Chapter 8 - He's a Nice Guy

1.5K 88 1
                                    

D A R W I N

x

Time flies so fast. Here i am now, preparing my things for school. This is my first day in college. How i feel? Uhm..... excited but nervous at the same time.

Excited because finally college na ko, at kinuha ko yung kursong gustong gusto ko. Nervous because it's a new environment for me and wala akong kilala dun except kay Andrei. But i know na ayaw nya akong kasama kaya i expect na lagi lang akong mag-isa nyan.

Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin para magpapogi. Suklay dito pabago doon. Then suddenly i remember lola, sya kasi yung gumagawa nyan sakin e. Kahit malaki na ko, gustong gusto nya paring sinusuklayan ako at inaayosan ng uniporme. Grabe talaga mag-alaga si lola. Haaaayy i miss you lola bulong ko sa sarili.

Nagulat pa ko nang biglang may kumatok sa kwarto. Yung kasambahay, tinatawag na ko para bumama. Then tiningnan ko yung oras. Kaya napatayo na ako agad. 7:00am na baka malate kami.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at bumama, pagdating ko sa pinto andun na si Andrei na nakahawak ang dalawang kamay sa kanyang bewang looking at me as if i did a crime.

So what is that stare?

"Sana aware ka na first day to ng klase and you need to be early, ang tagal mong mag-ayos sa kwarto mo para kang babae". Si Andrei na parang inis na.

"Pasensya na". Nahihiya kong sagot.

"Whatever, manong tara na". Sabi pa nya sa driver. Agad na akong pumasok sa kotse.

Haaaayyy Darwin! This is it! Good luck self!

After almost 30mins na biyahe ay nakarating na kami sa University.

This is my first time na makita ng personal ang University na to because i never got here to enroll dahil niprocess na agad yung mga requirements namin ni Andrei through their connection dito sa University.

Everyone has their own way and businesses. Ibang-iba sa probinsya, dahil doon, dadating ka palang pagtitinginan kana, it's either tingin ng pangmamaliit or tingin ng appreciation, unlike dito parang hindi ka talaga nila pakikialaman.

Well almost.....

Dahil nabigla nalang ako ng makarinig ako ng tilian malapit samin at nung lumingon ako, si Andrei pala ang dahilan ng tilian na yun.

Ganun ba sya kasikat? First day palang kilala na?

Andrei wasn't minding them, he just walks as if nothing happens. Sinundan ko lang sya dahil same lang naman kami ng department at section.

While walking, manghang-mangha talaga ako sa mga nakikita ko, nagtataasang mga building na siguro ay para sa iba't ibang courses.

Ang dami ding mga tao, iba-iba lang ang kanilang mga ginagawa. Parang kahit sumayaw pa ko dito sa gitna hindi ata ako mapapansin. Which is good for me , i assume na walang mangengealam or mambubully sakin dito.

Ilang sandali pa nakarating na kami sa department namin. Huminga akong malalim para ihanda sarili ko. First day of college...... I'm ready!

Nasa likod lang ako ni Andrei na parang gwardyang sunod nang sunod. Well what can i do? I'm not familiar here!

Suddenly huminto sya sa isang room, feeling ko yun na yung room namin dahil binuksan nya yung pinto.

Dun nalang ako pinanghinaan ng loob nang makita kong marami nang tao ang nasa loob at may prof naring andun. Owww nakakahiya!

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon