Chapter 4

2.6K 172 60
                                    

New Life Or Luxurious Life?

Ruri's POV

Nakaupo na kami sa sofa dito sa sala. Katabi ko si Kuya Clark at Kuya Sean.

Pabulong lang ang kasatan namin. Di kasi nalalayo sa'min ang mga bisita ni Mom.

"Pogi nung kapatid ni Joan, di'ba? May pa-akay pa sa'yo kanina. Pustahan tayo kinilig ka" pang-aasar ni Kuya Clark.

"Kuya, masasaktan ka talaga" pagbabanta ko.

"Sige nga, gawin mo nga" paghahamon niya sa'kin.

Siniko ko ang tagiliran niya.

"Aray!" sigaw niya.

"Bakit?" takang tanong ni Mom habang nakatingin samin.

Napatingin din sa'min si Ate Joan na siyang kausap niya.

"Wala po..." sabi ko.

"Si Ru---" bago pa man makapag salita si Kuya, pumasok si Qabis.

"Tara na" aya ni Ate Joan.

Paglabas namin ng pinto, naka-abang na ang mga maid para pagbuksan kami ng gate.

"Ito yung sinakyan natin kahapon ah"
sabi ni Kuya Clark.

"Oo, yung Red Cross" mayabang kong sabat.

"Anong red cross??!!" sabi ni Kuya Sean.

"Oo red cross yung kotse di'ba?"

"Chevrolet yan 'raulo!" nakatanggap ako ng pitik galing kay Kuya Sean.

"Sorry naman, walang ganyan sa probinsya"

"Iyak kana" bulong ni Kuya Clark.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

Binuksan naman ni Qabis yung pinto ng backseat.

Si Qabis ang nasa driver's seat.

Habang umaandar ang kotse, naisipang basagin ni Qabis ang katahimikan.

"Nabanggit ni Tita Mylene na matakaw ka raw" sabi ni Qabis.

"Oo, matakaw yan" sabat ni Kuya Clark.

"Ang payat mo, hindi halata. Mas mataba pa si Ate Joan. Partida nag d-diet pa siya" dagdag ni Qabis.

"So, you're saying that i am fat?" taas kilay na tanong ni Ate Joan.

"Hindi naman sa ganoon-"

"I don't like it. I don't like you words" sabi ni Ate Joan bago pinitik ang tainga ni Qabis.

"Hey, what's your secret?" humarap sa akin si Ate Joan.

"Secret?"

Kita ko ang paminsan-minsang pagsulyap ni Qabis sa rearview mirror.

"Nag w-work out ka ba? May iniinom ka ba?"

"H-hindi ko rin ho alam eh. Di naman ho ako nag w-work out. Bukod sa tubig, soft drinks, at kape...wala naman ho akong ibang iniinom"





Naglalakad kami papuntang men's apparel.

"Sean, Clark...iiwan muna namin kayo dito sa men's apparel. Aakyat lang kami" sabi ni Mom.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon