36

328 15 0
                                    

I heard him sigh. Hindi na ako sumagot sa kaniya. Sa tingin ko ay umalis din naman siya pagkatapos ng ilang sandali.

I stayed in my room until evening. Baka hindi pa siya umalis, kaya nanatili ako sa aking kwarto. Nang kumatok si Manang para sa hapunan, doon palang ako lumabas.

Shian also texted me.

Shian:
April, how are you doing? Do you want us to come to your house? O pwedeng ako nalang muna. I didn't tell our friends about your problem. Pero kung kailangan mo ng kausap o kainuman, I'm here. We're here.

I smiled at her text.

Me:
I'm not totally fine, but I'm feeling better than the other day. Thanks for your concern by the way.

I changed my number yesterday. May mga text si Raven sa isa kong sim ngunit hindi ko na 'yon binasa. I'm too hurt that what I wanted to do is to clear my mind first.

I didn't log in to my social media, either.

I sighed and thought if Raven is still in our house. Dalawa o tatlong oras na ako sa kwarto ko.

For sure he already got home. Baka hinahanap na 'yon ni Sunny at agad din namang umuwi. Sa huli, alam ko parin na ako ang masasaktan. Siguro ay kasalanan ko rin naman dahil umasa ako. Grabe, mismo ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay sinisisi ko na sa sarili ko.

Pero halos mapabalik ako sa aking kwarto nang nakita ko si Raven na parang nakaupo sa dining area namin. He was sitting comfortably like he owns the place and the seat.

"Ija, maupo ka na. Ikaw nalang ang inaantay para magsimula na kayong kumain," si Manang.

I shouldn't act uncomfortable in front of him. He should. I'm in our house, so I should show dominance over him. Baka isipan niyang may epekto parin siya sa akin.

Bakit, wala na nga ba?

I set aside my thoughts and sat on the other side. Si Daddy ang nasa gitna at kami ni Raven ang magkaharap. Of course, I didn't glance at him, even his stares are so obvious. Hindi man lang nahiya na nasa harapan namin si Daddy.

"Why is our visitor still here, Dad?" I asked Daddy coldly.

Wala akong pakialam kung ano ang iniisip ni Raven sa tanong ko.

Daddy glared at me. "April," saway niya. He sighed then looked at the man in front of me, then to me. "He's helping in our business. I have more experience in the field, but his knowledge and skills are brilliant and very useful."

I shrugged and didn't comment on that. I continued eating without glancing at Raven again. Baka kapag titig ako sa kaniya ng matagal ay bumigay lang ako.

Ako ang naunang natapos kumain. Nang pumasok ako sa kusina para maghugas ng kamay, nakita ko si Manang na may nakakalokong ngisi sa akin.

"What, Manang?"

Manang smirked at me. "Kita ko ang pag-irap mo doon kay Raven. At si Raven naman ay titig na titig sa'yo," nanunudyo niyang sinabi.

Hindi ako sumagot kay Manang at naghugas ng kamay.

"Kilala niyo po si Raven?"

Tumango si Manang. "Oo naman. Nakapunta na siya dito. Hindi mo maalala?"

Umiling ako. I didn't remember that Raven came here. I first met him in their mansion. Maybe I was not here when he came.

"So si Raven ang iniyakan mo, ija? Sinabi mong ikakasal na siya, pero kung makatitig sayo," parang teenager na kinikilig si Manang. Napairap ako dahil sa inasta niya.

A Sinful Pleasure (Island Of Sin #2)Where stories live. Discover now