Chapter 23: Gavin and Galilea

3K 177 1
                                    

Naging mas kalmado na ako ngayon dahil hindi na masyadong mahangin, di tulad nung time na lumipad kami. Napadungaw naman ako dahil sa ganda ng paligid.

Even though it's night ay bumungad saamin ang magandang buwan kaya nakikita mo parin ang mga puno kahit gabi na, I saw Luca and Pacifica riding... what are they riding?

"Oh that's just a spell, nakalimutan ko ang tawag pero it involves wind and can carry people to destination." Paliwanag niya naman, he should really stop reading my mind.

"Paano sina Stella at Evan?" tanong ko habang nakatingin padin kina Luca at Pacifica, nakatayo si Luca and he's carrying Pacifica like she's not heavy at all.

"Andon pa sila sa mansion niyo, they're taking care of... certain people." Sagot niya ulit sa tanong ko, tumango naman ako.

Remembering where we're going right now kinabahan ako bigla, why did he decide na ipakilala ako sa pamilya niya? "Do you remember what you said sakin before?"

"Hmm? Yung deal ba na gagawin ko lahat basta mapatawad mo lang ako?" tanong ko sabay tilt ng ulo. Tumango naman siya at napapikit.

"I need... a little help right now." Since I owe him tumango nalang ako. "Bukas ko na i-explain saiyo. For now we're meeting my family."

I wonder what it is kasi mukhang malungkot siya and disappointed. Hindi ko alam kung ano rin ang mararamdaman ko ngayon kasi mykhang problemado siya.

Umuwi lang siya a little and pagbalik niya eh ganon na siya, I wanted to ask Luca about what happen but I'll do it later. Iba naman ang nararamdaman ko ngayon...

I feel happy of course dahil sa nangyari sa kapatid at Tita ko, I will dig more sa kanilang mga sekreto. But I wonder if that's the only thing that made me happy? Well hindi ko alam.

Tsaka ngayon ay hindi pa ako satisfied sa nangyari sa kapatid ko, I told myself I would be craving more than just death. Torture ba? Palihim naman akong napangiti sa mga nangyayari.

I'm so glad na umayon lahat sa plano, pero alam kong hindi pa ito ang katapusan. "We're here."

Parang gusto kong tumalon sa gulat at kaba dahil sa sinabi ni Garam, wait that was quick! Bakit ang dali lang? When I looked down ay nakita kong may apat na tao don.

M-maybe they're Garam's family? They all have blonde hair expect sa isang babae. kinabahan naman ako at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak ko kay Garam.

Ibinaba na ni Garam yung dragon at binuhat ako, namula naman ako sa ginawa niya kasi sobrang nakakahiya. OH MY GOD HE'S LITERALLY DOING THIS IN FRONT OF HIS PARENTS.

Pumikit nalang ako sa hiya at tinakpan ang mukha ko. "Oh myyy~ she looks beautiful."

Narinig kong sabi ng isa sakanila, Garam carried me in one arm and slowly removed my hand. Hindi niya ba ako ibaba? Nakakahiya kaya and why is carrying me like this-

"OH MY GOOOOSSHH! SHE'S TOTALLY MY TYPE!" tili ng isang babae na parang kamukha lang ni Garam but with long hair and energetic personality.

"Shut up Gal, you're saying that to everyone." Tumingin naman ako sa nagreklamo, it also looks like Garam but with more angry personality.

A-alam niyo yung si Garam na may kalmadong mukha na may pagaka-cold? Ganon din yung isang lalaki pero parang galit na pagka-cold. He looked at me like he doesn't like me!

N-nakakatakot yung mga kapatid ni Garam. "Hello there, dear. You're indeed beautiful"

I looked at the person who spoke, he has a respectful voice that makes you wanna bow in no time. Is he the king? May magandang babae naman ang nasa tabi niya.

Namula tuloy ako at tiningnan si Garam, I signaled him na ibaba ako kaso hindi niya ako hinayaan. I AM BEING DISRESPECTFUL HERE YOU JERK! IBABA MO KO! sigaw ko sa isip ko.

Nag-smirk naman siya at humarap na sa pamilya niya, "Mother, Father this is Solaria Lazuli. My fiancé."

Ngumiti naman ang hari at reyna the queen took a few steps and hinawakan ako sa pisngi. Namula naman ako because she really looks like a goddess.

"Hello, I'm Valentina Mason. This is my husband, Grigor Mason." Bati niya saamin at nahihiya naman akong nagbow ng ulo kahit buhat buhat padin ako ni Garam.

"HEY HELLO HI! I'm Galilea Mason the older sister, ang pretty mo naman. Actually bet din kita para sa aking beloved na bunso but I wonder why you chose him, he had an awful pers-

"Sister." Napanguso naman yung nakakatanda na kapatid na babae ni Garam. Garam looked at his other brother na nakatitig lang saamin. "That's my brother, Gavin Mason."

Napalunok naman ako ng paulit ulit, his older brother probably hate me right? "I-ibaba mo na ako Garam, I want to introduce myself properly too."

"No." sagot niya naman sakin kaya napakagat nalang ako ng labi ko why is he glaring at his brother like that?

"I-I'm sorry, h-hindi kasi ako ibaba ni Garam kaya-" I was surprised ng nilapitan ako ng babaeng kapatid ni Garam at pinisil ang pisngi ko.

"I heard it's your birthday! Happy birthday! Atsaka wag ka ng mag-alala sa asal ng kapatid ko. ganyan talaga yan." Sabi naman niya. "Call me Sister Gal! I always wanted a sister alam mo yun?"

"Hay nako, Galilea please mind your manners. Kaharap mo din ay isang prinsesa." Sabi naman nung nanay ni Garam. "You can call me Aunt or Mother-

"You can call me father too!" sabat ng tatay ni Garam na ikinagulat ng lahat. "I-I'm sorry, she's just so cute and small. Para siyang si Galilea nung bata pa siya."

Tumawa naman ang nanay ni Garam. "Well mas lumaki na si Galilea now, you can't baby her anymore. Oh by the way, let her sleep in your room Garam. Your fiancé looks kind and beautiful."

"Galilea, Gavin tara na." sumunod naman agad ang dalawa dahil sa nakakatakot na boses ng tatay nila. Wow, pero bago pa umalis yung Gavin ay he glared at me naman b-baka may ginawa ako-

"Tara na." mahinhin na sabi niya sabay punta sa kwarto niya. "Wait here muna, my room's a mess at the moment."

Tumango nalang ako kasi he shut the door pagkatapos niyang sabihin iyon, what? His room is a mess? Why? Gusto ko sanang isipin kaso naalala ko ang nangyari kanina.

My god that was embarrassing- "Hey you."

Napalingon naman ako, it was Garam's brother. He really does look like Garam pero more mature at galit ata sa buhay niya. "You're just a contract fiancé am I right?"

"U-uhm-

"He has someone else, so cancel your engagement already." Tulad ng galit na mukha niya eh napaka-rude din ng personality niya.

"What do you mean?" I don't think magpapatalo ako dito, kahit anak pa to ng Reyna. I don't like it when someone's rude to me.

"Makikita mo bukas." Bulong niya sabay alis na... nagtaka naman ako, what's with him? ang laki ng galit niya ha? Aah whatever...

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napamulat naman ako dahil sa sinag ng araw and someone's been knocking the door nonstop. I saw Garam opening the door... pupunta sana ako don kaso may nakita akong babae.

I was more surprised when she suddenly hugged Garam... who- who is she?

"Prince Garam,your fiancé Princess Divine has arrived."

Fiance?

My Impostor Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon