Chapter 40 | Mystery of a Star

476 36 51
                                    

Lemon’s Point Of View
___

I silently stared at my reflection. Napabuntong hininga na lamang ako nang makitang walang kaemo-emosyon ang aking mukha. The faint sounds of the river that is flowing to my left side was the only thing that I hear in this peaceful place, along with its sound is my heart beating.

Tumingala ako sa kalangitan at napansin na malapit nang magdilim. The hues of the skies are changing as the sun takes its rest and the birds are preparing for the night, getting back to their homes after a long journey.

Napatingin naman ako sa isang pugad na nasa itaas lamang ng punong malapit sa kinauupuan ko. I saw how the mother bird arranged her three eggs and how she kept them warm. Even animals can show their love to each other and that’s where they found their own home.

“Home?” I hope I have that.

Napabuntong-hininga ako’t iniwas na ang tingin. Well, I have someone that I call home twelve years ago… but it suddenly vanished and was replaced by blood. The one that I call home left me without saying goodbye…

And it was all because of her.

“Joining the Titans is a bad idea,” I whispered under my breath.

Nang matapos kong titigan ang aking repleksyon mula sa ilog ay kumuha ako ng tubig doon gamit ang aking mga kamay at naghilamos. Nang naramdamang hindi pa ako nakuntento ay inilapit ko ang aking mukha sa tubig at saka walang pasabing nilublob ang mukha ko roon.

Naaalala pa ba niya ang kasalanang ginawa niya noon?

Dahan-dahan kong inahon ang mukha ko mula sa pagkakalublob sa ilog. Habol-habol ko ang aking hininga nang bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Hindi ko alam kung bakit gulong-gulo ang utak ko, ngayong nakaplano na ang lahat. I’m just waiting for the right time…

But why am I hesitating?

Makalipas ang tatlong minutong pananatili ko sa ilog ay akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa damuhan nang biglang may umupo sa aking tabi dahilan para mapatalon ako sa gulat. Nang makita ko kung sino ang taong iyon ay sinamaan ko ito ng tingin.

“Nathaniel!” madiin kong sigaw sa kaniya. Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya? Masyado bang malalim ang iniisip ko para ‘di mapansin ang aura niya? Weird.

“Yes, that’s my beautiful name,” mayabang na saad niya sabay hawak sa baba niya at saka ngumisi. “A beautiful name for a handsome man.”

Bagot ko siyang tinignan. “Ikaw na ba ang pinamahan saglit ni Winter ng kahanginan niya ngayong wala siyang malay?”

He chuckled as he slapped my back. Malapit na nga ako mahulog sa lakas no’n! “Nathaniel Hellviore, kahit matanda ka kaysa sa akin ay kaya ko pa ring durugin ‘yang pagmumukha mo!”

“Ang cute naman mainis ng unano na ‘to.” Natatawa pa rin niyang saad kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. This time I thought of pushing him into the river and so I did, then I stuck my tongue to tease him.

Oopps! Nadulas.” I grinned at him.

“Tabi, tabi po!” nang-aasar pa niyang sabi, halatang ‘di nainis sa ginawa ko. Mas ako pa nga ang nainis!

Nang makaahon ay umupo ulit siya sa tabi ko at hinubad ang pang-itaas na damit. Sunod niyang nilagay ang basa niyang damit sa isang malaking bato para patuyuin ito roon kahit wala namang araw. He then combed his wet messy hair backwards with his hand.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon