Chapter 68

7.5K 158 63
                                    


"I hope Jennie would get well sooner, I want to hang out with her" Tzuyu mumbled only enough for Lisa to hear.

Napalunok naman si Lisa dahil sa sinabi ng fiancé niya. Mukhang gusto pa yata nito makipag-close kay Jennie. Naku nahihirapan na nga siya ngayon palang. Pano pa kung maging close ang dalawa? Lalo lang magiging komplikado ang lahat.

"Sana nga babe" sabi niya nalang.

"Babe ang cute talaga ni Liam noh? Kaya pala parang anak na turing mo sa kanya kasi ang bibo niya kasi magkamukha nga kayo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sila iniwan ng tatay ng bata ih ang bait bait naman ni Jennie tsaka maganda pa tapos si Liam mabait ding bata" she sighed.

Lalo namang nakokonsensya si Lisa dahil sa sinasabi ngayon ni Tzuyu, lalo siyang nagmumukhang masama which is totoo naman. Pero kung alam lang nito ang totoo ewan ko lang kung masasabi niya pa iyan.

"Uhm, nakakahiya mang sabihin pero ang totoo niyan bunga lang si Liam ng isang one night stand but we never regretted na dumating siya sa buhay namin"

Sa pagkakataong ito, walang halong kasinungalingan ang sinabi ni Lisa. It almost sounded na siya talaga ang ama ng bata pero syempre iisipin lang ni Tzuyu na sinabi iyon ni Lisa bilang kapamilya ng bata.

"What? Pero kahit na, dapat pinanagutan sila ng tatay ng bata. Mahirap kayang lumaki ng walang ama" nalulungkot na sabi ni Tzuyu.

Tama si Tzuyu pero again, ewan ko lang kung masasabi niya pa ang mga bagay na yan kung alam niya lang na si Lisa talaga ang ama ng bata.

"Babe, ngayon ngayon palang din naman nila nakita ang ama at yun nga ikakasal na siya. Naiintindihan ko naman ang tatay ni Liam kasi mahal niya ang karelasyon niya ngayon. K-kung sana lang dumating agad sila sa buhay niya baka hindi pa huli ang lahat. Pero wala nang magagawa, ikakasal na yun ih. Hindi naman yata pwede na i-cancel ang kasal dahil lang sa may anak na siya mula sa nakaraan. At isa pa kung pakakasalan niya man si Jennie hindi din siya sigurado kung magiging masaya ba sila" mabigat sa puso ni Lisa ang bawat salitang binibigkas niya pero nagawa niya paring sabihin.

Gusto niyang maintindihan siya ni Tzuyu pagdating na panahon na malaman nito ang katotohanan kaya kahit hindi niya direktang sabihin na siya ang ama ni Liam, gusto niya malaman nito ang point of view niya.

Hindi din madali para sa kanya ang lahat.

_____________

Jennie woke up when she felt someone shaking her shoulders. Nakatulog pala siya habang nasa biyahe. Pagmulat niya ng mga mata niya, si Liam agad ang una niyang nakita.

"Mommy, we just landed in Korea" sabi ni Liam sa kanya.

Napahawak naman siya sa ulo niya dahil sa sobrang sakit nito. Hindi ba gumana ang nilagay niyang scopalomine patch o matindi lang talaga ang motion sickness niya ngayon.

"Mommy, is everything okay? You don't look fine and you look pale" nagaalalang sabi ni Liam.

"I'm okay baby. Maybe I'm just tired. Let's go" sabi niya saka bumaba na sila sa eroplanong sinakyan nila.

Kahit sobrang sakit ng ulo niya na parang pinupukpok ng martilyo, she tried her best na lumakad ng maayos kasi kailangan nilang makauwi ni Liam. They have to take a rest.

Nakaalalay naman si Liam sa kanya as if alam nito na may iniinda talaga siyang sakit ng ulo.

Lalabas na sana sila ng airport para maghanap ng taxi na masasakyan when suddenly nagdilim ang paningin ni Jennie at para siyang nabingi.

Kahit ang mga sigaw ni Liam ay hindi niya marinig. Ang huli niyang nakita bago siya tuluyang mawalan ng malay ang umiiyak na mukha ng nagiisa niyang anak.

Liam on the other hand was crying shouting for help. He was so scared para sa mommy niya. Alam niyang kanina pa hindi maayos ang pakiramdam nito pero hindi niya alam na hihimatayin na naman ito.

"Help! Somebody please help my mommy!" sigaw niya baka sakaling may mabuting loob na tumulong sa kanya at sa mommy.

Sakto namang may lalaking palabas din ng airport kaya't malapit ito sa kinaroroonan nila.

"Mister! Mister! Please help my mommy!" pagmamakaawa ng bata sa lalaki.

Naawa naman ang lalaki kaya't agad itong pumara ng taxi at binuhat si Jennie papasok sa taxi. Sumunod naman si Liam at sumakay din sa taxi.

"What happened boy?" tanong ng lalaki sa umiiyak na si Liam.

"S-she said she was having a headache but I didn't know she'll pass out again" the boy said in between sobs.

Natatakot siya, natatakot siyang mawala sa kanya ang mommy niya. Hindi niya iyon kakayanin, masyado pa siyang bata.

"Does she have a sickness?" tanong ng lalaki saka pinaypayan niya din si Jennie gamit ang kamay niya.

"She has motion sickness but she put scopalomine patch earlier and she said she was fine but.."

"It's okay boy, you're mommy's gonna be fine" sabi niya para kumalma ang bata.

Ilang sandali pa ay dumating na din sila sa pinakamalapit na hospital. Dinala si Jennie sa ER dahil nga wala itong malay. Iyak naman ng iyak ang bata.

"If only daddy is here" he sobbed.

"Why? Where is your daddy little boy?" tanong ng estrangherong lalaki sa bata.

Ngayon ay nasa bench sila sa labas ng ER, naghihintay sa kung ano mangresulta o kung ano man ang dahilan kung bat nagkaganun si Jennie.

"She's in the Philippines and we just left that country" sagot ni Liam.

"Why? It's far away. So that explains why you were on the airport earlier?"

"Yes, we left because mommy said she still have to work and I have to go back to school. I-I know it's not the only reason why we left. She's sad because daddy is going to marry someone else" sabi ni Liam habang umiiyak parin.

"What an asshole. She shouldn't have let the both of you go alone" usal ng lalaki.

"Mister, I'm scared" sabi ng bata while still sobbing.

Naawa naman ang lalaki kaya niyakap niya ang bata saka hinagod ang likod para pakalmahin ito.

"Everything's gonna be fine kid. You're mom's gonna be okay. The doctor will help her" bulong niya.

Saka naman nagring ang cellphone niya. He fished it from his pocket and he saw that it was his mother calling.

"Wait a sec little boy, let me answer this call" he excused himself.

"MINO WHERE THE HELL ARE YOU? THE PARTY'S GOING TO START ANY MINUTE NOW" galit na singhal ng nanay nya.

"I'm sorry mom, I'm at the hospital right no--"

"Oh dear, what h-happened to you son? Where is that hospital? I will go immediately"

"Mom, I'm fine. It's not me, a woman fainted in the airport. I just helped because she has no one but her son who was a young boy. My conscience will never let me sleep if I just ignore them when they clearly needed help" he explained bago pa magpanic ang mom niya at sumugod as ospital.

"You're such a kind hearted young man but how about your brother's party" sabi nito saka bumuntong hininga.

"I promise I'll be there as soon as the woman wakes up" sabi niya.

"Okay, okay, I hope she gets well sooner"

"Bye mom, see you later" paalam niya.

"Bye"

And with that he dropped the call saka bumalik sa tabi ng bata.

"What is your name?"

Kanina pa sila magkasama pero ngayon lang niya natanong.

"Liam, Liam Kim-Manoban" sagot ng bata.

"Oh what a nice name. By the way, I'm Song Mino. Nice to meet you Liam" sabi ng lalaki at inilahad nito ang kamay niya sa harap ng bata.

Tinanggap naman ito ng bata at nag-shake hands sila.

"Nice to meet you too mister. Thank you for helping my mommy."

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now