Chapter 1: Before she Died

5.6K 245 7
                                    

"ARE YOU ACCUSING ME OF SOMETHING I DID NOT DO?!" paggalit kong sigaw... people are looking at me.

"Sister... h-hindi naman sa ganon. Pero may mga witness kasi." Mahinang sagot ni Solana habang nakatago sa likod ni Lancelot, my fiancé.

I'm Solaria Lazuli, I'm 23 years old. I have auburn long curly hair, ocean eyes, and has a bisque colored skin. Andito ako ngayon sa harap ng mansion namin kung saan may maraming tao ang nakatingin dahil sa pinagsisigaw ng kapatid ko.

I was accused of cheating on my fiancé and also destroying the family business. Which is hindi ko naman talaga ginawa, paano ko ba mape-prevent ang aksidente na nangyari sa construction at sa mining?

I was managing them, pero dahil sa pagsabog ng construction at pagkasira ng mining site namin. they see me as a terrible person and blame it all to me. Maraming namatay sa aksidente and the families that worked under me were furious.

"Witness?! I didn't do it-

"Tumigil ka na Solaria, maraming nakakita oh? Why do you keep insisting? Maraming katulong ang nakakita sayo. I'm sorry, but I'm cancelling the engagement." Napanganga naman ako sa sinabi ni Lance.

"W-what?" nanginginig na tanong ko, what? We've been together for 6 years and he's cancelling it now?

"Sister, not only you were cheating but you also ruined the family business. Maraming tao ang nadamay, you're also going to tarnish Prince Lancelot's reputation." Napakagat naman ako ng labi.

Ngayon ay nakahawak na siya sa balikat ni Lancelot, she's stealing him away from me. I didn't know she had this kind of personality, a sadist, two faced bitch. Lalapit sana ako kaso biglang may espada na pumagitna sakin.

"Don't go near the Princess, Princess Solaria. Tumigil ka na at sumuko nalang, you've done many crimes." Halos gusto kong sumigaw sa lalaki na nagtaas ng espada saakin.

Pati ba naman ikaw? Kale? You were my childhood friend and my knight, why are you siding- wait. Lahat naman pala sila ay si Solana ang gusto, even the maids and butlers.

Hindi nalang ako umimik at napatingin nalang kay Solana na naga-acting na nasaktan, all my life I devoted my works for them. kasi sila nalang ni Tita ang natira kong pamilya...

They didn't even have time to defend me, hindi ko naman alam na mangyayari ang ganoong aksidente. And now she's stealing my fiancé too? ano ba ang ginawa ko sakanila?

All I did was work for the family at eto ang ibabayad nila saakin? I looked like a mess now, at talagang ginawa niya pa ito sa gitna ng war between nobles and royalties...

"Oh dearrr~ Solana? Nasaktan ka ba? Did she hurt you ba?" lahat naman kami napalingon sa nagsalita.

It was Tita Sylvia with a woman in a suit. She's probably a judge, oh wait siya yung famous judge galing sa isang low class na village.

"Don't worry dear, andito na si Judge Stellarys Redmond. The best judge slash lawyer in the area, kumuha talaga ako ng best ones para lang saiyo." Dagdag nito at niyakap si Solana.

"I- I didn't do anything wrong." Biglang sabi ko. I'm probably gonna be locked up soon anyway dahil sa mga ginawa ko kahit hindi ko naman talaga ginawa.

"Wala ba talaga ha? Marami ang nakakita Solaria-

"THAT'S BULLSH-T! Witness?! Saan? Sa pagsabog?! Ako ba ang nagpasabog?!" galit na sigaw ko. They can think whatever they want

Ah I don't care about my reputation now. Makukulong rin naman ako... "AND WHAT CHEATING?! I DEVOTED MY LIFE SA MGA TRABAHO KO AND I DON'T HAVE TIME FOR THAT SHI-

"That's enough Princess Solaria-

"OH don't call her Princess, hindi niya deserve ang status na iyan." Sabat naman ni Tita, narinig ko rin ang sigawan at pagsang-ayon ng mga katulong namin. Kasama narin yung mga taong nanonood lang...

"Even though she has crimes, she's still a Princess, Lady Sylvia." Mahinhin na sabi nung babae na dinala ni Tita. Hinawakan niya naman ako sa kamay. "I'll take care of her and take her to-

"No! ikulong mo siya, you're going to let a criminal on loose?!" malakas na sigaw ni Solana, this bitch is so persistent.

"Tama ang sinabi ni Princess Solana, Judge Redmond. Ikulong mo siya bago siya makasakit ng ibang tao." Ma-awtoridad na pagsang-ayon ni Lance. Narinig namin ulit ang sigawan ng mga tao.

"Yes, ako na po ang bahala..." yun nalang ang sabi ni judge Stellarys. Tahimik lang akong nakatitig sa mga tao sa paligid. They're nobles yet they choose violence.

Lahat ng mga nobles sa lugar na ito ay saklam. They were so greedy na nagkaroon ng war sila sa mga royalties, because they wanted to rule. Hindi nila alam na tumataas na ng posisyon ang mga low class citizens.

I wish the royalties will win para nasa ibaba na ang mga nobles. Napatingin nalang ako sa suot ko na parang pangkatulong dahil sa rumi at gasgas. I look horrible right now, bakit ba nangyayari saakin to?

I didn't do anything, I loved my family that I'm willing to spend my time working para lang sakanila. pati yung mga taong kasama ko dati, mga katulong, yung fiancé ko at pati na rin si Kale. He's willing to kill me for Solana.

Hindi ba nila nakikita ang mga pinagagawa niya?! I should've known, I saw what Solana did pero in-ignore ko lang iyon dahil mahal ko ang kapatid ko. THEY ALL BETRAYED ME FOR THAT TWO-FACED B-TCH.

Judge Stellarys put a handcuff at me para hindi na magreklamo sina Solana. Habang inalalayan ako ni Judge Stellarys ay may sinabi muna ako bago kami umalis doon. I didn't show any emotion at all...

"I hope all of you will get what you deserve." Malakas na sabi ko at ngumiti sakanila. sabay talikod, hindi ko na rin pinansin ang mga sigaw ng mga tao sa paligid ko.

They were throwing some garbage, rocks and stuffs at me pero hindi ko naramdaman ang mga iyon. even Judge Stellarys is defending me from the crowd. Tsaka Pumasok sa carriage na inihanda ni Judge Stellarys.

"A-are you ok?" nag-aalalang tanong niya saakin nung umupo na kami, she immediately remoed my handcuff. "Masakit ba? Sorry-

"No I'm fine." Walang ganang sagot ko sakanya, wala na akong pake sa mga nangyayari ngayon. I don't have a will to live at all, not only they destroyed my life they also took a large part of me.

I was suppose to be an energetic, happy go lucky type of girl. Biglang nawala ang babaeng iyon dahil sa pangyayaring ito... mas lalo kong kinagat ang labi ko ng naalala ko ang mga nangyayari saakin.

If I would have a chance to have revenge, gagawin ko ang lahat para maging magulo rin ang buhay niya. I would make their life miserable tulad ng ginawa nila saakin, simula sa kapatid ko hanggang sa mga taong nag-betray saakin.

"Princess Solaria! RUN- WE'RE AMBUSHED!" bigla akong bumalik sa katinuan ng narinig ko ang malakas na sigaw ni Judge Sterallys, ambushed? Hah....

Parang alam ko na ang nangyayari, may ambush dahil sa akin. They're here to take my life, narinig ko ang mga pagsabog at kung ano sa labas and I could see Judge Stellarys panic face.

"They're here for me, umalis na kayo. Baka mapahamak pa kayo." Mahinang sabi ko kay Stellarys pero hindi niya naman ako iniwan. What is she doing?

"No!" hinatak niya ako papalabas sa carriage at tumakbo kami sa kung saan, I noticed na puro puno ang nakikita ko. wow I was thinking deeply hindi ko napansin na malayo na pala kami sa bahay namin.

May narinig naman akong sigaw ng mga lalaki, they're here for me. pumiglas ako sa hatak ni Stellarys sakin, she even looks worried and scared than me.

"Tumakas kana. I'm not gonna live long anyway." Nakangiting sabi ko sakanya, sisigaw na sana siya kaso I hit her in the neck para mawalan siya ng malay. She's gonna die if she's coming with me.

Itinago ko siya sa may puno at ako nalang ang naglakad pabalik doon. Kahit na tatakas ako, hahabulin parin nila ako. I don't have any points in living anyway, mas gugustuhin ko pang mamatay.

But before I could reach the carriage someone already stabbed me in the back. 

My Impostor Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon