Chapter 35 - Hurt

1.1K 65 0
                                    

D A R W I N

x

Sa dami nang mga activities na kailangang gawin at habulin ay nagdudulot na ito ng pressure sakin. I didn't expect that college will be more challenging.

Kakatapos ko lang gawin ang isang activity ko sa major subject. At drain na utak ko kaka-aral. So i decided to go out alone at maglibot muna sa campus para marelax.

Gusto kong mapag-isa malayo kina Andrei at Xylver. Hanggang ngayon ayaw ko paring harapin ang dalawa especially Xylver dahil sa walang prenong bibig ni Andrei.

"Bwisit din naman kasi tong kiss mark na to ang tagal mawalaaaaaa!!!!". Bulong ko sa sarili habang naglalakad. Nagmumukha na tuloy akong baliw haayss!

So there was a wooden bench under the tree at nagtataasang buildings naman ang makikita mo sa paligid na perfect place para pagtambayan. Agad na akong lumapit dun at umupo.

Walang tao sa paligid at napakatahimik lang dito. Kaya naisipan kong buklatin ang libro ko to study. Di ko pa nabibigkas ang babasahin ko nang mag ring ang cellphone ko.

It was a text message from Andrei.

---

From: Master

Nasaan ka ngayon?!

---

"Pake mo ba? Gusto kong mapag-isa ngayon". Bulalas ko sa cellphone ko.

---

From: Master

Nasaan ka ngayon?!


Sa lugar na malayo sayo!

---

Then wala pang isang minuto ay nagnagreply na sya. Haaayss!!! This man! Istorbo talaga to sa pag-aaral ko.

---

From: Master

Nasaan ka ngayon?!

Sa lugar na malayo sayo!

Tinatanong kita ng maayos Kaya sagutin mo din ng maayos.
(Wow ah serious yarn?)

Pwede ba Andrei, for once gusto ko muna mapag-isa ngayon, don't worry andito lang naman ako sa loob ng campus.

---

To finally end our conversation, minabuti ko nalang ibulsa ang phone ko. Di ko nalang muna papansinin yung mga text messages nya. Bahala sya sa buhay nya!

Jusko ang dami ko na ngang problema dadagdag pa sya?

"So this boy is alone"

I suddenly switched my gaze sa babaeng nagsalita sa likod ko. And she's Kelly.

"Ah oo, nagbabasa lang". sagot ko.

"Ang swerte swerte mo talaga Darwin noh? Ano bang meron sayo?". Hindi ko maintindihan ang sinabi nya pero tila may laman ang mga yun.

"Anong ibig mong sabihin Kelly?".

"Tsk!". She rolled her eyes. "Kasi yung taong hindi naman para sayo, ay napupunta sayo, ano bang ginawa mo? Ginayuma mo ba?". Dugtong pa nya.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon