Chapter 41 - Darwin in Danger

1.6K 94 145
                                    

D A R W I N

x

Maaga akong umalis ng bahay para makipag-kita kay Kelly. She texted me na kailangan andun na ko sa address na sinend nya at 7:30am, nagtataka pa nga ko bat ang aga pero hindi ko nalang inisip masyado iyon.

Sakay ng taxi, nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na sasakyan nang lumingon ako sa likod though malabong tingnan dahil medyo basa ang back window ng taxi at baka rin namamalik mata lang ako dahil bigla iyon nawala sa paningin ko.

"Manong paki-bilisan nalang po yung pagpapatakbo nyo". Sabi ko sa taxi driver.

I'm really looking forward sa pag-uusapan namin ni Kelly. Sana ay magkaayos na kami para wala nang gulo at maging tahimik na ang mga araw ko sa school para puro pag-aaral nalang ang atupagin ko.

Ang hirap kasi nung gusto mong magfocus sa pag-aaral pero may iniisip kang iba. Nakakadestruct lang.

Though, may pagtataka din ako kung bakit bigla nalang naging mabait si Kelly. I wonder what has gotten to her mind for a sudden change. Maybe she realized na mali yung mga ginawa nya, might as well dahil sirang-sira na sya kay Andrei, that's why she's making efforts to regain her image like she was before.

Whatever her reasons are, that's good for her. Pero meron parin talaga sakin na dapat parin akong mag-ingat, dahil sobrang bilis lang ng pangyayare. Kelan lang sobrang galit nya sakin the way she look at me was terrible, tapos ngayon nagpapakumbaba na sya. I don't want to think otherwise, but i still have to be careful.

Tumigil na ang taxi, i'm assuming na nandito na kami sa ibinigay na adress ni Kelly. Pagkalabas ko ng taxi ay natanaw ko ang isang malawak at patag na damuhan. Mula dito ay wala kang matatanaw na kabahayan. This place looks abandoned and quiet. You would only hear some birds chirping and feel the cold wind blowing.

"Eto ba talaga ang eksaktong address?". Pagtataka ko.

Ilang sandali pa ay nagring ang phone ko. Dali dali kong binunot yun sa bulsa ko. And it was Kelly so i answered it.

"Hello Darwin, I'm here na asan kana?". Bungad nya sakin na ikinataka ko. Di ko naman sya natatanaw dito e.

"I'm sorry Kelly pero hindi kita makita dito e, saang parte kaba naroroon?".

"Andito lang ako sa loob ng restaurant". Sagot nya.

"Restaurant? Wala naman akong makitang restaurant dito e, puro malawak na damuhan lang nakikita ko dito".

"What? Anong sinasabi mo? Asan ka ba?".

"Sitio Valencia".

"Right sitio Valencia restaurant nga..... Pero bat sabi mo malawak na damuhan lang nakikita mo? Oohh!!! Don't tell me ibang address ang pinuntahan mo? Are you literally at Sitio Valencia?".

Dun na ko napahampas sa noo ko. Hayyss mukang mali nga ko nang napuntahang address.

"Mali ata napuntahan kong address Kelly"

"Umhh don't worry I'll pick you up there, alam ko yang place na yan dahil dinadaanan namin ng mga friends ko dyan pag nagroroad trip kami, though medyo liblib ang lugar na yan
Mag-ingat kalang dyan dahil medyo delikado dyan lalo na't mag-isa kalang, hintayin mo ko dyan papunta na ko. I'm sorry i should have sent you an exact address. I thought familiar kana sa sitio Valencia restaurant". She explained and i can feel her guilt and sincerity.

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now