Chapter 26 | Sea of Stars

497 37 91
                                    

Lemon's Point Of View
___

I picked the small branches of the tree on the ground and put them in the basket on my back. Tinignan ko na muna ang mga sanga na kinuha ko na nasa loob ng basket sa aking likod, at ng matiyak kong marami-rami na ang nakuha ko ay napagdesisyunan ko nang bumalik sa lugar na napili naming tuluyan ng pansamantala.

Actually, I am in the middle of the forest, getting some woods so that Nath can make fire with it and Trisha can cook dinner for us. Ewan ko ba kung bakit ako pa ang naisipan nilang utusan, may limang lalaki naman kami na kayang gawin ito. Tsk, oo nga pala, ang mga limang uto-utong iyon ay nangingisda ngayon para raw marami ang ulam namin.

Malapit lang naman ang gubat na pinasok ko sa beach na nahanap ni Zen kaya naman ay agad rin akong nakabalik, hindi rin naman ako lumayo eh. Pinili namin ang pwesto na tago, because we need to stay low key. Nang makarating ay kaagad kong ibinaba ang basket na naglalaman ng mga sangang nakuha ko bago ako nameywang sa limang lalaki na nakabalik na pala at kasalukuyang nakahiga sa buhangin na malapit sa dalampasigan habang basa ang kanilang mga suot.

"May nahuli ba kayo?" Pinantaasan ko sila ng kilay.

"Siyempre! Marami akong nahuli," pagmamayabang ng piratang extra baggage namin.

"Kutong dagat ka kasi!" Sunod namang umirap si Nath. "Ang unfair nga! Inaagaw mo ang mga nahuhuli ko."

"Hindi ka rin kasi marunong umagaw pabalik." Nakita kong kinindatan ni Zen si Nath dahilan para mapairap ako.

"Kahit ako nga naagawan, nagreklamo ba 'ko?!"

"Sorry, Winter bro. Ang bagal niyo kasing gumalaw," saka iyon sinunuran ni Zen ng mahinang tawa.

"You're a fisherman. Fishing is your expertise," saad naman ni Sky.

"Hindi ako mangingisda, pirata ako. Pirata!"

"That's enough," putol agad sa kanila ni Nix bago pa sila magbangayan saka siya bumaling sa akin. "Mayroon na bang naluto si Trisha?"

"Wait!" Napaigtad na lamang ako nang biglang bumangon si Sky at sumigaw. "Trisha is cooking?!"

"Sky naman! Huwag kang manggulat, muntik na akong atakehin sa puso," sabi ko sabay himas ng dibdib kung nasaan ang puso ko. "Oo. Bakit, may problema ka?"

"Yes! Because she'll eat it even if it is still raw."

"Bina-back fight mo ba ang kaibigan mo?" inosenteng sabi ni Nath.

"It's not that."

I shook my head and sighed, before turning my back on them. Sunod kong pinanood si Angel at Musa na kasalukuyang inaayos ang mga kagamitan namin, si Rain naman ay naghahakot ng tubig dahil kaya naman niyang kumontrol ng tubig, so it'll be easy to her. Bumaling naman ako kay Trisha...

"Hey, don't eat it!" Napailing na lamang ako nang makita kong akmang kakagat si Trisha ng isdang hilaw.

"Told 'ya."

Mas lalo akong napailing nang marinig ko ang boses ni Sky mula sa likuran ko. I sighed again before walking towards Angel to sit beside her, but not too close because I don't want to... I don't want to get closer to her.

Nang makaupo sa malaking kahoy na nakuha ng mga lalaki para upuan namin ay kaagaran kong binalingan ng tingin si Rain dahil pabagsak siyang umupo sa buhangin habang basa ang manggas ng damit niya. I just shrugged it off, alam ko namang kaya niya iyong patuyuin maya-maya dahil sa kapangyarihan niya.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon