chapter 1- "The man in black hood"

165 4 3
                                    

Isang pangkaraniwang umaga sa bayan ng Moor, isang bayan na halos di na sumisikat ang araw at halos araw araw na lang umuulan. Nasanay na ang mga tao sa ganitong panahon. Hanggang sa......

Takbo!!!!!ani ng isang tumatakbong lalaki. Bilis takbo kayo may mga halimaw!!!

Nagkagulo ang mga tao sa pamilihan, bata at matanda ay halos magkandarapa sa sobrang takot. Isang napakalaking halimaw ang umaatake, kasing tangkad ito ng tatlong tao, may pangil na parang sa baboy damo, kasing laki ng kalabaw ang katawan at may matalas at napakahabang buntot. Walang sinuman ang makakaligtas dahil malakas pa ito sa dalawang kalabaw. Nag ipun-ipon ang mga kalalakihan at kumuha ng sibat subalit parang wala lang na hinagupit ng buntot nito ang mga kalalakihan at pinutol ang mga katawan nito. Sindak na sindak ang mga nakasaksi nito at nawalan na ng loob para lumaban kaya nagsipagtakbuhan na lang. Sa gitna ng pag-atake, napahiwalay ang isang bata sa kanyang ina at naiwan ang bata sa kariton. Nadala ng agos ng mga nagtatakbuhang tao ang ina ng bata. Unti unting lumapit ang halimaw sa bata at akmang papatayin ito, wala nang magawa ang ina dahil hindi siya makapunta sa kanyang anak kaya nanghihilakbot na sumigaw na lang ito at umiyak.
"Tulungan niyo ang anak ko!!!! Maawa kayo huhuhuhu!!! "

Nagtalsikan ang dugo..... ang dugo ng halimaw pero sino ang may gawa?

A man in black hood ang may gawa. Matangkad ito , punong puno ng dugo ang hawak nitong espada, napakabilis nitong kumilos, animo isang kidlat. Bumagsak ang halimaw sa harap nito. Dali daling kinuha ang bata at ibinigay sa ina nito. Halos hindi makakilos ang mga tao sa pagkamangha, hindi sila makapaniwala na isang tao lang ang magpapabagsak sa napakalaking halimaw.

"Argus!!! "Sigaw ng isang lalaki sa lalaking nakahood habang papalapit.

Hinubad ni Argus ang kanyang hood at dito natambad sa mga tao ang kanyang itsura. A man with fierce look, prominent lips with smokey green eyes na matalim tumingin. May lakas si Argus na higit sa pangkaraniwang tao. Kaya niyang bumuhat ng pinakamabigat at makipaglaban sa leon gamit lang ang kanyang kamay. Higit pa dito ay mayroon siyang di pangkaraniwang bilis na halos hindi makita ng pangkaraniwang mata. Bihasa siya sa paggamit ng sandata mapa-pana man ito oh espada. Matalas ang kanyang pakiramdam.

"Argus... buti at dumating ka, saad ni Creto. Gusto kang makausap ng Panginoon ng lupain.."

Ang lupain ng Moor ang pinakabasang parte sa mundo na nasa alpha centauri solar system (nearest solar system from earth) Isang mahiwagang mundo na ang gitna ay tinitirhan ng mga tao pero ang apat na sulok ay tinitirhan ng ibat ibang klase ng halimaw, mga orc (halimaw na may mga isip), mga moorwen (halimaw na walang isip) at mga shapeshifter. May isang mahiwagang barrier na humaharang sa mga halimaw para makarating sa kaharian ng mga tao. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nabutas ang harang at doon nag-umpisa ang kalbaryo ng mga tao...

"Sunod sunod ang nagiging pagsalakay ng mga halimaw nitong mga nakaraang araw at hindi na ito nakakatuwa.." saad ni Lord Creus kay Argus habang palakad lakad ito malapit sa trono. Si Lord Creus ang Panginoon ng lupain ng Moor.

"Pumunta ako para kunin ang bayad ko para sa serbisyo Lord Creus", (aniya)

"Argus!, Argus! Kung sasama ka sa aking hukbo magiging higit ka pa kesa sa isa lang bayarang pusakal ng mga halimaw", (sabi ni Creus)

"Ang Moor ang hangganan ng lupain ng mga tao at siyang pinakamalapit sa butas ng harang" saad ni Argus.

"Anong ibig mong sabihin mersenaryo?" Tanong ni Lord Creus.

"Ang ibig ko lang sabihin my Lord," sarkastikong pahayag niya,

"Nanganganib hindi lang ang lupain na ito kundi pati na ang lahat ng lupain" , saad niya.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now