Chapter 17

7.8K 190 31
                                    


"Madam, you would be surprise about the news spreading around LM Corp right now" sabi ng kanang kamay nga matandang babae.

"Ano na naman yun? May bagong competitor na naman ba si Lisa?" tanong ng matanda.

"Hindi po yun, talagang nakakagulat po talaga ang chismis na 'to."

"Alam mo ba't hindi mo nalang direstohin. Baka gusto mong sisantehin kita!" Asik ng matanda.

Dami pa kasing paligoy-ligoy di nalang dumiretso sa punto. Naiinis pa naman sa ganun ang matanda.

"Usap-usapan po ngayon ang tungkol sa batang lalaki pumunta sa mismong LM Corp at nagpakilala bilang anak ni Ms. Manoban"

"What? Pano nangyari iyon? Hindi ba't ikakasal palang naman sila ng anak ng mga Chou?"

"Ayon na nga po ih pero balita ko kamukhang kamukha daw po ni Ms. Manoban ang bata at eto pa Koreano ang itsura ng bata at malabong anak ito ni Ms. Chou  kaya nga nagliyab agad ang usap-usapan sa buong kompanya."

"Kahit kailan talaga hindi nagiingat ang batang yun. Sabihin mo sa mga tauhan natin na wag nang palabasin sa pa sa LM Corp ang issue na ito. If this reach to the media, you know what will happen to you" sabi ng matanda na para bang nagbabanta.

Napalunok naman ang kanang kamay sa kaba at tumango nalang sa Donya.

"Send someone to keep an eye on Lisa and the child. Tell me every info na makukuha niyo."

"Yes madam," sabi nito saka iniwan na ang matanda para kumilos.

Hindi parin talaga nagbabago si Lisa, she still keeps on doing something na maaring ikasira niya at ng kompanya niya. Mabuti nalang at maagap ang matanda at agad niyang natatakpan ang mga butas ni Lisa.

Malaking eskandalo ito panigurado kapag nakalap ng media ang impormasyong ito tungkol kay Lisa lalo na't isa siya sa mga sikat na entrepreneur sa bansa. Sikat din ang pamilyang Chou kaya't siguradong magagalit ang mga ito kung kumalat ang issue dahil madadamay ang anak nila.

Kahit may pagkaarogante at reckless si Lisa, siya ang kaisa-isang apo ng matanda kaya't hindi niya iyon magawang pabayaan pagdating sa mga gulong at issue na kinasasangkutan nito.

But somehow, her curiousity rose. Kung talagang anak ni Lisa ang batang nasabi, ganun pala ay may great grand child na siya. Parang nae-excite siyang makita ang bata. Wag lang sana itong lumaki na kasing pasaway ni Lisa dahil baka maging sakit din ito sa ulo.

She knows how naughty Lisa was lalo na nung teenager pa ito, syempre siya ang nagpalaki dito habang abala mga magulang ni Lisa sa pagpapalago pa ng business nila.

The old woman wants to personally see Lisa at ang bata sana kaya lang hindi niya iyon magawa ngayong may iniinda siyang karamdaman.

Nilibang nalang muna ng matanda ang sarili niya sa pagbabasa ng libro.

Ilang sandali pa ay bumalik ang kanang kamay niya.

"Madam, yung  inutusan kong magmanman kay Ms. Manoban gusto ka niyang makausap" sabi nito saka inabot ang cellphone sa Donya.

"Hello?"

"Madam, kakalabas lang ngayon ni Ms. Manoban at ng bata. May kasama silang babaeng mukhang Koreana. Sa tingin ko'y ito ang nanay ng bata. Ngayon po ay sinusundan ko parin sila at base sa tinatahak naming daan, ay sigurado akong papunta sila sa airport" pag-uulat ng lalaki sa kabilang linya.

"Ano? Ibig sabihin ay ihahatid ni Lisa sa airport ang mag-ina ng hindi manlang ipapakilala sa kin!?"

"Siguro nga po dahil mukhang walang balak si Ms. Manoban na gawin sa bata"

"Napaka-stupida talaga ng batang iyon! Sige patuloy mo lang silang sundan at tumawag ka ulit mamaya kapag may nasagap ka na naman" sabi ng matanda at binaba na ang tawag.

Huminga ng malalim ang matanda dahil parang mahahighblood yata siya sa apo niya. Talaga bang hindi parin ito nagma-mature??

"Wendy! Bilhin mo lahat ng ticket na papunta sa Korea. Hindi pwedeng hindi ko manlang makita ang great grand son ko" utos ng matanda sa kanang kamay.

"Yes madam"

And with that umalis na naman si Wendy para gawin ang utos sa kanya.

Sa kabilang banda, kararating lang naman nila Lisa sa airport. Umiiyak parin ang bata dahil iniisip niya palang na malalayo na naman siya sa daddy niya ay nasasaktan na agad siya.

Hindi ba kasi pwedeng magsama-sama nalang sila na buong pamilya?

Sinamahan ni Lisa ang mag-ina sa loob. Siya nalang din ang magbabayad para sa paguwi ng mga ito.

And to her surprise wala nang plane tickets papuntang Korea.

"The tickets got sold out. I think we should find another airport" sabi ni Lisa kay Jennie.

Tumango lang si Jennie at sumunod kay Lisa pabalik sa sasakyan. Muli silang bumiyahe at naghanap ng iba pang airport na malapit.

But surprisingly, ganun din ang nangyari. Wala na ding ticket. Kaya naghanap ulit sila ng naghanap ng eroplanong papunta sa Korea pero wala talaga.

"I guess there are a lot of people who went to Korea today" Lisa shrugged her shoulder.

Wala silang kaalam-alam na ang lola pala ni Lisa ang may pakana sa pagkasold out ng mga plane tickets papuntang Korea.

"I guess we'll have to stay in this country while there are still no tickets" Jennie sighed.

Bigla namang nagning-ning ang mga mata ni Liam dahil sa narinig. Ibig sabihin kasi nito makakasama niya pa ng mas matagal ang daddy niya.

"Daddy has a very big house, we could stay there" masayang sabi ni Liam.

"No Liam, you've bothered your daddy too much. We'll just stay at the hotel" sabi ni Jennie na agad nakapagpabusangot sa bata.

"No, actually it's okay. There are a lot of available rooms there. I'll just treat you as my guests. Anyway, it wouldn't probably take long to have available tickets."

Naisip ni Lisa na gagasto lang kasi sila Jennie kung magho-hotel pa. Kung sa mansyon niya nalang libre pa tsaka they could eat whatever they want.

"B-but how about your fiancé? We might mess with your relationship with her"

Nagaalala lang si Jennie kasi ayaw niyang makagulo sila ni Liam sa buhay ni Lisa.

Naisip naman bigla ni Lisa si Tzuyu. Pero nah isang gabi lang naman sigurong titira ang mag-ina sa bahay niya and besides hindi naman pumupunta si Tzuyu sa bahay niya.

"It's fine, I can handle her" sabi ni Lisa at nagdrive na pauwi sa mansyon niya kasama ang mag-ina.

Dumidilim na din kasi at lahat sila ay napagod kakahanap ng eroplanong papunta sa Korea.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now