Chapter 73

7.8K 145 11
                                    


"Lis, we have a bad news" sabi ni Bam pagkapasok palang nito sa office ni Lisa.

"What is it?" tanong ni Lisa.

"Hindi na daw itutuloy ni Mr. Perez ang pag-invest sa kompanya natin kasi--"

"What?! Tangina akala ko ba maayos na ang lahat nung huli naming pag-uusap!?" galit na singhal ni Lisa.

Hindi maganda ang mood niya sumabay pa ito, parang kumukulo ang dugo niya.

"Sabi ko naman sayo nun na gusto niyang makipagkita kaso kinancel mo. Kaya ngayon wag kang magtataka kung bakit umatras siya, baka na-offend" sabi ni Bambam saka umirap sa kanya.

"Hindi lang talaga siya marunong maghintay. Ilang araw lang naman yun ih. Hindi naman siguro siya nagmamadali! At anong gusto mong palabasin? Na pabaya ako sa kompanya? Huh, Bambam?" galit na saad sa sekretarya niya habang tinitingnan ito ng masama.

"Hindi ko sinabi yan Lisa" mahinahong sabi ni Bambam.

"Hindi mo nga sinabi pero yun ang punto mo!" dinuro-duro niya pa ang kaibigan.

"Hindi iyon ang punto ko pero kung tutuusin pwede ko ngang sabihin yan dahil pinaatang mo sakin lahat ng trabaho mo sa loob ng isang linggo kaya wag mo akong gaganyanin Lisa. Alam mo kung pano ako magalit!"

"Wala akong pakialam, alam mo din kung pano ako magalit! Kaya wag mo akong susumbatan. Ako ang may-ari ng kompanyang ito at pinapasahod ko kayo ng maayos!" she said after she slammed her fist on he desk.

"Hindi kita sinusumbatan. Teka nga ano bang problema mo huh? Kanina ka pa wala sa mood!"

"I-I just arghh!" she just pulled her hair in frustration.

Narealize niya na nagoverreact pala siya sa balita ni Bambam. Kung tutuusin it wasn't a big deal kasi marami pa namang ibang pwede maginvest sa company nila and Mr. Perez is not that important pero sumobra yata siya.

Siguro ay naibuntun niya lang talaga kay Bambam ang frustration niya. Baka masira pa ang friendship nila dahil lang sa problema niya ngayon.

"Kilala kita Lisa, alam kong lagi kang kalmado. I know you have a problem, spill it" sabi ni Bambam saka kumuha ng upuan at umupo sa harap ng desk ni Lisa na para bang isa itong kliyente.

Natahimik muna siya. She's contemplating kung sasabihin niya ba sa kaibigan o hindi. But then nakapagdesisyon siyang sabihin nalang, maybe she just need someone to talk to.

She took a deep breath bago nagsalita.

"Umuwi na sila sa Korea" sabi niya but this time mahinahon na siya and she look weak than aggressive.

"Ano naman ang problema dun? Diba nga yun naman ang gusto mo nung una palang?" sabi ni Bam.

"Oo nga, yun ang gusto ko para hindi muna sila makagambala sa kasal namin ni Tzuyu. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. It was like I lost a piece of my heart and a part of my soul" she sighed.

"Siguro naattached ka sa kanila. Wait, sa kanila bang dalawa? Sa bata okay ka lang maattached pero pag sa nanay naku bro iba na yan" nakangising sabi ni Bambam.

Naattached ba siya kay Jennie?

"Teka pano mo masasabing naattached ka sa isang tao?"

Pagdating sa mga ganitong bagay, parang biglang natatanga si Lisa. Natawa nalang si Bambam. Wow, parang kanina lang halos magrambulan na sila tapos ngayon patawa-tawa na.

"Hay naku Lisa, you're really and idiot. Based on my experience, malalaman mo yan kung namimiss mo yung tao na yun. Yung nasanay ka sa presensya niya tas nung nawala siya para kang batang inagawan ng laruan. Just like what you said, parang may kulang sayo. Tsaka lagi mo siyang naiisip kahit san ka magpunta. Yan ba ang nararanasan mo ngayong wala na si Jennie?" natatawang sabi ni Bambam.

Bakit ganun ang nararamdaman niya? To be honest, she misses Jennie kahit ilang oras palang itong hindi niya nakikita. It's true, nasanay siya na kasama si Jennie. Nasanay siya sa mga paghahabol nito sa kanya, ang pagtatapang-tapangan nito sa kanya, ang pagsubok nitong paibigin siya, ang yakap nito sa kanya, ang init ng katawan nito sa ilalim niya, nasanay talaga siya ngayon tuloy parang may kulang na sa kanya.

"Pano kung sabihin kong oo? Anong ibig sabihin nun?"

"Ibig sabihin nun, maybe you just liked what you were doing together nung magkasama kayo but if you keep on feeling that way without getting over it after a long time naku Lisa, good luck baka in-love ka na sa kanya" he laughed.

Siya mai-inlove kay Jennie? Hindi siya pwedeng mainlove sa babaeng yun kasi si Tzuyu...

"Hindi, hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. Baka nga, baka nga nadala lang ako ng kapusukan and maybe yun lang ang nagustuhan ko, ang ginagawa namin kasi hindi pwede ih. Si Tzuyu ang mahal ko, siya dapat ang mahal ko kasi matagal na kaming magkasama. Siya ang pakakasalan ko" giit ni Lisa.

She seems denial kahit wala pa ngang sinasabi si Bambam.

"Alam mo hindi naman ang pagmamahal nasusukat sa tagal ng pagsasama. Kahit sa isang taong unang beses mo palang makita, pwede kang mahulog. Wait, what? You freaking banged that woman!? You mean you really cheated on Tzuyu?? Men, that's---"

Pinutol niya ang sasabihin ni Bam, ang lakas kasi ng boses nito.

"Shhh, keep it down! Baka may ibang makarinig. Pero oo, may nangyari samin ni Jennie. Not once but a lot of times nung nasa Thailand kami tsaka nung last night na magkasama kami. Bro, I know it's wrong pero hindi ko mapigilan ih. She makes me insane! Kapag kasama ko siya halos makalimutan ko na ikakasal na ako. All I could think about is her, her body, her scent and everything about her. And gosh I don't know pero yung vision ko ng future ko, napalitan niya yung role ni Tzuyu! I'm going crazy bro! Hindi dapat ako nagkakaganito, ngayon pa kung kailan malapit na ang kasal namin. I'm so messed up" napayuko nalang siya habang hinihilot ang sintido niya dahil sumasakit na naman ang ulo niya kakaisip.

"Lisa, sigurado ka bang itutuloy mo pa ang kasal? Mag-isip ka ng mabuti Lisa. Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay, baka kung kelan huli na ang lahat dun mo pa marealize na mali ang taong pinili mo. Kasi kung kasal ka na, bro wala ka nang kawala pa" payo ng kaibigan niya.

"I really don't know Bam, hindi ko na alam. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba si Tzuyu, hindi din ako sigurado kung mahal ko na si Jennie" she banged her head on her table dahil sa inis sa sarili niya.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan. Alamin mo Lisa, bago mahuli ang lahat. Kailangan mong pumili sa kanilang dalawa dahil hindi mo naman sila pwedeng pagsabayin. Kung patuloy mo lang gagawin ito, pareho mo silang masasaktan Lisa. And you know what, Tzuyu deserves to know the truth. Umamin ka nalang kaya na may anak ka na. Aminin mo sa kanya ang lahat. Kung si Tzuyu ang mahal mo, umayos ka kalimutan mo na yang nararamdaman mo kay Jennie kahit libog lang yan o ano pero kung si Jennie ang mahal mo, chase after her at buuin mo ang pamilya niyo at pakawalan mo si Tzuyu. Itigil mo na ang pangloloko mo sa kanya dahil sobra siyang masasaktan."

"Pano? Bakit kasi ngayon pa!? Planado na ang lahat sa kasal namin. Ilang buwan nalang.."

"Listen to me, ang kasal na yan oo gumasto kayo pero mas nakakahinayang kung piliin niyo ang taong hindi talaga para sa inyo. And you know what habang buhay niyong pagsisihan kung magpakasal ka kayo sa isa't isa pero hindi naman kayo masaya. Basta ang masasabi ko lang mag-isip ka ng maayos. Kalimutan mo muna pagiging tanga mo!"

"Inom tayo after work" yaya ni Lisa.

Sa tingin niya kasi kailangan niya ito ngayon.

Tumango naman si Bambam bilang sagot. Alam niyang kailangan iyon ng kaibigan niya at sana naman pagkatapos nilang rumelax ay makapagdesisyon na ito.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now