chapter nine

1.1K 57 12
                                    

Justin's

"Kamusta po ang nanay ko Doc?" tinanong ko agad ang doctor pagkalabas na pagkalabas niya.

"May bukol po siya sa kaniyang breast at kailangan po natin itong maoperahan agad kung hindi po ay maaari niya itong ikamatay." seryosong sagot ng doctor.

Putangina, hindi pa ako ready na mawala si nanay. Mahirap.

"Doc gawin niyo po ang lahat para gumaling ang nanay ko, ako na po bahala sa babayadan"

"Sir, mahigit kumulang 500 thousand po ang gagastusin natin sa operasiyon na ito"

Gago? Saan ako kukuha nang ganoon kalaking pera?

"Sige lang Doc, gagawan ko po yan ng paraan"

"We'll start the operation tomorrow, ihanda niyo po ang kalahati sa total amount po nang babayaran"

"Ha? Doc 250,000 agad? Bukas?"

"Yes po, mauna na po ako" sabi niya at iniwan kami ni Ken.

Nag break down na ako, wala na akong nagawa. Saan ako kukuha nang ganon kalaking pera? Kulang nga ang sweldo ko sa bar eh.

Umupo ako sa upuan dito sa hospital at tumabi sa'kin si Ken, tinatapik lang niya ang likod ko. Pinapakalma ako.

Hindi ko alam pero gumagana yung ginagawa niya. Kumakalma ako.

"I can lend you money para mapa-opera si tita"

"No. Masiyadong malaki, hindi kita agad mababayaran"

"I told you to be my secretary. Pag secretary na kita you don't need to pay that"

"You really want me to be your secretary? Kahit ganito ako?"

"Yeah..."

"High school graduate lang ako. Unfair sa ibang nag apply na college graduate"

"I don't care. Ikaw ang gusto ko. Sana kung ayaw kita tinigil ko na paghahabol ko sa'yo diba?"

That's cheesy....

"I'll shoulder the hospital bill of your mother, just be my secretary. Please Justin?"

Tiningnan ko ang mata niya. He's sincere.

Should I accept his offer?

--------
A/N: malapit na po magsimula ang tunay na story🥳❤️

HIS secretary | kentinWhere stories live. Discover now