Chapter 28

7.6K 155 7
                                    


On the way na ngayon si Lisa sa bahay nila Tzuyu. Gaya kasi ng pangako niya, idedate niya ang dalaga para makabawi siya dito. Hindi kasi sila nakapagkita ng two days straight yata.

Miss na niya ang fiancé niya, especially doing naughty things with her.

Pagkadating niya sa bahay ng mga Chou, winelcome agad siya ng mga magulang ni Tzuyu.

"Oh iha, hintayin mo nalang si Tzuyu. Malapit na yata yun bumaba" sabi ng mom ni Tzuyu.

"Opo"

"By the way, kumusta naman ang business mo Lisa?" tanong ng dad ni Tzuyu sa kanya.

"Maayos naman po actually palago nga po ng palago ang business namin based on the status ng sales"

Pinaupo muna siya ng mag-asawa. Siguro ay nagpapaganda pa ang fiancé kaya't hindi pa lumalabas sa kwarto nito.

"Mabuti naman, siguradong magiging maganda ang kinabukasan niyo ni Tzuyu at ng mga magiging anak niyo"

Bigla namang nasamid si Lisa sa sariling laway ng maalala niya si Liam. Pano kung malaman ng mga Chou na may anak na siya sa ibang babae? Ano kayang magiging reaction ng mga ito? Kung malaman nila, sana matanggap nila iyon kasi nandyan naman na si Liam tsaka isa pa wala namang balak na makigulo ang bata ang ina ito sa buhay ni Lisa at ni Tzuyu kung sakali mang matutuloy talaga ang kasal.

"Ah Oo nga po ih. Para naman po talaga sa future namin ang pagpapakahirap ko"

'Pati na rin kay Liam' dagdag niya pero sa isip niya lamang.

"You're such a good person Lisa. I really like you a lot. Sigurado talagang secured ang future niyo ni Tzuyu kapag nakasal na kayo. Wala na kaming ibang aalalahanin pa sa oras na mangyari iyon" said Tzuyu's father.

"Right after the wedding, dapat bigyan niyo agad kami ng apo huh"

"Of course tita, naka-plano na yan" nakangiti niyang sabi.

Actually, naimagine niya na noon kung ano ang magiging buhay ni Tzuyu pagnakasal na sila. Lisa wants to build her family with Tzuyu. She imagined little Tzuyu or Lisa running around their mansion pero....

Bigla na namang pumasok sa isipan niya si Liam. Sana kasi anak nalang nila ni Tzuyu si Liam. Nagsisimula pa naman na niyang magustuhan ang bata kasi marami silang mga pagkakapareho and the boy warms her heart in an unknown reason.

Ang magiging anak nila ni Tzuyu, kasing pogi, talino, at bibo kaya ni Liam? Haysss

Ilang sandali pa ay bumaba na si Tzuyu sa hagdan. She gulped when she saw a goddess in a tight black-slitted dress descending from upstairs. Tzuyu is already gorgeous but her red lipstick makes her sexier, parang gusto agad ni Lisa lapain ang babae right there and then pero syempre hindi iyon pwede.

"Andyan na pala ang hinihintay mo" Tzuyu's dad chuckled.

Sinalubong niya si Tzuyu on the other edge of the stairs na may ngiti sa kanyang mukha. Ngumiti din ang dalaga sa kanya and it melts her heart.

"Good evening madame" she joked.

"Sira, pero good evening din" sabi ni Tzuyu saka inabot ang kamay ni Lisa na nakalahad para umalalay sa kanya.

"You look gorgeous as always" Lisa said and kissed her girl.

"So do you"

"Shall we?"

Tumango naman si Tzuyu saka lumabas na sila at naglakad patungo sa kotse ni Lisa. Pinagbuksan ni Lisa ng pinto ang future wife niya saka inalalayan sa pagsakay like the gentlewoman she is. Then she went to the driver's seat and started driving.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now