Chapter 34

1.4K 91 13
                                    

Wish Granted?

Ruri's POV

Pagpasok ko ng classroom namin, umupo na ako sa silya ko. Kahit naramdaman ko ang pagsunod ng tingin ng ilang kaklase ko sa akin, hindi ko na lang ito pinansinat isinawalang bahala na lang.

"Ruri" tawag sakin ni Qabis.

"Hmmm?" 

"I cooked some foods for breakfast, ipinagbaon kita" sabi niya.

"Salamat" sabi ko kasabay ng pagtanggap ko sa iniaabot niyang lunch box. 

"Pancake, and i added a small containers with maple syrup and chocolate syrup since i don't know what do you prefer. I tried baking french silk pie. I added some nuggets, baka magustuhan mo rin kasi. Give me some feedbacks, after eating those foods okay?" 

Sosyal nung almusal nila, ako kasi pag nag aalmusal 'di puwedeng walang kanin. Limang takal ng kanin ang maximum sa umaga. Kapag kulang sa limang takal ng kanin, pangit simula ng araw ko.

Gusto kong ubusin 'yung pagkain dahil sobrang sarap ng mga ito, pero ayaw ng sikmura ko. Pakiramdam ko ay kahit na anong ipasak ko sa bibig ko ay isusuka ko. Maski tubig ay parang isusuka ko sa tuwing iinom ako nito. Parang may kung ano sa sikmura kong nagpipigil sa akin na kumain. Mas samakit ang ulo ko matapos maligo kaya halos mangiyak-ngiyak ako.

"Pahingi" sabi ni Peter.

Matapos tikman ang mga niluto ni Qabis, ibinigay ko iyon kay Peter. Gumamit na lang ako ng tinidor pang-hiwa at kinakamay ko na lang ito pagkahiwa. Baka kasi mahawa pa si Peter sa sakit ko. Nagtataka pa siya noong una nang ibinigay kokaagad ang mga pagkain sa kaniya pero di kalaunan ay tinanggap niya rin ito.

Ibibigay ko na lang sa kaniya kaysa masayang. Kahit naman pilitin ko ang sarili kong kumain, baka maisuka ko lang rin naman.

"Ang sakit ng ulo ko" mangiyak-ngiyak akong napadukdok sa silya ko.

Halos walang tigil ako sa pag-ubo at pagsinghot nung sipon ko. Kumikirot naman ang ulo ko at halos isipin kong paulit-ulit akong pinukpok ng martilyo sa ulo ko. Kapag nalaman ni Kuya Sean na nagkasakit ako dahil sa lintik na ice cream na nang-akit sa akin, baka pagalitan pa ako.

"Pangit ba 'yung lasa ng luto ko?" tanong ni Qabis nang makita kay Peter and baunan na ibinigay niya sa'kin.

"Hindi, ang sarap nga eh. Feeling ko lang masusuka ako, ayaw ng sikmura ko sa pagkain ngayon. Ang sakit din ng ulo ko"

"Geez, what happened?" 

Nagkibit balikat ako bilang sagot. Idinikit ni Qabis ang likod ng palad niya sa noo ko. Sinundan naman ng mga mata ko ang kamy niya dala ng kuryusidad.

"Anong ginagawa m-"

"Dang! Ang taas ng lagnat mo" medyo may kalakasang aniya.

Agad namang lumapit sa amin si Peter at Jake. Maging sila ay inidikit ang likod ng palad sa noo ko.

"Gago, puwede na paglutuan ng itlog" 

"Pumunta ka na kaya sa clinic, bubuhatin kita" presinta ni Jake.

Umiling ako bago ngumiwi. Isa-isa ko silang tiningnan at mas lalo akong napangiwi nang makita ang mukha nila.

"Ang OA niyo pare-pareho" sabi ko bago pinaghahampas ng notebook ang ulo nila.

"Concern lang kami, mamaya sugudin na naman kami ng Kuya mo. Nakaka-trauma 'yung Kuya mo, baka mabalian ako ng buto"

Umalis silang tatlo para bumili ng pagkain. May kaunting oras pa kasi bago magsimula ang klase. 

Napa-angat ako ng tingin nang biglang may kumalabit sa balikat ko. Unang naramdaman ko ang papel na ihinulog niya sa may braso ko. Napalingon ako at napakunot ng noo nang makitang si Chris ang may gawa noon. Binuklat ko ang maliit na papel at tiningnan ang nakapaloob sa papel na iyon.

Meet me on the rooftop.




Lilinga-linga pa ako nang makarating ako sa rooftop. Recess time na at dito ako unang pumunta. Wala akong balak pumunta sa cafeteria dahil wala rin naman akong balak kumain.

"Free ka mamaya?" tanong nito mula sa likod ko.

"Oo sana kaso masama pakiramdam ko, magpapahinga ako sa bahay"

"I'll help you with the lessons, pumayag ka lang. I'll tutor you for free, just say yes"

"Ayaw ko nga, mamaya tanungin mo ako kung gusto ko ibenta atay ko. Ano ba muna kailangan mo?"

"Pumunta ka sa bahay ni Kurt after class"

"Ayaw ko nga" mabilis na sagot ko.

"Willow wants to play with you, just pay her a visit" 

"Ayaw ko nga, mamaya mahawa ko pa 'yung bata kawawa naman"

"She's waiting for you to come over"

Mamaya-maya pa ay lumapit siya sa akin at may inilagay na kung ano sa bulsa ko. Nagtataka pa ako at mabilis kong tiningnan ang inilagay niyang iyon sa bulsa ko. Nagatataka pa ako nang makita ang ilang gamot at isang pakete ng tissue. 

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kaniya.

"Take those medicine, para mas mabilis kang gumaling. Na-move 'yung schedule ng exam dahil may special program ang karamihan sa teacher ng Evanston"

"Wow, ang bait porket may kailangan ka sa akin ang bait mo ah" 

"What the hell are you talking about? Hindi nga ako halos nakikipag-usap sa'yo"

"Kaya pala dito sa rooftop nung nakaraan lang-"

"My head hurts like hell because of what you did"

"Kasalanan mo naman eh!"

"Crazy" aniya habang himihimas ang batok.

"Have you eaten?" walang kahit anong ekspresyon na boses niya.

"Hindi pa"

"I asked Pete to buy some foods on the cafeteria" aniya bago ako harapin.

Sinundan ko kung saan siya naglakad. Naupo siya sa dating puwesto kung saan ko siya unang nakita. May nahandang dalawang sirang silya doon at mat lamesa rin, 'yun nga lang puro sulat na ng kung ano-ano ang lamesang iyon. 

"Wala akong gana eh" sabi ko bago napag desisyunang tumabi sa kaniya.

"Eat up. Kailangan mo lamnan ang tiyan mo para makainom ka ng gamot"

"Ayaw ko nga"

"Stubborn" aniya bago piitik ang ilong ko.

"Hoy, may naisip ako"

"Hmm?" 

"Sagutin mo 'yung tanong ko sasama ako sa'yo para bisitahin si Willow" presinta ko.

"I can just kidnap you" aniya kaya't pinukpok ko siya ng water bottle na kasama niya sa ibinibigay niyang pagkain.

"Madali lang naman eh"

"Okay, deal" pag sang-ayon niya.

"Sasagutin mo ah, kapag hindi mo nasagot hindi ako sasama sa'yo hindi rin ako magpapa-kidnap"

"Spill"

"Bakit ayaw mo ba pumasok ng cafeteria?"

"Simple, dahil ayaw ko"

"Meron bang ganoon? Pagkain nandoon eh tapos aayawan mo, narinig ko kasi sa kanila kanina na may ganap daw"

"I hate crowded places, and i am avoiding someone"

"Sino 'yung someone"

"Someone you shouldn't know"

"Ang daya mo"

"My ex-girlfriend" dagdag niya pa.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon