Chapter 8 | Into The Deep Blue Sea

554 51 19
                                    

Nagulat kami nang makita naming isa-isa niyang hinila ang iskala sa kaniyang buntot. I mean, hindi ba siya nasasaktan? According from what I read, parang balat na rin daw ng mga mermaids ang iskala nila kaya naman nasasaktan sila kung may isa mang matanggal mula sa kanilang buntot.

“Liyah, you’re bleeding!” sigaw ni Musa bago nilapitan si Liyah.

“Hala, hindi mo naman sinabi sa amin na ganiyan pala.” Pati si Trisha ay lumapit na rin sa kaniya dahil sa pag-aalala.

Sa bawat paghablot ni Liyah sa kaniyang iskala ay nag-iiwan iyon ng maliit na sugat, kaya labis kaming nag-aalala sa kalagayan niya.

“Don’t worry, it’ll heal as time passed by.” Ngumiti siya ng kay tamis pero nakikita ko pa rin ang sakit sa kaniyang ekspresyon dulot ng paghablot niya.

“Gagamutin ko na lang.” Itinapat ni Trisha ang kaniyang nag-iilaw na kamay sa mga sugat ni Liyah. Unti-unti iyong naghihilom kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

“Thank you,” she said and smiled. Sunod niyang ibinigay sa amin ang mga iskalang hinablot niya. “Heto. Ang gagawin niyo na lang ay ang ikuskos ang mga iskala sa inyong mga paa.”

“Uhm… puwede naman na ako na lang ang kukuha ng Gem, samahan mo na lang ako,” wika ko.

Kaya ko namang maging isda or kahit na anong nilalang sa dagat, well… except for mermaid, serpent, and other mythical creatures that lives in the sea.

“No, it is too dangerous to go alone. You need your friends to help you, and you need the Blue Dragon in there.” Napailing siya sa sinabi ko.

Yeah. Maybe, it’s too dangerous out there. I looked down as I fixed my glasses. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang makakaya ng potion, baka kasi magtagal ako roon sa loob ng dagat tapos wala akong kasama, paniguradong malulunod talaga ako. The potion can only last at least ten hours and it would be risky if I go alone.  And also, the Blue Dragon is the only one who can touch the gem.

“Why are they taking so long?” reklamo ni Angel na ang tinutukoy ay ang mga lalaki.

“Maybe they’re on their way here,” said Rain with a small shrug.

“Or maybe… they are still watching the mermaid’s boo—“

“Hinatid lang naman nila si Luna sa barko, ihhh!” naiinis na turan ni Trisha na siyang nagputol sa sinasabi ni Musa.

“Let them be,” I said and sat down on the big rock. “We will do this together. Magbibilang lang ako hanggang tatlo at sabay-sabay na nating ipapahid sa mga paa natin ang iskala.”

Tumango silang lahat bilang pagsang-ayon sa akin.

“One…” I looked at the pink and slimy scale in my hand. “Two…” I slowly put it closer to my feet as I felt my heartbeats fasten, because of nervousness. “Three!”

Matapos kong maipahid ang iskala sa paa ko ay naramdaman kong may bumabalot doon na mahika, parang unti-unti iyong pinagdidikit sa isa’t isa at dahan-dahang nababalutan ng kung ano mang slimy na bagay. Sunod iyong umilaw dahilan upang mapapikit ako.

Hindi ko pa alam ang tungkol dito dahil wala namang nakasulat sa mga libro tungkol sa iskala ng mga sirena. Mukhang marami-rami pa kaming sikretong mabubunyag pag nagtagal ang paglalakbay namin ngayon, because I believe that… everything has a secret.

Nang maramdaman kong nawala na ang liwanag na nasa paligid ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata saka tumingin kaagad sa kulay dilaw kong buntot. The scales are shining like a diamond, like it is the only light in this dull world, but it feels a little bit weird though because it feels slimy. I then looked at my chest when I also felt something slimy in there. My lips then gaped slightly when I saw the yellow scales that is covering my entire chest.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon