chapter one

2K 66 9
                                    

Justin's POV

*7:15 p.m*

Being the breadwinner of the family is really hard. Kailangan mong gawin ang lahat at pasukan lahat ng trabaho na pwede mong pasukan para lang may makain kayo araw-araw.

Inayos ko na ang sarili ko para pumunta sa bar na pag tatrabahuan ko, pang ilang bar ko na 'to na papasukan sana naman hindi na ako mapaalis.

"Nay! Alis na po ako"  narinig ko naman na nag-"sige" si nanay kaya lumabas na ako ng bahay.

------

*7:30 p.m*

Sakto lang ang dating ko para sa shift ko ngayong gabi.

Dumaan ako sa likudan ng bar papasok sa loob, doon ang daanan ng mga nagttrabaho dito.

"Hi, bago ka rin ba dito?" tanong sa'kin ng isang kasama ko.

"Yes, unang araw kong magttrabaho dito"

"Unang gabi kaya, gabi na eh hindi na araw" pagtatama niya sa'kin, joke ba yon?

"Tama" sagot ko at tumawa ng pilit.

"Ay grabe nag jojoke lang yung tao eh, hays. Ako nga pala si Stell, bago lang din ako dito" nginitian niya ako bago iabot ang kamay niya para makipag kamay.

"Justin" kinuha ko ang kamay niya at nakipag kamay.

Sana magkasundo kami.

Just like other bar, maingay din sa bar na 'to at puno ng tao. May mga nagsasayaw sa dance floor at yung iba nagtatawanan.

Malapit na mag sarado ang bar at unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao. Pero may isang lalaki na biglang pumasok, ayos na ayos ang porma niya. Long sleeve black tuxedo with black pants and his black shoes. Mukhang mayaman.

"Hi sir, what's your drink?" tanong ko ng makalapit siya sa counter.

"Whiskey" he answered, his voice was deep.

I immediately get his drink and gave it to him.

"Justin una na ako ha, sarado mo nalang 'to sabi ni boss" paalam ni Stell.

Nandito pa rin yung lalaki at nainom pa kahit lasing na lasing na.

"Sir, isasarado ko na po ang bar uwi na po kayo"

"Wala akong pake, iinom ako hanggat gusto ko at ikaw.... ikaw ang magbibigay sa'kin ng iinumin ko"

Gago ba 'to? Boss ba siya?

"Sir, inaantay po ako ng pamilya ko sa bahay namin kaya umuwi na po kayo"

"Ano ba at napakatigas ng ulo mo? Sabing mag iinom ako hanggat gusto ko eh, kaya mag antay ka diyan!" sigaw niya.

That's it. I have enough bahala siya diyan. I dragged him out of the bar at iniwan siya sa labas. I locked the entrance door of the bar at inayos ang loob bago ko napag desisyunan na lumabas. 

Dumaan ako sa likod ng bar at sinarado ang pinto. I expected na wala na yung lalaki sa harap ng bar pero nandoon pa rin siya at pinapalibutan ng dalawang lalaki na naka face mask, yung isa may hawak na batuta at yung isa ay hawak hawak yung lalaki na pinalabas ko.

Nang makita ko na hahampasin na yung pinalabas ko na lalaki ay bigla nalang kumilos paa ko at tumakbo papalapit sakanilang tatlo.

Mabilis namang nakatakbo yung dalawang lalaki nang makita nila ako at naiwan si kuyang napalabas ko kanina.

"Sir, okay ka po ba?"

Tiningnan niya ako, "mukha ba akong okay? nabugbog ako tapos sa tingin mo okay lang ako?"

Luh gago ba 'to? Nagmamabuting loob na nga ako.

"Bakit kasi hindi ka kumuha ng body guard mo para maprotektahan ka, napakahina mo pala eh" pagtataray ko din, hindi pwedeng siya lang ang mag attitude sa aming dalawa, my anger issue can't handle it.

"Tulungan mo nalang muna ako dito pwede ba?" He said as he give his hand to me, hinayaan ko lang na nakaangat ang kamay niya sa hangin at ngumiti. Deserve.

"Hindi, bahala ka diyan" siyempre joke lang, tingnan ko lang kung gaano kataas pride netong lalaking 'to.

"Napakadamot mo, kanina pinaalis mo ako sa bar ngayon hindi mo ako tutulungan" is he guilt tripping me? Well, it's not working.

"Say the magic word muna" I continue to tease him

"Ano?... anong magic word pinagsasabi mo?" pagtataka niya habang nakatingin sa akin ang lasing niyang mata.

"Ganito oh, "tulungan mo ako dito PLEASEE!" ganiyan lang kadali, now your turn"

"Kahit wag mo na ako tulungan, umalis ka na lang"

Aba gago ang taas talaga ng pride. Kagaya ng sinabi niya umalis nga ako.

"Ahh!..." rinig kong sigaw niya.

Napatingin naman ako sakaniya at nakita kong hirap na hirap na siya makatayo. Kaya nag decide na akong lapitan siya. Tsk, this man can't lower his pride talaga. I guess he still doesn't have a lover with that attitude.

------

A/N : short update lang muna, I'm currently writing chapter 2-4 kaya ilapag ko muna 'to, leave some comments and vote pls, thank you❤️

HIS secretary | kentinWhere stories live. Discover now