Chapter 5 - Was That Him?

1.6K 93 3
                                    

D A R W I N

x

Naging tahimik lang ang byahe namin. Sobrang layo kasi ng mga malls dito sa probinsya. Di ko alam ang gagawin. Hanggang ngayon ay di parin humuhupa ang inis ko sa lalaking kasama ko ngayon. Paano ko pakikisamahan to? Bilin pa naman ni tita Siesta na manduan sya sa mga pinamimili nya at baka magwaldas sya ng pera.

Isa ko pang problema, hindi ako makaiwas sa kanya. Kung kelan iniiwasan ko sya as what he want, saka naman mangyayare ang gantong pagkakataon...... no hindi pagkakataon, kamalasan tama! yun ang tamang term.

After 2 hours na byahe ay nakarating na kami sa bayan. At huminto kami sa parking lot sa likod ng mall. Una syang bumaba at saka ako bumaba.

He gave me a cold stare.

"Stay here, bantayan mo yung kotse, naintindihan mo?". Mautoridad nyang sabi.

"Pe-pero, utos sakin ni ng momm--". He cut me off.

"The hell i care! Ang sabi ko bantayan mo yung kotse". Mariin nyang sabi.

"Pero parking lot naman to e, di naman siguro kailangang bantayan yung kotse nyo". Pangangatwiran ko.

"Wala akong pakealam, di ka ba nakakaintindi? Simple instruction lang di mo pa magets". He answered in frustration.

At dun na ko natahimik, I don't want to argue with him, kaya susundin ko nalang gusto nya, pero....

"Pwede ba sa loob nalang ako ng kotse maghintay? Mainit kasi dito sa labas". Request ko.

"No". Tipid nyang sagot sabay umalis.

WHAT?!!

sumusobra na tong lalaking to ah. Wala ba syang awa? Ang init init dito jusko san ako pupwesto?

Dali dali akong tumapat sa anino ng kotse para hindi mainitan. Hanggang kailan kaya ako maghihintay dito? Baka matagalan yung lalaking yun.

At isa pa, sobrang tahimik dito, ang creepy parang ako lang ang tao dito. Maya-maya pa ay nabalot ng ulap ang kalangitan kaya naibsan ang init. Naku sana naman kumulimlim lang para naman hindi masyadong mainit. Sabi ko sa sarili.

"Hi, ikaw lang ba dito?"

Nagulat ako nang bigla nalang may nagsalita. Jusko naman akala ko kung ano na. Kaya nilingon ko sya. Isa syang lalaki na sa tingin ko ay mas matanda sakin ng limang taon. He look matured at desente.

"Siguro?". Tipid kong sagot.

"Anong ginagawa mo dito? Bat mag-isa kalang?". Nakangiti nyang tanong.

"Ah hinihintay ko lang yung kasama ko, nasa loob sya ng mall". Sagot ko. Di ko alam pero naiilang akong kausapin sya, yes he look decent, pero there's something on me na nagsasabing hindi sya mapagkakatiwalaan.

Do i sound judgement?

I don't think so.

But you are judging him.

Maybe?

Okay fine, a bit.

Gosh, ginugulo ako ng isip ko.

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now