chapter twenty five

1.2K 47 0
                                    

"Ken, kumain ka muna may dala akong pagkain dito. Hindi matutuwa si Justin pag pinabayaan mo sarili mo" sabi ng mama ni Justin.

Simula ng dalhin ni Ken dito si Justin ay hindi pa siya kumakain pero hindi pa naman nakakaramdam ng gutom si Ken simula kanina. Puro tubig lang siya.

Nabawasan na din kahit papaano ang kaba na nararamdaman niya. Justin is safe, their baby is safe. Inaantay nalang nila na magising si Justin.

Nilapitan ni Ken ang mama ni Justin at kinuha ang inaabot na pagkain sakaniya. He let Josh take care of the company for the mean time, gusto niyang bantayan si Justin hanggang sa magising ito.

"Ken, uwi ka na muna at magpahinga ako na muna magbabantay sa anak ko." saad ng mama ni Justin matapos nilang kumain ni Ken.

"Hindi na po, Tita, aantayin ko po siyang magising. Kayo nalang po ang umuwi at magpahinga, kailangan niyo po 'yun." sagot ni Ken nang nakangiti. Ngumiti lang ang mama ni Justin, wala na siyang magagawa buo na talaga desisyon ng lalaki.

a message from Josh:

Sir, nakita ko na po ang isa sa mga nagpaputok sa bar. Ayaw sumagot nung tinanong ko kung sino nag utos at iba pang kasama, Sir, ano pong gagawin ko dito?

Dalhin mo sa basement, ako na bahala diyan. Antayin mo ako.

Roger that, sir.

----

"Ay Tita, uuwi po pala muna ako pero baka po bumalik ako dito may sasaglitin lang kasi ako. Baka po pwedeng dito muna kayo?" sabi ni Ken at napatigil naman ang mama ni Justin sa pagbukas ng pinto.

"Sige hijo, pwede namang bukas ka na bumalik. Pahinga ka muna sainyo" Justin's mother smiled. Ken nodded.

I will make them pay for what they did. Not my secretary, not Justin, and not our future baby.

HIS secretary | kentinWhere stories live. Discover now