Chapter 15 | Dearest Friend

594 51 53
                                    

Isa-isa silang nag-pakilala sa pinuno ng Ventum habang sila ay iginagaya nito papasok sa loob ng tribo. Ang mga gamit nila naman ay kinuha ng mga tagasilbi at ng kanang kamay ng pinuno na siyang nasa tabi lang kanina ng pinuno, at sinabing sila na raw ang bahala sa mga gamit nila saka sila na rin daw ang mag-hahatid sa kuwarto na pansamantala nilang tutuluyan. Hindi rin naman sila makatanggi dahil sa sobrang pagod.

Habang nag-lalakad sila ay hindi nila maiwasang mamangha sa nakikita, lalo na si Trisha. Kahit pa nanggaling na rito si Trisha ay hindi pa rin siya nag-sasawa sa mga tanawin dito. Maraming Pegasus ang lumilipad at nag-lalakad sa paligid, ang mga halaman naman nila ay lumulutang sa ere pero hindi naman ito umaalis sa lugar. May mga maliliit na fairies na palipad-lipad lamang sa paligid at may iba naman na pinaglilingkuran ang mga tao rito.

Ang buong tribo ay napapalibutan ng makapal na mist, para raw ma-protektahan sila nito kahit papaano. May kaunting mist rin ang nakakalat sa paligid pero hindi iyon naging hadlang para makita nila ang kagandahan ng buong lugar.

Iginaya sila ng ama ni Sky sa kanilang may kalakihang bahay, dahil kakain na raw muna sila. Hindi sila tumanggi dahil nagutom nga sila sa kanilang pag-lalakbay.

“Please, make yourselves comfortable and enjoy the food!” mahinhing sabi ni Mr. Skie matapos niyang buksan ang kay laking pintuan na sa tingin nila ay nakakonekta sa dining room.

Pagkabukas na pagkabukas ng malaking pintuan ay bumungad kaagad sa kanila ang napakalaking dining area at saka ang mahaba at malaking mesa na kasalukuyang napupuno ng mga iba’t ibang uri ng pagkain.

“Hmm…” Inilibot ni Winter ang mga mata sa mga pagkaing nakahain at napansing mas marami pa ang chicken o mga ibong nakakain na putahe kaysa sa gulay. “Mukhang mahilig kayo sa ibon, ah.”

“Thank you, Mister Skie,” pasasalamat ni Angel sa ama ni Sky bago ito yumukod upang magpakitang galang.

“Hindi mo rin ba type ang Dad ni Sky?” Winter leaned closer to her and whispered, “I mean, he’s a hottie too. Look at that curly hair, and I am pretty sure that behind those clothes is a muscular body that can make every girl beg for his attention.”

Manahimik ka kung ayaw mong katayin kita riyan.” Angel’s eyes squinted while looking at him like she was about to kill someone, but instead of being scared, he just chuckled and took a seat beside her.

Kumuha ng watermelon si Trisha saka nag-simula ng kumain nang walang paalam kaya naman ay siniko siya ni Sky na nasa tabi niya lang.

“Show some respect,” bulong ng binata sa kaniya pero hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

Noong siniko niya na naman ulit ito ay napaawang na lang ang kaniyang bibig nang makitang inilabas ni Trisha ang dila na para bang inaasar pa siya nito saka bumalik na sa pagkain. Trisha and her childishness is back again.

“Be matured for once. You’re so childish,” bulong ulit ni Sky sa katabi niya.

“What?”

“I said—“

“Whatermelon.” Ngumiting aso si Trisha saka humalikhik matapos niyang makita ang reaksyon ni Sky.

Umiling si Sky habang nakasimangot sa inakto ni Trisha. Kahit kailan talaga ay napaka-childish ni Trisha, kaya niya pinagsasabihan. Pero okay lang naman sa kaniya kung maging childish ito basta hindi sa oras na seryoso ang pinag-uusapan ng lahat. Ipinokus niya na lamang ang kaniyang sarili sa pagkain at hinayaan na si Trisha.

Scars of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon