Chapter 33 - Punishment

1.2K 75 12
                                    

D A R W I N

x

Ewan ko ba pero kinabahan ako nang dumating si Andrei. Bukod kasi sa seryoso nyang tingin ay baka nalaman nyang si Xylver ang naghatid sakin pauwi.

Naa-awkward ako sa sitwasyon dahil tahimik lang kami dito sa kusina. What to do?

"Bakit ka sumama kay Xylver? May kotse naman ako ah bat sa kanya ka sumabay?". Pagbasag nya sa katahimikan namin.

Naku lagot ano sasabihin ko?

Aba! Teka lang din ah! Ano naman sa kanya kung kay Xylver ako sumabay? E busy naman sya kay Kelly. Tsk!

"Alangan namang maghintay pa ko sayo e busy ka kay Kelly diba?". Matapang kong sagot sa kanya. Anong akala nya basta nalang ako titikom pag galit sya? Neknek nya!

Pero bigla din nagbago ang expression nya. I heard him chuckled and he cleared his throat.

"So you're jealous?". Sabi nyang may pang-aasar.

What? Ako? Nagseselos?!

"Bakit ikaw din naman ah!". Sagot ko.

"So you really are jealous". Natatawa nyang sabi. Kaya agad akong napatakip ng bibig dahil narealize ko ang sinabi ko.

"Hindi ako nagseselos!". Mariin kong pagbawi.

"Okay okay i believe you". Sagot naman nya pero di parin maalis sa ang kanyang mapang-asar na ngiti. "Pero hindi ko palalagpasin ang ginawa mo my Darwin, dahil dyan may punishment ka". Dugtong nya.

"Wow ah! Ano ka hari?! Neknek mo!". Agad na kong pumalag. Para dun lang punishment na agad?

Suddenly napansin ko nalang ang kanyang kamay na nakahawak sa aking tadyang at hinila nya yun papalapit sa kanya.

Ngayon sobrang lapit na ng kanyang mukha sa mukha ko kaya napapikit nalang ako. Maya-maya pa ay nakaramdam nalang ako ng paghinga malapit sa tenga ko.

"Bakit? Matapang kana ngayon?". Bulong nyang namamaos. Kaya agad ko syang inilayo dahil nakaramdam ako ng pag-iinit sa aking pisngi.

"Ikaw!! Nakakarami kana ah!". I tried to sound angry pero hindi yun tumalab sa kanya.

"Kulang pa nga e". Agad nyang sagot. "Madali lang naman punishment mo, lilinisin mo lang yung kwarto ko yun lang!". Dugtong nya.

"Wow! Ang kapal! Edi linisin mo mag-isa? Ang laki-laki mo na di ka parin marunong maglinis ng sarili mong kwarto". Usal ko.

Then mabilis syang lumapit sakin at nicorner nya ko sa may ref. Kaya agad na kong nagpanic! I can't with this man!

Kahit labag man sa loob ko.... " Oo na oo na! Gagawin ko na!! Lumayo ka nga!". Napaoo nalang ako. Bwisit na lalaking to!

"Gusto mo talagang ginaganto ka bago ka sumunod sa utos ko noh? Now, follow me". Sabi nya at saka lumakad na, pangiti-ngiti pa ang loko. Wala nalang akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

x

Nang makapasok ako sa kwarto nya i didn't know if it was his room or a warehouse. Ang gulo gulo, the pillows are scattered, the sheets are everywhere, the cabinet doors are open, the trash bin was loaded! This is a messy room!

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now