Chapter 30 | Trap in a Cave

482 41 150
                                    

Trisha’s Point Of View
___

Noong dumako ang tingin ko kay Musa na papalapit sa amin kasama si Nix ay kaagad na naningkit ang mga mata ko. Totoo ba ang sinasabi ni Zen? Mukhang hindi naman ‘yon magagawa ni Nix kay Musa, dahil sa pagkakaalam ko wala siyang nararamdaman para sa kaibigan ko.

Bumaling ulit ako kay Zen na nasa tabi lang ni Rain at nilalagok ang isang basong tubig. “Sure ka? Ihhh! Mahirap paniwalaan.”

Pinunasan niya na muna ang bibig niya gamit ang kamay bago tumango ng marahas. “Totoo nga! Aba, ano naman ang makukuha ko kapag nagsinungaling ako?”

“At ano naman ang makukuha mo kapag sinabi mo sa amin ‘yon?” Nakataas ang kilay na saad ni Rain saka ito humalukipkip. “Napaka-chismoso mo talaga.”

“Baka malabo na ang paningin mo tapos napagkamalan mo pang hinalikan ni Nix si Musa,” sambit ko naman sabay lagay ng hintuturo ko sa baba ko. “Uhmmm… maniniwala pa ako kung si Musa ang sinabi mong nanghalik kay Nix.”

Malinaw na malinaw kaya ‘yung mata ko,” nagtatampong sabi ni Zen. “At puro katotohanan ang sinabi ko sa inyo. Tanungin niyo pa si Nix,” turo nito kay Nix ng makalapit ito sa amin.

“Bro, totoo?” Nanlalaki ang mga matang tanong ni Winter sabay akbay kay Nix.

“It’s obviously not true.” Iling-iling ni Sky.

“Totoo nga! Nakita ng dalawang mata ko!”

Sinamaan naman ng tingin ni Nix si Zen. “Shut up, pirate!”

Bumaling naman ako kay Musa nang makalapit ito sa amin at napansin ang bahagyang pamumula ng mukha niya. Hays, duda pa rin ako. Habang nakanguso ako ay mabilis akong lumapit kay Musa nang makaupo ito sa bangko na malapit lang kay Rain.

“Musa~” kaagad kong tawag sabay sundot-sundot ng taligiran niya. Yiee! Totoo ba?”

“H-Ha?!” Napatawa na lang ako noong nataranta siya at saka mabilis na tumingin sa akin. “A-Ano?”

“Hmmmm…” Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya at mas lalong siningkit ang aking mga mata para maobserbahan ng maayos ang pamumula ng mukha niya. “Totoo bang siya ang nanghalik o ikaw talaga ang nanghalik.”

“N-Nanghalik?!” Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya at mas namula ang mukha.

“Trisha, stop it.” Natatawa akong tumango kay Rain at saka lumayo kay Musa. Bumaling naman siya kay Musa na hanggang ngayon ay namumula at hindi pa rin mapakali. “Musa, have some rest.”

“O-Okay,” tango ni Musa pagkatapos ay dahan-dahan itong tumayo bago siya dahan-dahang naglakad patungo sa tent namin.

Sunod kong nilingon ang mga lalaki at nakitang patuloy pa nilang inaasar si Nix. Hahaha, natatawa nga ako sa mukha ni Nix kasi halatang naiinis na ito na halos ‘di na maipinta ang mukha niya. At sina Winter naman ay halatang nasisiyahan sa ginagawa. Uwu! Ang cute lang nilang tignan, ang saya!

Hays, tapos si Angel naman ay hindi pa nagigising. Ang tagal naman niyang magising, si Winter talaga ‘to ang may kasalanan! Kasama nga pala niya si Lemon na nagpapahinga rin. Sunod ay si Nath, wala kaming balita sa kaniya. Ang sabi kasi ng matandang lalaki sa amin ay maghintay lang daw kami. Sana naman ayos lang si Nath, kasi nag-aalala na kaming lahat, at kung hindi man siya okay ay paniguradong may magwawala sa sobrang pag-aalala.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon