Chapter 72

7.9K 150 20
                                    


Natagpuan nalang ni Lisa ang sarili niya na nakahiga sa kama niyang hinigaan ng mag-ina niya habang pansamantalang itong nanatili dito. She can smell Jennie's sweet scent pati ang pambatang amoy ni Liam at niya alam kung bakit pero parang may pumipilipit sa puso niya.

Ang bigat sa pakiramdam na para bang may nawalang parte ng puso niya. She should be relieved right? Kasi hindi na siya mahihirapang umarte kay Tzuyu na pinsan niya lang si Jennie at pamangkin niya lang si Liam.

Masaya dapat siya kasi wala nang hahadlang sa kasalanan pero bakit ganun? Bakit parang hindi siya natutuwa?

Ilang oras palang na wala si Jennie at ang bata pero namimiss niya na agad ang mga tawa ni Liam, ang pagkabibo nito, ang paglalaro nila ng kung ano-ano, ang yakap nito sa kanya, ang pagtawag nito sa kanya ng 'daddy', ang pagiging witty nito, Jennie's warmth, her confident and piercing personality, her mesmerizing beauty, her kisses a-and her moans?

Mali, hindi niya dapat iyon iniisip. Hindi dapat ganito ang nararamdaman niya. Okay lang na mamiss niya si Liam pero si Jennie hindi pwede, mali na yun.

Pero talaga bang mahal siya nito? Pano? She still remember kung gano ito kaconfident sa mga sinabi nito na hindi ito mahuhulog sa kanya. She should feel so arrogant kasi natupad ang sinabi niya na kaya niyang paibigin kahit sinong babae kahit si Jennie pero bakit ngayong nangyari nga ay iba ang nararamdaman niya?

Hindi niya alam kung nakokonsensya lang ba siya o ano. Maybe she really went overboard with the deal and the way she treated Jennie. Nakokonsensya siya kasi para ngang ginamit lang niya si Jennie pantanggal ng init sa katawan niya. Pero anong magagawa niya, hindi niya mapigilan ang sarili niya pagdating kay Jennie ih.

Jennie is different from Tzuyu, the latter could make her go crazy in an unknown reason. Kay Tzuyu nga kontrolado niya pa ang sarili niya habang ginagawa nila ang bagay na iyon pero kay Jennie para siyang nababaliw, nabablangko ang isip niya. Kung kasama niya si Jennie parang nakakalimutan niyang may Tzuyu siya which is wrong, very wrong.

Jennie is dangerous for her and it should be nice that the latter is gone now but damn, hindi niya maintindihan ang sarili niya.

A part of her is saying na mabuti nga wala na ito pero another part of her is silently missing the latter.

Naiisip niya kung kumusta ba ang biyahe ng mag-ina niya, kung okay lang ba? Kumusta na ba si Jennie kasi masakit ang ulo nun before umalis. Naiisip niya din kung umiyak ba ang anak niya pag-alis nila? Galit ba si Liam at Jennie sa kanya dahil sa pagsisinungaling nila kay Tzuyu?

She feels like kailangan niya sanang mag-explain at humingi ng tawad sa mag-ina dahil sa dun pero wala na pala siyang dadatnan pagkauwi.

She's so frustrated, naiinis siya pero hindi niya alam kung ano ba ang exact reason kung bat siya naiinis. Kung naguguluhan kayo sa kanya, pwes mas naguguluhan siya sa sarili niya.

Bago kasi dumating sa buhay niya si Jennie at Liam, she was so certain sa mga plano niya sa buhay. Sigurado na siya nun na si Tzuyu ang papakasalan niya at ang babaeng makakasama niya habang buhay. Si Tzuyu na nun ang naiisip niyang bubuo ng pamilya kasama siya. Ngayon, hindi niya na alam, hindi niya na maintindihan ang sarili niya. Naguguluhan siya ng sobra.

Gusto niya ba talagang mawala sa buhay niya si Jennie? Mahal niya ba talaga si Tzuyu? At marami pang mga tanong ang bumabagabag sa isipan niya. Halos sumakit na ang ulo niya dahil sa kakaisip.

Pero wala siyang nakuhang sagot, everything is still a mess in her mind. Magulo, walang katiyakan. Maybe she still needs time to think.

Nakatulog nalang si Lisa sa kakaisip kay Jennie, kay Liam at maging kay Tzuyu.

________

She thought, she just needed a good sleep at mawawala na ang bigat na nararamdaman niya pero mali siya. Her mood immediately fell nang marealize niya na mag-isa siya sa higaan, walang Jennie, walang Liam. Tanging ang mga amoy lang nito ang naiwan sa bedsheet niya at mas lalo lang naging sentimental ang mood niya.

Pagkabangon niya sa higaan, natapakan niya pa ang mga laruan niya nung bata pa siya na sigurado siyang nilaro iyon ni Liam bago ito umalis kasama si Jennie.

Pinulot ni Lisa ang mga laruan isa-isa, habang tumatagal, nalulungkot lang siya kasi naiisip niya si Liam. Hindi manlang siya nakapagpaalam sa bata. Napabuntong hininga nalang siya.

Inaayos niya muna ang sarili niya saka bumaba para makaalis na. Kailangan niya muna kasing umuwi sa bahay niya saka siya pupunta sa trabaho niya.

"Oh Lisa apo, nandito ka pa pala. Akala ko umuwi ka kagabi" sabi ng lola niya pagkababa niya. Nasa living room kasi ito at may kung anong pinanunuod sa TV.

"Nakatulog ako sa kwarto ih" matamlay na sabi ni Lisa.

"Anong problema apo? Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ng matanda.

"Yeah, I'm fine. Mauna na po ako uwi pa ako sa bahay tsaka pupunta sa trabaho" paalam ni Lisa sa lola niya.

"Why don't you have a breakfast first?"

"Wag na po, wala akong ganang kumain" she sighed for the nth time.

"Oh sige, ingat ka."

And with that, Lisa headed out of the house at tumungo sa kotse niya na siyang minaneho niya pauwi sa sarili niyang bahay or should I say Mansion?

Pagkadating niya dun ay sinalubong siya ng usual na katahimikan but this time parang mas tahimik, and the atmosphere is also heavy or siya lang talaga. Liam, used to be running around here too. Nung dumating ang bata, itong tahimik niyang malaking mansiyon ay nagkaroon ng sigla but now balik na naman sa dati.

Sanay naman na siya nun pero ngayon bakit parang bago lang sa kaniya?

Ganun ba kalakas ang impact sa kanya? They were only with each other for a short period of time pero parang nasanay na agad siya sa presensya ng anak niya at ni Jennie?

Bumuntong hininga na naman siya. Parang yun nalang yata ang alam niyang gawin.

She just went to her bathroom para maligo at magbihis. Hindi na siya nag-abala pang kumain ng agahan, wala naman kasi siyang gana.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay tumungo na siya sa kompanya para magtrabaho. Marami-rami pa din siyang gawain na naiwan niya kahapon dahil sa pagtawag ni Tzuyu.

Dun niya nalang binuhos ang atensyon niya sa trabaho niya para kahit papano ay makalimutan niya ang hindi niya maintindihang nararamdaman. At successful naman siya dahil kahit papano, na-divert ang atensyon niya at pansamantalang hindi niya naisip si Liam at si Jennie.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now