Last Chapter

19.1K 393 163
                                    


Tatlong taon na ang nakalipas kaya't hindi maitatanggi ni Lisa ang kaba sa kanyang damdamin. Hindi niya kasi alam kung tanggap na ba ng mga magulang niya ang naging desisyon niya, kung namiss ba siya ng mga ito o kung nagsisi na ba ang mga ito sa mga nagawa sa kanya.

Mula kasi ng umalis siya noon sa Pilipinas ay nawalan na siya ng koneksyon sa mga ito dahil nga itinakwil na siya ng mga ito. Ang tanging nakakausap niya lang nun ay ang lola niya na ngayon ay siyang dahilan kung bakit siya babalik sa bansang iyon.

She received a very sad news kahapon lang. Her grandmother is now resting eternally. Inatake sa puso ang lola niya kahapon at sumabay pa ang mga komplikasyon kaya hindi na nakayanan ng matanda nitong katawan. Lisa was devasted kasi mahal na mahal niya ang lola niya, the only person who loved and took care of her since she was a baby.

Pero sa tuwing naiisip niya ang pag-inda nito ng mga sakit, naiisip niya nalang na mabuti nalang at nagpahinga na ito kaysa naman sa naghihirap ito sa sakit.

Hindi man sila nagkita ng personal ay masaya siya dahil nagawa nitong magpaalam sa kanya sa pamamagitan ng Skype.

"Are you guys ready?" tanong ni Lisa sa mag-iina niya.

"Yes daddy" sabi ng labing-apat na taong gulang na si Liam habang dala-dala ang bag nito na may lamang kunting mga gamit nito.

Lumaking matalino at gwapo si Liam kagaya. Kagaya ng daddy niya ay maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya sa school nila pero hindi naman niya pinapatulan. Nagbibinata na din ito kaya hindi na ito masyadong clingy.

Pero ang totoo ay mahilig pa din itong magpalambing sa kanila ng mommy nito.

"Uhm hon, help me here. I can't finish packing my things since this little sugar is bothering me!" reklamo ni Jennie mula sa kwarto nila.

Natawa naman si Lisa, ang hyper kasi talaga ng pangalawa nilang anak at sobrang clingy pa halos laging nagpapakarga sa kanila.

"Ella baby, come to daddy. Stop bothering mommy or else we'll be late for flight" sabi ni Lisa sa dalawang taong gulang na si Ella as if naiintindihan nito ang sinasabi niya.

"Daddy mommy don't carry baby" pagsusumbong ni Ella sa kanya with the little girl's cutest baby voice.

Kinarga naman ni Lisa ang bata tsaka pinugpog ng maliliit na halik sa pisngi making the latter giggle.

"You kept bothering mommy, she was busy. Who's the naughty baby?" tanong ni Lisa habang nagbebaby talk.

"I-I'm not!" Ella said and crunched her nose.

What a cutie pie!

"Yes you are. Is little Ella ready to fly to the Philippines?" tanong ni Lisa sa unica hija niya.

"Yey fly! fly!" masayang sabi ng bata habang pumapalakpak.

Ella was born 6 months before Jennie and Lisa got married. In other words maliit pa ito nung kinasal sila at hindi ito nabigyan ng chance na maging flower girl sa kasal nila, karga karga lang ito ng mom ni Jennie sa buong seremonya ng kasal.

Speaking of kasal, yun na yata ang isa sa mga pinakamasasayang araw nilang dalawa. Medyo malungkot lang kasi wala ang mga magulang ni Lisa kasi ang hindi parin sila nun nagkakaayos, hanngang ngayon padin naman. Tsaka wala din ang lola niya kasi mahina na ito nun dahil umatake na naman ang sakit.

Pero nagawa namang dumalo nila Sorn kasama ang mag-ama nito. Dumalo din si Bambam at kasama nito nun ang kasintahan nito. Syempre nandun din ang mag-asawang Jisoo at Rosé, at ang pamilya ni Jennie.

That was a memorable day.

"Let's go," sabi ni Jennie habang hila-hila ang maleta nila.

"I'm bring that, just carry Ella" sabi ni Lisa sa asawa niya tsaka binigay si Ella dito.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now