Chapter 28 - Favorite Place

1.2K 72 1
                                    

D A R W I N

x

"Buti nalang may kwelyo tong uniform, at least hindi makikita tong kiss mark na to". Sabi ko sa harap ng salamin.

Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Halatang halata parin kasi ang markang iniwan ng bwisit na Andrei na yun!

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng busina ng kotse nya mula sa labas. Kaya agad na akong napatayo at kumilos dahil baka mangyare ulit yung ginawa nya nung birthday ni Kelly. When he left me. 

Nagmadali na akong lumabas at nang matunton ko na ang parking area ng bahay ay nakita ko pa ang kotse nya dun, kaya i sigh in relief at pumasok na sa loob.

At nakita ko syang nakangisi na parang siraulo. grrr! umaga palang nabubwisit na ko!

"Good morning my Darwin". Bungad nya sakin.

Tiningnan ko lang sya ng masama at tumingin lang ako sa labas. Wala kong oras para makipag asaran sa kanya!

Ilang sandali pa ay pinaandar nya nya yung kotse nya. Habang bumibyahe kami ay napapansin kong ibang daan ang dinaanan nya.

"Teka, anong daanan to? Hindi to ang daan papuntang University Andrei! San tayo pupunta?!". Tanong ko sa kanya pero nang tingnan ko sya ay nakarelax lang sya. Bwisit talaga!

"Sa lugar kung saan makakapag-usap tayo nang hindi mo ko matatakasan". Sagot nya.

"Anong ibig mong sabihing mag-uusap? So hindi mo ko dadalhin sa school? Nagiisip kaba Andrei? May PowerPoint presentation kami ni Xylver ngayon!". Pilit kong pinakakalma ang boses ko pero hindi ko magawa dahil naiinis na talaga ako sa lalaking to.

"Magrelax ka nga, hindi aattend si Ms. Corpuz sa Klase, palibhasa hindi mo tinitingnan messenger mo kaya hindi ka updated e". He answered.

"Wala akong pakealam! Ihatid mo ko sa school, wag mo kong isama sa mga gimik mo! Nandito ako para mag-aral!". Sigaw ko sa kanya. Pero hindi nya ko sinagot at nakafocus lang sya sa kanyang pagmamaneho. Punong-puno na talaga ko sa lalaking to grrrr!!!

Pano na to ngayon? First time kong aabsent sa klase huhu.

Ilang sandali pa ay itinigil na nya ang sasakyan.

"Lumabas kana dyan my Darwin". Sabi nya nang makalabas sya sa kotse. So i did.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang malawak na damuhan sa paligid at ang pinakadulo nun ay ang karagatan. Sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin. Dahil sa nakita ko ay unti-unti akong kumalma. Ang ganda ng lugar na to. Sandali pa, ay umupo sya sa isang covered bench.

"Halika dito my Darwin tabihan mo kong umupo dito". Sabi nya.

"Ayoko! Gusto ko nang bumalik!". Sagot ko.

"Do you like this place?". Tanong nya sakin. Pero di ko sya sinagot, sinungitan ko lang sya. "This is Heaven's Park. Kung dinala ka ni Xylver sa soccer field, ako naman dinala kita dito sa  favorite place ng daddy ko when he's still alive". Dugtong nga.

Nakita ko ang paglungkot ng mukha nya nang sabihin nya yun.

"Dinala kita dito para kumalma ka, na matanggal yang inis mo sakin Darwin. I remember when i was young na kapag stress si dad sa work nya, ay madalas kaming magpunta dito with mom. Nakakatanggal daw kasi dito ng stress. I didn't believe him then. But here i am trying if it works on you". Sabi nya ulit in his serious voice.

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now