Chapter 39 - Clash

999 66 6
                                    

D A R W I N

x


I woke up with a smiling face. The reason is because lola is finally here. Di ko na din iisipin kung kamusta na sya araw-araw dahil nandito na sya.

Well--- kaya nga lang eto nanaman syang ginagawa akong parang bata. Sya nanaman ang nag-aayos ng uniform ko, nagsusuklay sakin at kung anu-ano pang ka sweetan ng lola ko, I'm not complaining though. I'm happy actually, pero huhu I'm turning 19 na kaya pero parang 8 years old palang ako kung asikasuhin ni lola.

"Ayan apo, pogi kana ulit".

"Lola, araw-araw kaya kong pogi". Nakangiti kong balik sa kanya.

"Na pogi rin ang gusto?". She raised her eyebrows then ngumiti ng makahulugan.

"Naku lola, ang aga-aga nang-aasar kayo". Pakunwaring pagtatampo ko

"Pwede po ba kong makisali sa kulitan nyo?". Bigla kaming mapatingin sa may pinto ng magsalita si Andrei.

"Oh andyan ka pala Andrei..... pwede naman, kaso.... Malalate na kayo sa klase kaya mamaya nalang ulit. Sa ngayon, pumasok muna kayo sa skwela". Sagot ni lola.

"Sige po lola Esper, ihahatid ko nalang po si Darwin sa school baka po malate na din kami". Saka lumapit sakin at kinuha yung bag ko. " Ako na magdadala neto para Darwin". Dugtong nya, pero binawi ko agad sa kanya yung bag ko. Ano akala nya lumpo ako?

"Don't bother, kaya ko". I said.

"Darwin, wag ka ngang ganyan magsalita apo". Pagsingit ni lola.

"Oo nga po lola tinutulungan ko lang naman po si Darwin e". At ayun nanaman ang panguso ng pagkaAndrei!

"Hay naku lola wag po kayo papauto dyan kay Andrei, e nagpapaawa lang po yan e".

"Haayy nakong mga batang to, itigil nyo na yan, bumyahe na kayo at baka malate pa kayo sa klase nyo". Pagpigil ni lola. So we did. Nagpaalam na agad kami kay lola.

x


Our class went okay. Mahirap pero kaya naman. Nandito kami sa bench nakaupo dahil vacant kami ngayon, katabi ko yung tatlo kong kaibigan na sina Romel, Vincent at Vhince. And guess what's the issue? Na friend zone si Vincent kay Gerard. Ayun broken. Habang sila Romel at Vhince naman ay todo comfort lang kay Vincent.

"Hay sabi ko naman sayo noon pa na wag mo papatulan ang Gerard na yun, e tropa yun ng demonyong Russel at Aerian e baka nga pinagtripan kalang nun e, kumagat ka naman agad!". Sermon ni Romel pero mababakasan mo ng lungkot.

"Tama na muna sermon mo Romel, di naman alam ni Vincent na mangyayare to. Let's understand him nalang". Saway ni Vhince.

"E kasi naman, hindi naman ako tututol kung papasok si Vincent sa romantic relationship pero huwag lang sa isa sa tatlong mga bullies na yun. Makinig ka din naman kasi samin minsan Vincent, hindi na puro puso lang pinaiiral mo". Segunda pa ni Romel.

In fairness naman kay Romel, sobrang concern talaga. Nakakaamoy talaga akong may gusto sya kay Vincent.

"Oo na, makikinig na ako sa mga payo nyo next time. Sorry if di ko pinakinggan mga warnings mo Romel". Sa wakas ay nagsalita narin si Vincent.

"Dapat lang, ano pa silbi ng friendship natin kung di mo kami icoconsider noh!". Si Romel.

"Hayaan nyo, kakarmahin din yang Gerard na yun". Dagdag ni Vhince.

Then i heard my phone ringing. Tumatawag si Andrei. So i answered.

"Oh bakit?".

"Punta ka dito, may practice kami sa basketball, manood ka". Sabi nya sa kabilang linya.

"Tinatamad ako manood".

"Wag mo kong hintayin na nagpunta dyan para dalhin ka dito dahil hindi ako magdadalawang isip".

Bwisit talaga na lalaking to ano gusto nya? Sya nalang lagi masusunod?

"Oo na oo na papunta na!". I said in frustration saka binaba yung cellphone ko. By the way bago lang tong cellphone ko binilhan ako ni tita.

"Oh san ka naman pupunta?". Si Romel ng mapansin akong papatayo.

"Sa court, manonood ng basketball". I plainly answered.

"Sama kami!!!". Masigla nyang tugon then o nodded.

x

So ayun nanood kaming apat sa practice nila Andrei. As usual nagpapakita sya ng galing sa paglalaro same as Xylver.

Napansin ko din sa kabilang dako si Kelly na nanonood at may mga kasama din sya, I'm assuming na mga kaibigan nya yun.

She saw me staring at her at tiningnan nya din ako. Isang masamang tingin. I eventually got intimidated by the way she look so i switched my gaze to other direction.

Habang tumatagal ay nakakaramdam na ko ng bagot sa panonood. Hindi ko naman magawang umalis kasi nageenjoy naman sa panonood sila Romel, Vincent at Vhince. At isa pa baka may maisip nanamang parusa ang pagkaAndrei pag di ko tinapos ang panonood ko sa practice nila. So i stayed.

Ang kaso, ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagkaihi so naisipan ko munang nagpaalam sa tatlong kong kasama na magpupunta muna ko sa cr. Di ko na sila inabala pang samahan ako kasi kaya ko naman. So nagpunta ko dun ng mag-isa.

Matapos kong umihi at nang makalabas na ng men's cr, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sakin. Mukhang ayaw kong makita. Si Kelly.

"So, hindi ka parin talaga nadala sa mga sinabi ko sayo nung nakaraan ah? Ang tigas ng loob at ang kapal ng mukha!". Bungad nya sakin.

"Please lang Kelly, ayaw ko nag gulo, so please excuse me babalik na ko dun". I said.

"Not so fast Darwin...." Pinigilan nya ko, maya-maya pa ay napansing kong sumisensyas sya base sa kanyang hand gestures. So napatingin ako sa likod, pero huli na ng makailag ako dahil binuhusan nila ko ng maruming tubig. "You deserve it Darwin, ganyan ang napapala ng mga taong nakakabangga ko, may mas malala pa dyan so kung ayaw mong maranasan pa yun, layuan mo si Andrei!". Mariin nyang pagkakasabi.

Then narinig ko ang mga tawanan ng mga kaibigan nyang may kagagawan kung bat ako nabasa. At hindi ako papayag na ganto ang maging trato nila sakin. Oo pinipigilan ko silang labanan pero sumusobra na sila. Wala kong ginagawa sa kanilang masama sa kanila at di ko hahayaang magpatuloy pa ang gantong pagtrato nila sakin at sa kung sino pang taong pagtitripan nila.

"Naaawa ako sayo Kelly, kasi ako I'm not doing efforts just to get Andrei's attention, pero ikaw, ginawa mo na lahat pero wala parin. You know what? I remember what he said, na to him, you're just nothing. So kung sino man ang dapat lumayo kay Andrei hindi ako yun, ikaw yun". Matapang kong sagot. At alam kong umepekto yun base sa pagbabago ng expresyon nya.

"Nauna ako Darwin! At sino ka ba? Bakla kalang naman! walang mapapakinabangan sayo si Andrei! Wala kang matres! Wag kang mag ilusyon".

"Ikaw ang wag mag ilusyon Kelly, hindi kana nga gusto ng tao hinahabol mo parin. Nagmumukha kang desperada! At ano naman kung wala kong matres? Masusukat ba dun ang pagmamahal nya? Nauna ka nga, pero ikaw parin ba?". I rigidly said at saka ko sya tinalikuran. I left her dumbfounded. Hindi nya siguro ini-expect na sasabihin ko yun.

But i suddenly felt someone grabbed my hand at agad akong nakatanggap ng malakas na sampal galing kay Kelly.

"Ano! Sana naman nagising kana sa katotohanan BAKLA!!!" sigaw nya matapos nya kong sampalin.

"Eto na ang huling beses na sasaktan mo si Darwin, kelly". Pareho kaming napalingon sa taong nagsalita, si Andrei. "Eto narin ang huling beses na iinsultuhin mo ang pagkatao nya". He sound frustrated.

good boy

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now