Chapter 15: Solana and Solaria

3.1K 221 5
                                    

Syempre kailangan naming mag grand entrance, I planned this too. Nagstart na siguro ang party which is good para pag pasok namin ay all eyes on us.

'Si Princess Solaria ba yon?'

'Oh gosh, ang ganda niya no?'

'Oo nga, sino kaya ang mga kasama niya?'

'They're all good looking naman.'

Palihim naman akong napangiti sa mga pinagsasabi ng mga bisita nang pumasok na kami sa loob, we need to walk in a long hall before reaching the main hall where the party was held.

Naalala ko tuloy ang mga party na dinaluan namin ni Solana, she always gets the best dress samantalang ako ay parang natakpan ng kanyang kasikatan. They prefer talking to her kahit mas kilala nila ako.

Pero I do admit na hindi ako friendly na pagka-tao. But look at me now, all eyes on us. This time, ako naman ang aagaw sa atensyon nila. Napangiti ako lalo ng naalala ko na sinuggest ko to.

My plan was to hold a party para kay Solana pero saakin ang attention, which is kind of working right now kasi lahat nakatingin saamin. I'm just here to steal the show, that's all. This is all thanks to Garam.

Si Garam ang nagbigay ng dresses and suits samin, he said what we're wearing is made up of royalty clothing and is really unique in design. Syempre dapat kailangang bongga kahit servants lang kayo...

Actually parang hindi ko nga sila katulong eh, para kaming magkakaibigang pumunta sa party. nang nakarating kami sa main hall, as expected lahat sila nakatingin saamin kahit sobrang bongga din ng suot ni Solana.

Pero syempre mas maganda at mas malakas ang impact ko, ako pa rin ang nanalo in the end in terms of presence and attention. "S-sister."

Tawag niya saakin kaya napalingon naman ako at humarap sakanya, she took a glance at kung sino ang mga kasama ko... "Wh-why didn't you wear the that I gave you?"

Ah naalala ko nga pala na kailangan kong suotin ang nakakadiring dress na bigay niya. it was so horrible that nakalimutan kong ilagay sa basura kanina, I will throw that away later.

She gave me that dress para suotin sa welcome party niya, nangyari na din ito noon kaso hindi nga lang welcome party yon. I think it was a tea party tas hindi ko alam ang theme.

She gave me a dress at sinabi niya pang ganon daw ang theme, tinawanan tuloy ako when I arrived at that party noon. It was a terrible designed dress too, napilitan lang akong suotin kasi wala akong alam sa theme.

Atsaka mahal ko ang kapatid ko non kaya ko sinuot yun, she apologized afterwards pero patuloy parin naman niya iyong ginagawa. Psh...

Napansin ko na sinadya niyang tanungin iyon para kaawaan siya, I saw people staring and looking at us. So this is what she's playing right now, playing the victim. Too bad hindi na magwo-work saakin ngayon.

'Anong nangyayari?'

'Princess Solana gave Princess Solaria a dress daw.'

'Sabi ni Princess Solana hindi daw sinuot ni Princess Solaria ang bigay niya.'

Here we go with the gossips, hindi ko alam kung bobo lang siguro ang mga tao dito. kahit ako yung mas kilala nila, pumapanig parin sila sa bruhang to.

"I-is it that bad? Panget ba ang napili ko-" I immediately cut her off.

"Huh? Ano ba ang sinasabi mo sis? You didn't give me anything at all." Nilakasan ko pa ang boses ko para rinig ng lahat, I looked at Stella naman. "May binigay ba ang kapatid ko saakin?"

She immediately understand what I meant. "We didn't receive anything at all Princess."

"See? Wala talaga akong natanggap sister, kung meron man. Susuotin ko talaga yon since it's your welcome party." nakangiting sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

'Wala naman palang nabigay si Princess Solana.'

'Oo nga, dapat kinonfirm niya muna bago nagsalita.'

'Welcome party pa naman niya ngayon.'

"I- I'll ask my servant about it. b-baka... hindi niya lang nabigay." Nauutal na sabi niya, looks like napahiya siya since biglang nanlamig ang kamay niya. "s-so! Si-sino nga pala ang mga kasama mo? I- I didn't know you invited any."

Kasi alam mo na wala akong close na kaibigan sa mga nobles? Wow she really investigated about me huh, pati mga kaclose ko di niya pinalampas.

Too bad, all the nobles are trash, kaya wala kong kaibigan dahil puro naman sila basura. "Oh yeah! Nakalimutan kong sabihin saiyo, they're my temporary servants for today."

Nakita ko ang gulat nila, their reaction was priceless. I mean ang ganda din naman ng kasuotan ng mga Kasama ko, they fit the crowd para silang nobles din.

They all stepped forward and bowed gracefully sa harap ni Solana that almost left her dumbfounded.

"T-temporary servants? W-wow they all look good in their outfits." Kunwaring masayang sabi niya sakin. hindi niya binihisan ng maayos ang mga servants niya. I even so Kale looking at us right now.

"Oo naman, I dressed them up well just like their owner. Mahal ko kasi ang mga katulong ko kaya ko naggawa ito sakanila, I'm thankful sakanila you know?" Pagmamayabang ko...

'Ang bait naman ng Prinsesa no?'

'Oo nga, ang gaganda at gagwapo pa ng mga katulong niya.'

'They all seem so professional.'

Napalunok naman ng paulit ulit si Solana ng narinig niya ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya. All she hears is my name in the crowd, which is good. Kasi lahat umaayon sa plano ko.

"Oh myy hello Solaria, my dear niece." Sabay kaming napalingon sa tumawag ng pangalan ko, shoot may back-up agad siya huh? Kanina rin siya nag-aabang...

I gazed at Garam na nakatingin lang sa dalawang pinaka-ayaw ko na mga tao. "Hello Tita, you look good tonight."

In my opinion, my tita isn't that much of a problem. Kasi ang gagawin niya lang ay maghahanap ng connection with the other nobles, si Solana at Lance ang totoong problema ko.

"Thank you dear, anong nangyayari? Hmm? Oh you have a lot of servants..." tango tango sabi niya habang ino-obserbahan ang mga kasama ko. "I heard they're from the common village?"

Sabi na't lalabas ang rason na iyan, nagsimula na naman ang bulungan sa paligid. Ugh, she's a pain...

May binulong si Pacifica sakin kanina tungkol dito... to be honest ibang iba ang appearance nila sa orihinal na itsura nila, so hindi mo talaga sila makilala even though nakita mo na sila sa village.

Buti nalang at may palusot ako dyan. "Oh? Talaga po? San niyo naman po narinig iyan Tita? That's absurd, they came from overseas Tita. You can ask them kung gusto niyo."

Obviously I was lying pero it's working, walang masyadong may alam sa oversea countries. Kasi kulang masyado ang impormasyon even nobles didn't know which country exist.

Buti nalang at matalino si Stella. "T-then which country are they from them? kung galing talaga sila don-

"Good day madame, our companion came from the country of Belial City. A city that exist in the Barook continent." Sagot ni Stella... I saw my Tita covering her face with a fan. Looks like napahiya na naman sila.

Alam kong wala silang alam sa mga oversea countries, kasi pati na din ako walang alam don. But I do think na pamilyar ang lugar na iyon.

'Whoa galing pala sila don?'

'Oh my, ang yaman talaga ng Prninsesa.'

'Oo nga no? na afford niya ang isang oversea servant.'

"P-prince Lance is here." biglang sabat ni Solana sa usapan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi, I score a point this time and I cant wait to score some points more. 

My Impostor Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon