Chapter 25 - Fierce

1.1K 82 0
                                    

D A R W I N

x

Kinakabahan akong umuwi dahil iniisip ko parin ang paguusap namin ni Master kanina sa cellphone.

Nagiisip din ako kung anong sasabihin ko incase kausapin nya ako. Pero sa tono ng pananalita nya kanina, mukhang di nya ko kakausapin.

The door was open habang ako naman ay maingat na naglalakad papasok ng bahay. Nagmumukha tuloy akong magnanakaw sa lagay ko.

Luckily, ay wala akong nakitang tao sa sala, Kaya umakyat na ko sa taas. Kinakabahan parin ako dahil ang tahimik ng bahay baka bigla nanaman kasi manggulat si Master.

Buti nalang at hindi naman nangyare yun. Baka siguro ay tulog na sya sa kwarto nya. Gayun panam maingat ko paring binuksan ang pinto ng kwarto ko, ewan ko ba, trip ko lang talaga mag ingat late na din kasi ako nakauwi, baka malaman pa ni tita at isiping nagbubulakbol ako.

Nang masara ko na ang pinto ng kwarto ko ay dun na ko huminga ng maluwag.

Pero bigla kong napatalon sa gulat nang bigla nalang may nagsalita sa loob.

"Alam mo bang para akong tangang hanap nang hanap sayo kanina? I even report to the police dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Tapos malalaman kong sumama ka lang pala kay Xylver without telling me?". Sabi nya at alam kong galit sya base sa tono ng pananalita nya. Matalim din ang tinging pinupukol nya sakin. Which made me feel uncomfortable.

"Master, magpapaliwanag ako ganto kas---". Hindi nya ko pinatapos.

"Wag kana magpaliwanag Darwin. I am so disappointed! Pinagmukha mo kong tanga dun!". Mariin nyang pagkakasabi at saka na lumakad paalis.

Pero pinigilan ko sya, kailangan nya paring malaman ang totoong nangyare.

"Master, ipapaalam ko naman talaga sayo e kaso na lowbat yung phone ko. And it was emergency, may bata kasing tumawid sa kalsada at may sasakyang maaaring makasagasa sa kanya kaya tumakbo ako papalapit sa kanya, para iligtas sya, pero nakita ko si Xylver na nauna na dun and thankfully nailigtas nya yung bata. Pinuntahan ko sila para tulungan". Paliwanag ko.

Hindi sya sumagot, parang wala syang naririnig. Maya-maya pa ay tuluyan na syang lumabas.

Napahampas nalang ako sa noo ko. Haayss!

x

Kinabukasan ay naging cold na ang pakikitungo sakin ni Master. Pag nagkakaharap kami ay hindi nya ko pinapansin, he acted na parang hindi nya ako nakikita. Ang sakit lang.

Pakiramdam ko, parang bumalik nanaman kami sa dati.

Sumapit na nga ang hapon at naghanda na ko para umattend na kami sa birthday ni Kelly. Hindi ko din alam ang gagawin ko kay Master, alam kong galit parin sya sakin. Wag nalang kaya ako umattend? Dahil paniguradong awkward nanaman kami neto.

Then suddenly, mula dito sa loob ng kwarto ay narinig kong bigla ang busina ng kotse ni Master. Kaya dali-dali na akong kumilos para bumaba na baka hinihintay na nya ako at kung ano pa sabihin nun sakin.

Pero agad akong nanlumo nang wala na akong madatnang sasakyan sa labas. Iniwan nya ko. Umalis syang hindi ako kasama. Dala-dala ko din ang ireregalo ko sana kay Kelly at mukhang hindi ko na ito mabibigay sa kanya.

"Pinilit mo pa ko kahit ayaw ko. Hindi mo naman pala ako isasama. Nagbihis pa ako". Sabi ko sa sarili at unti-unti ko nalang naramdaman ang pagpatak ng luha ko.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon