Chapter 50

1.3K 82 29
                                    

Detective Friends

Ruri's POV

Hatak-hatak ako ni Peter papunta rito sa balkonahe. Nandito sa balkonahe si Kuya kaya hanga ako sa tapang nitong mga kumag na 'to.

"Asaan na Kuya mo?" tanong ni Ethan.

Napatakip ako sa bibig ko. Napatitig ako sa kanya habang halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki nito.

S-sino daw hinahanap? H-ha? May tutuli ba ang tainga ko?

"Gaga bakit mo hinahanap si Kuya??!" tanong ko pabalik kasabay ng paghampas sa braso niya.

"Bawal ba?"

"Are you looking for me?" boses mula sa likuran namin.

Halos mag echo sa tainga ko ng paulit-ulit ang boses ni Kuya Sean. Hindi ko alam ang kailangan ng mga kumag na ito mula kay Kuya. Kung kay Mommy ay nakipag joke time sila, kay Kuya hindi 'yun uubra. Ako ngayon ang kinakabahan sa kung anong kabulastugan ang nasa isip ng dalawang 'to.

"Yup" maamong sabi ni Peter.

"Pagpapaalam namin si Ruri, dito lang din naman sa loob ng village" sabi ni Ethan.

Ayusin niyo lang

"Hmmm"

"Doon lang sa café"

"What time is it?" tanong ni Kuya Sean.

Agad na tumingin sa cellphone si Peter para alamin ang oras.

"3:15 pm"

"Hmmm, by 4:00 pm andito na kayo. If ever ma late kayo, don't worry i can prepare a coffin for the both of you" naka ngising pagbabanta ni Kuya Sean.

"Oh, take a good care of her" dagdag ni Kuya.

"Aye aye captain"

Agad akong hinatak ng dalawang talipandas na ito. Halos maiwan ang kaluluwa ko dahil sa pagkakahatak ng dalawang kumag.

Nahinto kami sa paglalakad nang marating namin ang café dito lang sa loob ng village. Halos naka-tanga lang ako habang papasok. Nakatira ako dito sa loob ng village na 'to pero hindi ko alam na may café pala rito.

"Pistachio Frappuccino please" sabi ni Ethan.

"Hot choco nga na malamig ate" sabi ni Peter.

Halos umuga ang lamesa nang tadyakan ni Ethan ang paa ni Peter na nasa ilalim nito. Abala akong nakatingin sa menu kaya halos hindi ko na sila mapansin.

Ano o-orderin ko??? Wala akong alam sa ni isa dito sa mga nakasulat

"Ruri what's your order?" tanong ni Ethan na dahilan ng pagbalik ko sa sarili.

"A-americano"

"Wait, are you sure?" tanong ni Ethan.

Mabilis akong tumango kahit na nag-aalangan ako.

Anong are you sure? May masama ba dun sa inorder ko? Ayun 'yung nasa unahan eh

"Sigurado ka diyan ah, panindigan mo 'yan" sabi ni Peter.

Agad na umalis ang waiter matapos kuhanin ang order namin. Naiwan kaming tatlo na nakatunganga. Paulit-ulit ang pagtitinginan ng dalawang kumag na ito. Hindi ko mawari ang dahilan ng kala mo'y matae sa pagpipigil ng tawa nitong dalawa.

"Naano kayong dalawa?" tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay nagsitawanan pa ang mga kumag. Halos kami lang ang customer dito kaya mas kumapal ata ang mukha ng mga 'to. Halos mangiyak sa katatawa si Peter. Mamula-mula ang mukha ni Ethan sa katatawa.

Inilapag na nung waiter 'yung mga inorder namin. Halos mapako ang tingin ko doon sa waiter na 'yun. Tingin ko ay nasa ka edad lang din namin siya. Naka ponytail ang kulay brown na buhok at bahagya itong kulot. Morena at kung titingnan ay napaka tangos ng ilong.

"Your americano" sabi ni Peter kasabay nang pag-usog niya ng baso papalapit sa'kin.

Bumagsak ang tingin ko kay Peter. Bahagya pa akong sumulyap ulit doon sa kinatatayuan nung babaeng waiter.

Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita noon.

"Ano nga pala ang GANAP...spill the tea naman" sabi ni Peter habang sumisipsip sa straw nung inumin niya.

"Anong GANAP?" tanong ko habang hawak ang tasa ng inorder ko.

"Ganap, like anong nangyari?" tanong ni Ethan.

"Ha?" pagtataka ko bago ko iangat ang tasa.

"Nag-date kayo ni Chris 'di b-" tanong ni Peter pero bago pa niya matapos nabuga ko ang kape mula sa bibig ko.

Halos mangiwi ako dahil nakita kong halos mukha ni Peter ang sumalo lahat nun. Halos maligo ang mukha ni Peter ng kape.

"Hoy sorry, ang pait kasi" sabi ko kasabay ng pagkuha ko ng kumpol na tissue.

Halos 'di makahinga ng maayos si Ethan sa katatawa. Dinig na dinig ko ang malakas na hagalpak ni Ethan habang inaabutan ko si Peter ng tissue.

"Kung may galit ka sabihin mo!" singhal ni Peter.

"Sorry sadya"

"Pinuno mo ng americano 'yung mukha ko ah" reklamo nito.

"Mukha ka namang tasa, okay lang 'yan" boses mula sa hindi kalayuan.

Napa-angat ang tingin naming lahat. Agad namang napukaw ang atensyon naming lahat. Nakasimangot na tumalikod si Peter para tingnan iyon.

"Y-you're here" halos mabulol si Ethan.

"Of course"

Maging ako ay nagulat nang makita rito si Venice. Agad na napalitan ng malapad na ngiti ang dating nakasimangot na si Peter.

"Can i join?" tanong ni Venice.

Wala pa man sagot ay agad nang naghanda ng upuan si Peter para kay Venice.

"Here" alok ni Peter habang nakatayo sa likod ng inihanda niyang silya.

Halos mapahiya si Peter nang maupo si Venice sa upuan katabi ko. Makailang segundo rin ay napilitan na si Peter na maupo sa silyang inihanda niya para sana kay Venice.

"How's your date with Terrence?" tanong ni Venice.

Pare-pareho sila ng tanong. Ang bilis makaramdam ng mga 'to. Kung todo pa inosente pa ako kanina pero parang alam naman nila ang mga ganap.

"O-okay lang naman" may pagka-ilang kong sagot.

"Saan kayo nag date?" tanong ni Peter.

"Sa arcade"

"Ohhh arcade date..."

"Hindi ako sinama, nakaka tampo" kunwari rin na inirapan ako ni Peter.

"What are you, a frickin third wheel?" pambabara ni Venice kay Peter.

"Tayo na lang mag date" anito sabay makailang ulit na kumurap-kurap ang mata.

Inirapan siya ni Venice sabay pagngiwi.

"Ate Ruri oh" parang batang sumbong ni Peter.

"Shut off" pagsita ko.

Tumingin si Peter kay Ethan para humingi ng backup pero tumingin lang ito sa ibang direksyon.

Nakain ang oras sa halos puro bangayan ni Venice at Peter. Mas madami ang bangayan nila pero hindi ako nakaligtas sa mga tanong nila. Parang kaharap ko ang tatlong interviewer habang pinipilit kong ubusin 'yung americano.

Sa sobrang tapang nung kape ay halos ramdam na ramdam ko ang diwa ko. Mas mapait pa ata sa apdo 'yung kapeng iyon.

The Only Peach In Five Apples [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon