Chapter 9: We Met again

3.2K 180 7
                                    

"Twin?" kinaway kaway ko naman ang kamay ko, nakalimutan kong sabihin sakanila na dadating na pala si Solana.

Evan and Stella started working kahapon and we just stayed in my room the whole day talking about the village and how they all meet.

My grandmother already met them kaso pinabalik ko agad sa kwarto para magpahinga. She is kind of excited to meet my twin, tulad din sa nakaraan. If only alam niya ang mangyayari.

I guess I have to tell them na ang kalaban namin ay siya. Sana hindi sila ma-attach kay Solana, ang sipsip kaya ng babaeng iyon. Halos gusto kong pumatay dahil ngayon na sila dadating.

"May... kakambal ka pala Princess?" tanong ulit ni Evan. "But it's look like you hate her."

Buti nalang at si Evan ang pinili ko as a Knight, hindi ko inexpect na magaling din siya sa pag observe ng tao. May narinig naman kami ng katok sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Sasabihin ko sainyo pag-oras na." tumayo na ako habang binuksan ni Stella ang pinto, tumango naman silang dalawa sa sinabi ko. "I will tell you all everything."

Pagbukas ng pinto ay bumungad si Grandmother saakin, she's fully dressed and was so ready to meet them. "Apo! Good morning! Excited ka bang makita sila?"

Of course kailangan ko din um-acting na masaya, "Good moring Grandmother! Oo naman!"

Mukhang napansin ni Stella at Evan ang paga-acting ko, kanina kasi wala akong pake sa mga dadating. Kaya siguro nila nalaman.

"Then that's good, halika na't dadating na sila dito any minute now." Agad na umalis din si Grandma, bumalik naman ang ekspresyon ko sa pagiging cold sabay kagat ng labi ko.

"Princess, baka dudugo ang labi mo." Sabi ni Stella sabay pahid ng isang panyo sa labi ko, hinayaan ko naman siya. She's always been so kind...

"You must really hate your sister." Mahinhin na sabi ni Evan pero siniko naman siya ni Stella, they look good together. "Aray- totoo naman eh"

"Alam mo napaka-chismoso mo din ano? uso din minsan ang hindi magsalita." Ngumuso naman si Evan sa saway ni Stella. "Nga pala Princess, nakita mo na ba ang kapatid mo-

"Ikaw din naman eh! Tas ako lang pinapagalitan mo, pagaltan mo din ang sarili mo, unfair mo din ha?" hinampas tuloy ni Stella si Evan ulit.

"Pake mo?" hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. May narinig naman kaming katok sa labas ulit, I guess pinababa na kami. "Tara-

"No I haven't seen my sister..." napatigil naman sila sa sagot ko, I don't want to explain just yet. Mas lalo akong ma-bad mood. "Alam ko lang na ayaw ko sakanya."

Sabay tayo at lumabas na, sumunod naman silang dalawa at hindi na nagtanong. Nang makarating kami sa may sala, andon si Grandma na nakaupo. Just as I remember.

Stella and Evan went to stand doon sa malayo, they acted so professionally too. Ako naman ay lumapit sa bintana, tumingin naman ako saglit kay Grandmother na excited na mukhang hindi.

"Grandmother... bakit ayaw mo kina Tita?" mahinhin na tanong koo sabay tingin ulit sa labas ng bintana.

Naalala ko noon na ayaw na ayaw ni Grandma na bumisita sina Tita Sylvia, hindi ko alam kung bakit pero parang may nalalaman na din ako.

"Hindi ko rin alam apo." Mahinang sagot niya saakin habang nakaupo sa sofa sa may sala. "I just hate them, you know?"

Napatawa naman ako sa sinagot ni Grandma, we really are relatives. "Ayaw ko rin sakanila." mahinang bulong ko

"May sinabi ka ba apo?" nakangiti naman akong umiling sa tanong niya. Hindi niya narinig, too bad. Napatitig naman ako sandali sa matanda. She's gotten too weak. I can't prevent her illness too.

I sighed when I saw the gate opened. I guess andito na sila, inayos ko ang sarili ko at naglakad patungo sa pintuan. The real enemies are here...

Bumukas na ang pintuan ay bumungad ang mukha ni Tita at yung 'twin' sister ko kuno. I almost made a face when I saw their nasty faces. Disgusting.

"Lady Sylvia and Princess Solana Lazuli has arrived." sabi nung katulong namin. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pinaggagawa nila saakin. But I have a plan for them.

Kitang kita ko ang mga mukha nila na naiiyak at mga ngiti sa labi nila, napaka-peke talaga. Noon ay naniwala pa talaga ako sa kapeke-an nila ha?

"I-I CANT BELIEVE THIS!" naiiyak na sigaw ni Solana habang nakalagay ang dalawang kamay sa bibig niya "I- I really do have a twin sister!"

"ME TOO-" tsaka ko siya niyakap, kailangan ko ring umakting ano? I could have choked her right on the spot. Pero where's the fun on that?

"I always wanted a sibling." Dagdag nito. Baka katulong kamo ang gusto mo? I still remember how good she acts whenever I'm around. Magsho-show rin naman ang totoong kulay niya kinalaunan.

May tumapik naman sa balikat ko kaya tumigil na ako sa pagyakap. It was grandmother, she was smiling for some reason pero alam kong peke iyon...

"Andito na pala kayo, Sylvia..." nakangiting bati ni Grandmother kay Tita at ngumiti rin naman si Tita.

"I missed you, Mother." EW.... WHAT A FREAKING FAKE. Nag-usap usap naman sina Grandma at Tita saglit, tsaka pumasok din naman. Sumunod naman ang kakambal ko habang ako ay naka-obserba lang.

"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng kakambal ko ng napansin niya ako. We really do have the same face, hair, everything.

"Wala naman, Solana." Mahinang sagot ko. "I'm just glad to know that I have a fake twin sister like you."

"Huh? May sinabi ka ba... uhm... Solaria?" tulad lang sa naalala ko. "C-can I call you sister instead? Ok lang ba?"

Ngumiti naman ako ng matamis, she may look innocent pero napaka demonyo pala nito. Nasa loo bang kulo ng isang to, Kale should be her Knight since aagawin rin naman niya si Kale.

"Sure naman! I just can't believe na may kakambal pala ako." na peke, gustong gusto kong idagdag iyon.

"Same here~ nagulat nalang ako na sinabi ni Ma- este Tita Sylvia na may kapatid pala ako." hmm? Bakit parang nadulas ka ata Solana?

Hindi ko man lang tinanong noon kung ano ang nangyari bago sila pumunta dito, I forgot to asked before pero ngayon? I have all the time in the world. "Pumasok na tayo, sister."

Pumasok na kami at nag-usap usap naman sila at pinakilala si Solana sa mga katulong, nakita ko ang pagsi-sipsip ni Solana sa mga katulong dito... wala naman akong pake.

Habang nag-uusap sila ay biglang may maid na tumawag. "Ma-Madame, andito po si Prince Lancelot."

"Hmmm? Papasukin mo." Mahinhin na sagot ni Grandma, just as I expected. Kahit na kinancel ko na ang engagement. Dadating at dadating parin pala si Lancelot.

"U-uhmmm... Who is Prince Lancelot?" halos gusto kong matawa sa tanong niya. hindi naman obvious na interesado ka don ano?

"Oh he's Princess Solaria's fiancé, dear." Sagot ni Grandma. 

My Impostor Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon