Chapter 29 - He Saved Me (tita Siesta's disappointment)

1.1K 73 0
                                    

D A R W I N

x

Nandito parin kami sa Heaven's Park. At bumalik nanaman ang pagiging makulit ng lalaking kasama ko. Bigla tuloy akong nagsising nakipagbati agad ako sa kanya. Sana pala pinahirapan ko muna.

Nililibot nya ko sa buong park at pinilit akong magswing, mag slide at kung anu-ano pang makita nyang pwedeng i-try. Jusko lahat ng yun pambata!

Nahihiya nalang ako sa mga batang pinaalis nya sa playground para sya yung maglaro. Hays! Ako ang nahihiya sa mga pinaggagagawa ng lalaking to!

Afterwards, siguro nang makaramdam na sya ng pagod ay bumalik na kami sa bench na inupuan namin kanina.

Then he told me to stay for a while dahil bibili lang daw sya ng pagkain at maiinom namin. Ayun! Nagutom tuloy!

So i stayed. Hihintayin ko syang bumalik dito dahil nakakaramdam narin ako ng gutom. Nagfocus muna ko sa magandang view sa paligid. Sobrang ganda talaga ng lugar na to. Kahit na nakapag absent ako, masasabi kong worth it naman yun dahil narelax ako kahit papano, bonus pang nagkabati na ulit kami ni Andrei. Napapailing nalang ako saming dalawa dahil lagi nalang kaming away-bati.

Napalingon ako sa likod when someone touched my shoulder. I thought it was Andrei pero hindi. Hindi ko sya kilala at nakatingin sya sakin na nakangisi. And it made me shivered dahil natatakot ako sa ngiti nya. Basta parang may balak!

"Hey cute! Are you alone, can i join you". He said then agad na nakiupo sa tabi ko. Amoy sigarilyo at alak sya.

"Uhm..... I'm sorry I don't talk to strangers, at may kasama ako, actually baka pabalik na yun dito". I answered uncomfortably. Medyo nakaramdam ako ng pagkabahala dahil wala akong makitang tao dito dahil medyo malayo kami sa pinakacenter ng park.

"Oh really? Baka naman iniiwasan mo lang ako. Masyado ka namang suplado at pa hard to get". Sabi nya at marahas akong pinalapit sa kanya. Sobrang lapit na nya sa mukha ko kaya agad akong pumalag at bigla ko syang nasampal.

Tatayo na sana ako nang bigla nya akong hilain papalapit sa kanya at agad nya akong sinakal.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat, yung napagbubuhatan ako ng kamay! You are the only person who did this to me. So you deserve to pay for this!". Galit nyang sabi at napatingin sya sa leeg ko. "you got a kiss mark huh? By who? Can i give you another one?". Dugtong nya.

Hindi ako makasagot dahil nahihirapan akong huminga gawa ng pagkakasakal nya sakin. Naramdaman ko nalang ang luhang kumawala sa aking mga mata dahil sa takot ko sa kanya.

"You're crying, and your tears are so clear, i wonder what it taste like? Hmm salty? Bitter? Or sweet?". Sabi nyang nakangisi.

Napapikit nalang ako hoping na someone would help me to escape with this pervert!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang pagluwag ng aking paghinga. At nakita ko nalang ang manyak na lalaking yun na bumagsak sa lupa. Then i saw Andrei looking angry. He saved me.

"Don't touch him ever again! Naiintindihan mo ba ko?!". Seryosong banggit nya sa lalaking manyak.

Agad namang tumayo ang lalaking yun at pinahid ang kanyang dugo sa  labi nya. Now he look angry too.

Nagulat ako sa mabilis nyang pagkilos papalapit kay Andrei at agad na nagpaulan ng mga suntok.

Nataranta ako, hindi ko alam ang gagawin. Naaawa ako sa kalagayan ni Andrei dahil dehadong dehado sya. Hindi rin ako makahingi ng tulong dahil walang tao sa paligid.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon