chapter twenty one

1.2K 45 3
                                    

Justin's

Simula nang makauwi ako dito sa bahay ay umiiyak na ako hanggang ngayon tuloy pa din yung mga luha ko. Kaya pala hindi na niya ako pinapansin at inaasar may girlfriend na, sakit gago parang kagat ng dinosaur.

"Anak? Kakain na hindi ka pa rin ba lalabas?" my mother asked, concern is evident on her voice.

"Hindi pa po ako gutom ma. Una na po kayo" I answered, sana hindi mapansin ni mama na umiiyak ako.

"Pwede bang pumasok?" tanong niya ulit.

"Wag na po ma, kain na po kayo kailangan niyong magpalakas"

"Anak, alam kong umiiyak ka. Pwede mo namang ikwento sa'kin 'yan, lalo lang yan sasakit at bibigat pag sinasarili mo lang. Nandito lang si mama, anak"

Her words made me cry even more. Ganito ba talaga lahat ng nanay? Alam na alam ni mama kung naiyak ako o hindi eh. Tumayo ako mula sa kama ko at dumiretso na sa pinto para papasukin si mama.

"Sabihin mo kay mama ang problema anak, bakit ka umiiyak?" tanong ni mama nang makaupo siya sa kama, nakarap siya sa'kin at pinupunasan ang basa kong pisngi.

"Pwede po bang hindi ko nalang sabihin? Ayaw ko po muna pag usapan eh, Dito nalang po kayo muna ma hanggang sa makatulog ako." sabi ko at niyakap niya lang ako. Sarap talaga ng yakap ng mama.

"Okay lang naman anak, iiyak mo lang yan hanggang sa mawala yung sakit. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo na mas maganda kung alam mo ang point of view ng isa mas mabuting tanungin mo muna siya at hayaan mong magpaliwanag" sabi niya, "si Ken ba 'yan?" dugtong niya na siyang nagpaangat ng ulo ko at diretso akong napatingin sakaniya.

"Mukhang si Ken nga. Alam mo one time, bumisita yan sa hospital. Binisita niya ako at kinausap niya ako, gusto mo bang malaman mga sinabi niya?" tanong ni mama.

There's a part of me na gustong malaman at may part din na ayaw ko muna. Gusto ko munang mawala yung sakit na nararamdaman ko bago malaman 'yun. Malay natin dagdag pa yung mga sinabi niya kay mama para umiyak ako lalo.

"Wag na po muna ma, basta po pag pumunta siya dito sabihin niyo po na wala ako dito" sabi ko at ngumiti.

"Naku mukhang mahirap magsinungaling sa mabubuting tao lalo na at malaki ang naitulong sa'kin ng batang 'yon"

"Ma, please?" hinawakan ko ang dalawa niyang kamay, nang makita ko na ngumiti si mama alam kong pumayag na siya.

Hinimas niya ang buhok ko, "Sige, basta harapin at kausapin mo siya ha. Kawawa naman 'yon, pakinggan mo ang side niya." sabi niya at ngumiti.

"Opo ma, promise po"

"Oh ano, hindi ka talaga kakain? Masarap ulam natin" pag-aalok ulit ni mama sa'kin,

"Hindi na po ma, busog pa ako eh. Thank you po" sagot ko, wala lang talaga akong ganang kumain ngayon. Pakiramdam ko pag kumain ako ay isusuka ko lang din ito. Humiga ako sa kama habang si mama ay patuloy lang sa paghimas sa ulo ko, nakakakalma mga haplos niya parang gumagaan pakiramdam ko, I heard her humming a song and that's when I close my eyes and went to dreamland. 

HIS secretary | kentinWo Geschichten leben. Entdecke jetzt