chapter eight

1.2K 50 11
                                    

Ken's

"Day two na, kayanin mo Ken" pagpapakalma ko ulit sa sarili ko bago pumunta sa office.

"Sir, nasaan na po ang secretary niyo?" bungad na tanong sa'kin ni Josh nang pumasok siya sa office ko.

"Ayaw niya pa din eh, konting push nalang" sagot ko.

"Sino ba 'yan Ken? Bakit parang napakahaba naman ng pasensiya mo pagdating sakaniya?"

"Secret, bawal sabihin" parang bata kong sabi.

"Para kang bata gago, eto na pipirmahan mo lang. Alis na ako" sabi niya at nilapag ang mga papeles na pipirmahan ko.

Aba loko 'to ah, minura na ako?

Pinirmahan ko na ang mga nasabing papeles at lumabas na saglit sa kompaniya para kumain sa KFC, favorite ko 'yon eh.

Nang makarating ako ay agad na ako umorder ng mga kakainin ko at nag antay sa table na napili ko.

"Here's your order sir. Enjoy eating" saad ng waitress at inabot sa'kin ang order ko.

Dito sa inuupuan ko kitang kita ang mga taong nadaan sa labas. Habang busy ako sa pagkain may babaeng bigla nalang natumba sa labas ng KFC dali dali ko itong pinuntahan at iniwanan ang pagkain ko.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" tanong ko.

Malamang hindi, nahimatay nga diba Ken? tanga ko talaga.

Bubuhatin ko na sana si manang nang may biglang  humawak sa kamay ko.

"Bitawan mo nanay ko" pamilyar boses niya.

"Justin? Bakit ko bibitawan? Dadalhin ko siya sa hospital"

"Ken, kaya ko na. Makakaalis ka na"

"No, I insist. Hindi mo kayang lakarin mula dito hanggang hospital plus pag nagtagal pa nanay mo dito ss labas baka kung ano pa ang mangyari."

Wala na siyang nagawa kaya inalalayan nalang niya ako para maipasok ang nanay niya sa kotse.

"Thank you" ani Justin nang makasakay siya sa front seat katabi ko.

"Be my secretary, para matanggap ko ang thank you mo"

"Edi wag mong tanggapin, bahala Ka diyan"

Grabe napaka tigas talaga niya. Ano bang gagawin ko para mapalambot ko 'tong Justin na 'to.

HIS secretary | kentinWhere stories live. Discover now