Chapter 21

7.7K 195 29
                                    


Sama-samang kumain ang tatlo na para bang normal na pamilya. Maraming pagkain na pinaluto si Lisa para sa mga espesyal niyang panauhin. She wants to treat them nicely since they won't even stay long here.

At least maiparamdam niya manlang sa mag-ina na hindi siya masamang tao at kahit papano ay sincere siya lalo na sa bata.

"Do you like the foods?" Nakangiting tanong ni Lisa sa bata.

"Of course daddy" Liam replied cheerfully. May dumi na nga sa gilid ng lips nito dahil enjoy na enjoy sa pagkain.

"How about you?" bumaling naman siya kay Jennie na nagiwas ng tingin.

"Hm everything's good" sabi nito na hindi manlang tumitingin sa kanya.

"All of these are Filipino dishes, I'm glad you like it"

"Daddy if you visit us in Korea, it will be our turn to serve you Korean dishes" the boy said enthusiastically na para bang sigurado na siyang pupunta dun si Lisa pagkauwi nila.

Well, pupunta naman talaga si Lisa if she have the chances.

"Sure and please be my tour guide little buddy" sabi naman ni Lisa.

Natutuwa si Jennie dahil mukhang nagkasundo na ang mag-ama in just a short period of time at ang mas nakakatuwa ay mukha wala namang balak si Lisa na ilayo sa kanya ang anak niya.

Actually mas pabor siya sa ideyang dadalawin lang nito si Liam sa Korea. Walang problema yun sa kaniya kasi kung ganun magagampanan ni Lisa ang responsibilidad niya bilang ama ni Liam kahit pa mag-asawa ito ng iba.

Ang mahalaga lang naman kay Jennie ay ang makakabuti para anak niya. Her son's happiness is what matters to her the most.

"Of course mommy and I will take you around our country, right mommy?"

Napabaling ang atensyon ng dalawa kay Jennie na mukhang nasa malayo ang isip.

"O-oh Of course" she said and smiled.

"I want to go to amusement parks with you mommy and daddy" nae-excite na sabi ng bata.

"Sure, we will soon but of course not now. Enough with the talk young man finish your food so you could rest"

Nagpatuloy sila sa pagkain. Pagkatapos nun ay umakyat na sila sa taas para magpahinga na. Ang mag-ina ay pumasok na sa guest room kung saan sila tutuloy pansamantala habang si Lisa naman ay pumasok na din sa kawarto niya.

Bago siya magpahinga naisipan niya munang maligo, mukhang amoy pawis na yata siya ih. Pero sa totoo lang kailan pa nagamoy pawis ang isang Lalisa Manoban? Kahit nga yata ang pawis nito ay mabango.

She took off her clothes and dipped herself in the tub with lukewarm water. It instantly relaxed her tensed body.

Aigoo, medyo nakaka-stress talaga ang araw na ito. Isipin mo yun maraming nangyari sa isang araw lang. She just met her son na hindi niya alam na nag-eexist pala, she met the woman she bedded years ago, she even pleasured herself while thinking about the said woman, then naglibot sila makahanap lang ng eroplanong papuntang Korea pero nakakapagtakang wala manlang kahit isa, grabe nakakapagod talaga ang araw na ito. It's almost giving her a headache.

Para mas ma-relax siya, nagpamusic din siya. Dahil dun hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang nakababad sa tub. Masyado kasing nakaka-relax at super comfy.

Nagising lang siya ng biglang nagring ang cellphone niya. Nagulat naman siya ng malaman niyang ang lola niya pala ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan ng matanda at bigla nalang itong napatawag? Did he mess up again?

Usually natawag lang ang lola niya kapag nalalaman nitong may ginawa siyang kalokohan. So she's guessing na may nagawa na naman siya.

"Hello la, bat ka napatawag?" tanong agad ni Lisa pagkasagot niya sa tawag.

"Ikaw talagang bata ka, hindi ka talaga marunong mag-ingat ano?" Nasesense niyang may halong galit ang tono ng matanda.

"La, kalma ano ba kasi yun?"

"Hindi mo ba alam na kumalat sa kompanya mo ang tungkol sa anak mo?"

"Ano!??" gulat na tanong ni Lisa.

Hindi niya naman inaasahan na kakalat ang ganong tsismis agad. Napatunayan niya lang ngayon na mga tsismoso at tsismosa ang mga empleyado niya.

"Mabuti nalang at nagawan ko na ng paraan. Ako naman talaga lagi ng lumilinis sa mga kalat mo. Kelan ka ba magmamature apo? Hindi mo ba alam na maaring masira ang pangalan mo at ng kompanya mo pagkumalat pati sa media ang tungkol dito? Hindi lang iyon, pwede ring madamay ang pamilya ng magiging asawa mo" pangaral sa kanya ng lola niya.

"Ih hindi ko naman kasi alam iyon ih. Hindi ko pa nga alam nun na anak ko talaga ang bata. Tsaka malay ko din na mga tsismoso pala mga empleyado ko" napakamot nalang siya sa batok niya.

"Lisa apo, anak mo ba talaga ang batang iyon? Kung hindi ka sigurado ako ang bahalang magpa-dna t--"

"Hayss, kahit hindi na po kailangan. Sigurado na akong anak ko talaga. I wish he wasn't pero anak ko talaga ih. His mom never had anyone before and after me"

"Ibang klase ang babaeng yan, minsan nalang ang ganyan sa panahon ngayon Lisa. Si Tzuyu ba ilang lalaki ang nakasiping bago humantong sayo? I want to meet her pati ang apo ko sayo Lisa. Gusto kong makita ang bata. Pumunta kayo dito sa bahay ko bukas" sabi ng matanda.

"La, wag mo namang insultuhin ng ganyan si Tzuyu. Mabuti siyang tao tsaka mahal niya ako. Tsaka uuwi na sila Jennie bukas sa Korea"

"Anong uuwi? Hindi pwedeng umalis ang great grandson ko na hindi ko manlang nakikita at tsaka Lisa, hindi ba't nalalapit na ang trip natin papunta sa Thailand?"

"Tapos?"

"Gusto kong isama mo ang mag-ina mo" 

"Ano?? Hindi pwede la, pano si Tzuyu? Si Tzuyu ang dapat kong isama kasi siya ang mapapangasawa ko. Siya ang magiging parte ng pamilya natin hindi si Jennie!"

Hindi pwede ang gusto ng lola niya. Mas lalong magkakagulo kung sasama pa sila Jennie sa Thailand, sa home town nila.

"Jennie, napakagandang pangalan naman. Gusto ko siyang makita at makilala" sabi naman ng lola niya na para bang walang pakialam sa opinyon niya.

"La, makinig ka naman sakin. Hindi pwedeng sumama ang mag-ina, ay si Liam pwede pa pero si Jennie hindi pwede. Malaking gulo yun pagmalaman ni Tzuyu"

"Tanga ka ba? Sa tingin mo sasama ang bata kung hindi niya kasama ang ina niya? At isa pa ano bang problema dun? Wala naman na sigurong namamagitan sa inyo ni Jennie kaya wala kang dapat ipag-alala"

Oo nga naman, wala naman namamagitan sa kanila ni Jennie. Bakit kung makatanggi siya parang pagtataksilan niya si Tzuyu? Trip lang naman yun and it's only for the sake of her grandma and ang pagsama naman ni Jennie is only for the sake of Liam. Nothing more, nothing less.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now