Chapter 10: Double Trouble

3.4K 206 8
                                    

Kitang kita ko ang mga mata ni Solana, she seems to be interested hmm? Teka ano ba ang ine-expect ko? aagawin niya kaya lahat ng galing saakin.

"Y-you have a fiancé?" gulat na tanong ni Solana, ngumiti naman ako (Peke). Gulat ata siya na may fiancé ako, bleh.

Hindi pala alam ni Grandmother na kinancel ko ang engagement? Or maybe she did pero hindi lang naniwala sa rumors throughout the mansion dahil gusto niyang marinig na galing sakin.

Hindi ko muna sinagot ang tanong ni Solana. "Apo, go meet him muna. May pag-uusapan lang kami ni Tita Sylvia mo."

"O-oh can I come? Gusto ko din mameet ang fiancé mo, sister." Nakangiting taas kamay ni Solana, kapal talaga ng mukha. "I-it's ok kung-

"You should meet him Solana." Sabat naman ni Tita Sylvia at tumango naman si Grandma, Nagsi-alisan na sila para may pag-usapan. Mukhang pinupush niya si Solana na makita ang fiancé ko.

Ganito din ang nangyari noon, Grandma asked me to meet Lancelot kasama si Solana kaya sobrang excited ko na ipakilala si Solana kay Lance.

I was so ready to brag about my twin sister at hindi ko namalayang nahuhulog na pala si Lance kay Solana. Pfftt... bet ko din naman na magsama sila. Puro basura.

Tumingin naman ako kina Stella at Evan, mukhang napansin nnaman nila na aalis ako kaya sinundan nila ako, Solana was busy looking at them. Parang may plano na kunin sina Stella at Evan.

Pero syempre nakay Evan ang mata ni Solana, nakalimutan kong sabihin na napaka landi din ng isang to. She has an eye for handsome men, kaya niya nakuha si Lance dahil sa kalandian niya.

Mas maganda kung magsasama silang lahat para one-shot din ang higanti ko, hmmm... "What's your fiancé like?"

Nakangiting tanong ni Solana saakin, syempre kailangan ko din mag tanga-tangahan at umakting tulad ng ginawa ko noon hindi niya iraise ang guard niya saakin.

"Oh he was charming, kind and handsome." Ganon din ang sagot ko sakanya noon, ang problema nga lang ay kinancel ko na ang engagement ngayon...

Which means maaga aga ang pagpili ni Lancelot kay Solana, hindi ko alam kung kelan sila nagsimulang maglandian basta ang theory ko ay nung nagkita sila. At ako namang si tanga ay hindi napansin iyon.

"Oh and who are they? Sila ba ang personal maid and Knight mo?" ughhh, ang dami niyang tanong ha? Was she always this... annoying?!

"Yepp, they are. Sila nga pala sina Evan at Stella." Tumango tango naman siya, nagbow naman ng sabay sina Stella and Evan. They acted so professionally not gonna lie.

"Nice to meet you Princess Solana." Sabay bati nila kaya ngumiti naman si Solana, alam kong may plano siyang kunin silang dalawa. Ugh.

"Ang gagaling naman nila, I wish I could have one too." noon ay ganyan din siya, she keeps wishing and I kept granting her wish.

But of course, kailangan kong magtanga-tangahan. "Wag kang mag-alala sister, may naka-reserve na mga servants na para lang saiyo."

"T-talaga? I- I never had one before, sa tingin magiging ok kaya akong amo?" ewan ko parang gusto ko talagang matawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Oo naman, we're sisters afterall. Nasa dugo natin ang mamuno." Pag-encourage ko sakanya, she should show her true colors soon.

Pagdating namin kung saan si Lance ay bumungad saakin ang isang bouquet na bulaklak. He even dressed so gorgeous right now, napatingin naman ako kay Solana.

Kumikinang ang mata niya, looks like she has eyes on him now. Pero ang weird kasi si Lance ay naka-focus lang saakin... Hmm? Weird?

"So-solaria." Ah alam ko na, kaya pala nahulog si Lance kay Solana. Ang landi niya talaga, mas lalo namang lumapit si Solana saakin para mapansin siya ni Lance.

My Impostor Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon