Chapter 51

1.3K 78 29
                                    

Back to Reality

Ruri's POV

Animo'y panaginip lang iyong mga nagdaang pangyayari. Ang bilis naman matapos nabibitin pa ako. Balik na naman sa pagpasok sa eskwela. Nakakabagot pumasok sa klase dagdag pa na halos wala akong naiintindihan sa mga itinuturo ng mga teacher namin.

"RURI ABA NAPAKATAGAL!" hiyaw ni Kuya Clark habang kinakalampag 'yung pinto.

"Hoy ang ingay naman manahimik ka nga muna!!"

"Bilisan mo naman" hiyaw pa niya ulit na dahilan para bumangon ako nang padabog.

Sunod-sunod ang tunog na nanggaling sa cellphone ko kaya inuna kong tingnan iyon. Ipinagsawalang bahala ko si kuya Clark na halos magmukhang nakawala sa kulungang Orangutan.

Bumungad ang pangalan ni Demonyong Kurt sa screen ko. Umagang-umaga may tumatawag sa'kin na buwisit. Lapitin siguro talaga ako ng malas. Kahit labag sa loob ko, sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?!" garalgal pa ang boses ko gawa ng bagong gising pa lang ako.

(Where the hell are you?! Paalis na 'yung bus)

"Ha? Anong bus?" taka kong tanong.

Anong sinasabi ng kumag na 'to.

"Damn it! Ngayon 'yung event bilisan mo na nga babae"

Anong event pinagsasasabi nito?

(Bilisan mo na!!! We're about to go you idiot!)

Agad na pumasok sa isip ko iyong usap-usapang foundation day kuno ng Evanston. May pa team building pa raw ngayon kaya biglang dumagundong 'yung dibdib ko sa kaba. Kakarnehin ako nung lider naming bano panigurado.

"Wait lang, on the way na" sabi ko bago pinatay ang tawag.

Nanakbo ako sa banyo. Halos matapilok at mapasalampak pa ang mukha ko sa sahig dahil sa biglaan kong pagtayo. Halos nakapulupot pa ang blanket ko kaya halos madapa-dapa ako. Hindi ko na pinansin 'yung nakabuyangyang na blanket maging mga unan na nagsihulog na ata sa sahig.

"RURIIII ANO BA?! PAPATAYIN AKO NI JOAN BILISAN MO NA" mangiyak-ngiyak na tinig ni Kuya Clark.

Rinig na rinig ko si Kuya Clark hanggang rito sa banyo. Sa sobrang pagmamadali ko ay madaanan lang ata ng sabon ang katawan ko nagbanlaw na agad ako. Halos hindi ko na napunasan ng maayos ang katawan ko gamit ang tuwalya.

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo, isinuot ko na ang damit ko. Nagmamadali ako kaya halos kung ano ano ng itsura nito. Sa pagsusuklay ay halos madaanan lang nung suklay ang buhok ko, ayos na iyon.

Agad akong lumabas ng kuwarto dala ang bag ko. Hingal na hingal pa ako gawa ng paggalaw ko nang napakabilis. Dinig na dinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.

"Tara na Kuya" nagmamadali kong aya.

Hinila ko ang braso ni Kuya Clark na malapit nang maglupasay sa sahig. Animo'y nalugi sa negosyo itong si Kuya Clark dahil sa mukha nito.

"Bilis Kuya, nagmamadali ako!" singhal ko habang kinakaladkad siya palabas.

"Wow ha, nagmamadali ka pa sa lagay na 'yun"

Halos manakbo na ako habang pilit hinahatak ang braso ni Kuya Clark. Sa kaunting minuto ay narating namin 'yung tiny mart. Agad akong pumara ng taxi na masasakyan namin.

Narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Agad ko namang sinagot iyon nang makitang si Everett ang tumatawag.

"On the way na nga, nahirapan lang makasakay ng taxi hindi makapaghintay eh-"

(Umalis na 'yung bus) walang emosyong sabi nito.

Hindi ko alam kung bakit mas natatakot ako ngayong wala akong nababakas na emosyon sa boses niya.

Pakiramdam ko naubos 'yung tapang ko.

"H-haha n-nice joke" wala sa wisyo kong sabi.

(What the heckkk?!! I'm not joking! Mukha ba akong clown para patawanin ka ha?!) sabi nito.

"Bakit ka galit?!! Inaano ba kita ha?!"

(May balak ka ba talaga pumasok ha, babae?!)

"On the way na nga para kang ano ah" sabi ko kasabay ng pagpindot ko sa end call.

"Ayan, sa susunod kasi kapag on the way dapat hindi 'yung naliligo ka pa lang" singit ni Kuya Clark.

"Shut off!!" pikon kong sabi.

Hindi nga ako nakapag almusal dahil sa pagmamadali ko tapos ginaganito pa nila ako.

Narinig ko na naman ang tunog nung cellphone ko kaya walang pag aatubili na sinagot ko ang tawag. Agad kong idinikit sa tainga ko ang cellphone.

"TAMA KA NA, MAMAYA MO NA AKO GULUHIN ABA NAMAN!" singhal ko sabay patay ng tawag.

Ni set ko sa do not disturb ang cellphone ko para hindi na ako maabala sa pag ring nito.

Halos matakot ko ang driver nitong taxi. Medyo nahihiya ako sa part na halos sunod-sunod ang tingin ni Kuya driver mula sa rearview mirror. Butil-butil na rin ang pawis ni kuya driver.

Agad akong nanakbo papasok sa loob. Hindi ko na naalala halos na kasama ko nga pala si Kuya Clark. Agad akong nagulat nang bumisina ng malakas ang kotse sa hindi kalayuan.

"Putcha ka!" ani ko sabay ng pag-iktad ko dala ng pagkagulat.

Dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse. Napataas ang isang kilay ko nang makitang si Everett ang naroon. Halos hindi ko nakilala ang kotse niya. Bago na naman ang dala niyang kotse kaya hindi ko inakalang itong kumag na ito pala ang nasa mismong gilid ko na.

"Hop in idiot!" utos nito sa akin.

Malakas ang dating ng kotseng ito. Dahan-dahang umangat ang pinto ng kotse niya kaya napatanga ako. Bumalik ako sa ulirat nang bumusina na naman ang kumag na ito.

"Hop in!" pag-uulit nito.

Agad akong naupo sa passenger seat. Hindi ko na nakita si Kuya Clark pero nakita ko naman si Ate Joan habang nananakbo ako kaya alam kong doon pupunta si Kuya Clark.

"Ang ganda ng kotse mo ah, bago?" tanong ko.

"What do you think?" malamig nitong sagot.

"Ang angas ng dating ah, magkano 'to"

"Hindi ko 'to binibenta" anito habang nagmamaneho.

"Saan mo binili?"

"Can you please shut up? Ibabangga ko 'to" banta niya.

"Ako pa tinakot mo, eh kanino bang kotse 'to?" pabalang kong sagot.

Nabalot kami ng katahimikan. Pinili ko na lang manahimik kaysa makipagtalo dito sa kumag na 'to. Baka mauwi kami sa suntukan kaya ako na ang nag-adjust. Total kung nagkataong magkasuntukan kami, ako rin naman panigurado ang unang sasapak.

Nabaling ang tingin ko kay Everett.

"What?" biglang tanong nito kaya umirap ako at pinili na lang na tumingin sa ibang direksyon.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon