rito dahil napaka-raming tao ang halos husgahan pati ang pagsubo ko ng pagkain ko. Lahat na lang ng makita nila sa'kin hinuhusgahan na ata. Sa paraan ng pagsubo ko sa pagkain, paglakad ko, pananamit ko, buhok ko at halos lahat ng maihuhusga nila. Napagpasyahan ng mga asungot na sa pinaka dulong lamesa na lang kami maupo para iwas sa tao. Bukod pa roon, nakaharang na lang rin sila sa akin.

Sila rin kasi ang nagpilit sa'kin na kumain ako dito.

Bahagya akong napa-iktad nang maupo si Kurt sa katapat ko. Napa-irap na lang ako sa hangin nang makita na naman ang pagmumukha niya. Napaka-amo ng mukha tapos ugaling demonyo.

Nakaka-umay na makita ang mukha niya. Sa room magkatabi kami ng upuan, sa cafeteria magkasama kaming kumakain sa lamesa, pagkatapos ng klase may group review, nandoon pa rin siya. Nakakasawa na makita halos araw-araw ang pagmumukha ng bisugo na ito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang magsalita si Peter.

"Gagsto sinugod tayo ni Boss Ian kagabi, natakot ako pre"

"Dre, akala ko katapusan ko na"

"Boss Ian?" tanong ko habang naka-kunot noo.

Nagkatinginan sila bago ako muling hinarap. 

"None of your business" masungit na aniya ni demonyong Kurt.

Binigyan ko ng matalim na tingin si demonyong Kurt. Sinaubong niya ang tingin ko na siya namang dahilan para pa-sarkastiko akong matawa.

"Kailan ka ba aalis? Para naman mapaghandaan namin  ang pag-alis mo. I'll clap my hands as hard as i can while you're walking away from Evanston"

"Hindi ako aalis" matigas na aniya ko.

"Cool, rememeber the hell i've mentioned?"

Matalim na tingin ang isinukli ko sa pa-sarkastiko niyang tanong.

"You'll experience hell Ms Vandra" banta nito bago punasan ng tissue and tinidor na hawak niya.

"Bagay sa'yo, mas pinaninindigan mo lang ang pagiging demonyo mo"

"Hmmm, really?" sarkastikong aniya habang nakataas ang isang kilay.

"Hoy, lider ka lang ng group 5. Hindi mo ako masisindak gago! Gawin mo kung anong gusto mong gawin pero HINDI AKO AALIS, PERIOD!"




Kumpleto na ang section A. Narito kami bilang paghahanda sa nalalapit na theatre play. Tuwang-tuwa naman si Peter dahil siya ang ipinalit si Ms Joyce sa puwesto ni Qabis. K-partner niya sa play si Venice na siyang halos ikamatay sa kilig ni Peter.

"WOHOOOOO!!! GO SISTAHHHH!" sigaw ni Kuya Clark kaya nagmadali akong ilinga ang paningin ko.

Iginala ko ang mga mata ko hanggang sa makita ko si Kuya Clark. Naka-upo siya sa silya sa bandang dulo. Nakatayo at nakataas rin ang dalawa niyang kamay habang sumisigaw na animo'y nag c-cheer.

"Isn't that Mr Vandra?"

"Oh, 'yung classmate ni Ms Hoshinai"

Matapos marinig iyon ay sunod-sunod na ang pagbubulungan nila. Napatakip ako sa mukha ko dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.

"Crazy and childish, nasa lahi naman pala eh" bulong ni Demonyong Kurt.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Nagtaas ang kilay ko nang imbes na matakot siya ay natawa pa ito.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon