chapter seven

1.2K 83 5
                                    

Justin's

I'm not in the mood to joke around with Ken. Dinala ko kanina sa hospital si nanay dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay kaya na-late ako ng pasok, buti nalang napaka considerate ni boss.

"I'll get going na. Thank you" sabi ni Ken at tumayo, nagsimula na siyang maglakad palabas ng bar.

Buti naman. Nakahinga din ng maluwag.

.
.
.
.

"Justin-"

"Ako na bahala, oo alam ko na yan. Uwi ka na" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Stell, nasanay na ako eh.

Sinarado ko na ang dapat isarado at nagready na para lumabas at umuwi na sa bahay para tingnan kung kamusta na ang lagay ni mama.

Hindi pa ako nakakalayo sa pinto na pinaglabasan ko ng bigla nalang bumuhos ang napakalakas ng ulan.

Putanginang kamalasan 'to hindi pa nauubos.

Sumilong muna ako sa tab ng kalsada umaasa na tumila pa ang ulan ng may biglang tumigil na kotse sa harapan ko.

"Sakay na"

Si Ken, hindi pa rin siya nauwi?

"Ayaw ko, okay na ako dito titila din naman 'to"

Pero kung paglalaruan ka nga naman talaga ng panginoon, mas lalo pa talagang lumakas ang buhos ng ulan.

"Sure ka? Lumakas lalo oh"

"Oo, mauna ka na"

Akala ko ay umalis na siya pero hindi pa pala dahil palabas na siya ngayon ng kotse niya habang may dalang payong.

"Sakay na, hindi naman ako nangangahat. Baka magkasakit ka pa"

His words... concerned siya, no one did that to me.

"Ah- o...okay" sabi ko at tumabi sakaniya para magkasiya kami sa payong na dala niya.

"So, where is your house?" tanong niya ng makasakay na kami sa kotse niya.

"Malapit lang dito, turo ko nalang pag nadaanan natin" sabi ko at sinalpak na ang earphones ko.

----------

"Justin! Gising hoy!" inuuga niya ang balikat ko habang sinasabi niya 'yon.

"Nasaan na tayo?!" nagulat ako dahil hindi ko na alam kung saan 'to.

"Ewan ko, nag dadrive lang ako, hindi mo naman ako pinapahinto"

"Malamang tulog ako? Paano kita mapapahinto? Bakit hindi mo ako ginising?" sunod sunod kong tanong.

"Ang himbing kaya ng tulog mo, mukha kang pagod na pagod eh" sabi niya.

"Ugh! Jusko ka, ibalik mo. Nakalampas na tayo" nakaka frustrate ka Ken.

"Okay boss!" sabi niya.

.
.

"Dito nalang" agad niyang tinigil ang pagmamaneho ng sabihin ko 'yon.

"Saan diyan bahay mo? Hatid na kita, wala kang payong"

"Wag na, kaya ko namang takbuhin"

"Hindi. Pag sinabi ko gagawin ko." sabi niya at bumaba sa kotse dala ang payong niya.

"Tara na" binuksan niya ang isang pintuan ng kotse kung saan ako nakapwesto.

Wala na akong nagawa kaya bumaba nalang ako.

Naglakad kami hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay namin.

"Dito na ako, Salamat"

"You're welcome. Ayaw mo talaga maging secretary ko?"

"Ken.."

Kaya pala ako hinatid ni mokong?

"Okay okay, first day pa lang naman 'to. Mapapapayag din kita"

Tingnan lang natin.

"Good night na, babye!" kinaway niya ang kamay niya at naglakad na pabalik sa kotse niya.

Mabait din naman pala...

--------
A/N: enjoying the story? give me some votes🥺❤️ tysm!

HIS secretary | kentinWhere stories live. Discover now