Chapter 35: POV II

2.9K 152 3
                                    

(Solaria's POV)

"You're pregnant with his child?" napailing iling naman ako sa tanong ni Savannah. "I'm just a guardian! Not a baby sitter, dapat tutulungan din ako ni Gamma-

But Gamma just grunted, it's been a couple of months since last kong nakita si Garam. nagulat akong nakita niya ako habang nagfe-fade ako papawala, nagalit nga si Savannah eh.

Bakit daw ako nakikita ni Garam nun eh dapat wala na ako. I also learned today na buntis ako with his child... I think we did it nung nasa palasyo kami.

That was our first night and last... he keeps saying cuddle pero may nangyari talaga. I'm not even mad about it.

Gamma came with me kasi contract dragon ko siya, even she's a dragon she acts like a human and parati nalang akong kinocomfort pag naiiyak ako. Remembering that night always made me cry.

"Kaya pala may mood swings ka, you laugh and cried out of nowhere." Sinamaan ko naman ng tingin si Savannah, I was thinking about Garam that time.

Andito kami ngayon sa kung san di ko alam. I decided to travel the world kesa aaligid sa tabi tabi ng lupain nina Garam. Since I have Gamma and Savannah, sinasamahan nila ako.

But I guess I had to stop traveling for now dahil buntis na ako... I'm happy and sad at the same time because her father can't remember his wife at the moment.

"Stop crying. Masama iyan sa bata astaka it's been a couple of months Solaria, maawa ka na din sa sarili mo. You should be strong dahil may anak ka na." –Savannah.

Bumuntong hininga nalang ako at tumango, since walang nakaalala saakin. I lived on a tree house sa isang malaking puno. The trees here is so large than the mountains around.

Kaya nagdecide kaming dito na muna magstay, I'm sure this is far from Garam's land. "Your child is a girl, anong ipapangalan mo dyan?"

"Gaia." Maikling sagot ko

(5 years later)

(Solaria age of 23)

"Mother, may mga tao sa malayo. They're some sort of knights." Napatigil naman ako sa ginagawa ko at nagtaka, she's just four pero she's so good in talking na.

San ba to nagmana? "You went down again or did you use your eyes?"

Since she's a Mason, may abilidad din siya. She can see from afar, napaka random ng mga abilidad ng mga royalty family. Akala ko makakabasa din siya ng isip.

Her eyes is also uniquely beautiful dahil nagcombine ang kulay ng mata ko at ni Garam, her eyes and hair always made me remember of him. No, Gaia is like the exact copy of Garam's female disguise.

Ang kaibahan lang ay ang wavy hair niya at kulay ng mata. "Guardian Savannah is out with Gamma, kaya hindi ako makakababa."

Bumuntong hininga naman ako, we don't isolate ourselves sa mga tao. Since mahilig akong matravel, minsan ay sinasama ko si Gaia and we would go to villages para makipag interact sa mga tao.

"Mother it would be rude if we didn't greet them." alam ko na kung san to nagmana, parehang pareha talaga sila ng attitude. Napaka-bossy at madalas may pagka-rude ang pagkakasabi.

"Gaia, diba sinabi ko saiyo na mind your voice intonations?" natatawang sambit ko sakanya at napanguso naman siya. She actually didn't mean to sound rude, ganon lang talaga siya.

"I apologize po, h-hindi ko po sinasadya mother." Napa-iling iling naman ako, I patted her hair atsaka tumango. Her eyes went twinkling kahit hindi siya ngumingiti.

Bumaba na kami gamit ang stairs na gawa ni Savannah since nasa tree house padin kami for 5 years now. We don't usually use stairs dahil sobrang taas at meron naman si Gamma.

Si Gaia ang nag-guide saakin patungo sa kung san, sa sobrang taas ng mga puno if you are not an expert you'd get lost easily.

Marami na ang nawala and Gaia would usually guide them out of the forest, marami na din ang nakakilala samin sa kalapit baryo dahil palagi namin silang tinutulungan.

We'll help them in their hunts or pag mawala sila. "I think they're camping dito mother, I don't think they're lost."

Napatango naman ako, we walked and saw them camping right in the middle na nakapalibot na kahoy. They were suddenly on high alert pero I waved my hands signing we are not a threat.

"Hello." Bati ni Gaia sakanila at napatingin naman sila sakanya, wait why does the uniform look so familiar-

"Aha! Hello there! Tama nga kami't hindi kayo multo dito!" napatingin naman ako sa nagsalita... it was... Sister Galilea. "See? See? Naniwala na sana tayo sa mga sinasabi ng mga villager na expert dito."

Hindi tuloy ako makapagsalita, pero I'm sure hindi niya ako naalala so I have to act calmly as possible. "Sis- este hello Miss, ano ang maitutulong namin sainyo?"

Sh!t kailangan ko pa talagang madulas ha? Napatingin tuloy yung anak ko. my god, napaka-sharp at talino pa naman nito. "Sis? Sister? You know her mother?"

"N-no!" at napatingin kay Galilea na nagtataka at inobserbahan din ako. I forgot she can tell lies-

"Well it seems you're lying pero-

"I mean I do know you! D-diba ikaw y-yung head knight s-sa royal family? y-you were talk of the town kaya kita kilala." Agad na palusot ko, she seems well convince at mukhang naniwala naman.

I inhaled and exhaled, pero nakatingin parin si Gaia saakin. Bakit napaka-observant ng anak ko? Why can't she be like me na hindi observant tulad ng tatay niya?

"Oh yeah indeed, pasensya ka na ha? Pumunta lang kami dito para malaman kung totoo ang pinagsasabi na multo ng mga kasama ko. They said they saw one while they were hunting."paliwanag niya.

Napatawa naman ako, goddammit Savannah! Di kasi nag-iingat eh, hindi niya ba alam na mukha siyang mutlo pag gabi?! She keeps glowing at night tas sobrang haba pa ng buhok.

"Oh we can assure you na walang mutlo dito, we've been here for 5 years." Nakangiting sabi ko sakanya at tumango tango naman siya. She looked at my daughter and stared at her.

"Hmm, this little one looks familiar. Para siyang si Garam nung bata pa siya, you have a nice eyes too." napalunok naman ako ng paulit ulit, it's been so long since I heard that name.

"I'm Gaia! Nice to meet you miss. You should be careful maraming multo dito." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Gaia, did she really have to lie like that?!

"Oh... weird. Why can't I tell you're lying?" napatigil naman ako at napatingin kay Galilea, what did she say? Bakit di niya madetect na nagsinungaling si Gaia?

"Huh? But I did lie, I was just joking." Nagtatakang sagot ni Gaia, napa-shrug naman si Galilea at tumawa.

"Maybe there's something wrong sakin. By the way, you should visit our kingdom, may festival bukas it's gonna be fun." Pai-invite niya samin at ngumiti nalang ako.

"Sure we'll think about it." nagpaalam na kami at bumalik sa tree house. Hindi parin nawala ang kaba ko.

Nakita namin sina Gamma at Savannah don. "Hey Savannah, it's been 5 years. We should visit the royal kingdom."

Napatingin naman siya sakin at ngumiti. "Well sure, yun lang naman na kingdom ang hindi napuntahan ni Gaia. She should see him at least."

Yeah, buti nalang at hindi palatanong si Gaia. Maybe I should let her see Garam at least? Pero what if may asawa na yun? what if he's married na?

What am I going to do then? What are we... gonna do?

My Impostor Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon