Chapter 26- "Solitude"

17 1 0
                                    

"Hindi kita pipilitin sa ngayon Argus pero ito, baka makatulong sa pagdedesisyon mo......." Pagkawika nito ay inabot ni Calixto sa kanya ang panyo na bigay ni Altair.

Ilang sandali na rin ang lumipas nang makaalis si Calixto at heto si Argus sa harap ng salamin tinititigan ang kanyang satili. Tama si Calixto na hindi na siya ang dating Argus. Ang nakikita niya ngayon sa salamin ay isang lalaking miserable at marungis. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang panyo ni Altair at tinitigan ito at isang ala-ala na naman ang sumagi sa kanyang isipan...

"Kung talagang mahalaga sa iyo ang ibang tao ay pahalagahan mo din sana ang iyong sarili.....dahil kung mananatili kang ligtas ay makapagliligtas ka din ng iba...",

naalala niyang sabi sa kanya ni Altair noong buhay pa ito.

At napagtanto niyang tama si Calixto sa mga tinuran nito. Ang gusto ni Altair ay ingatan niya ang kanyang sarili.

"Patawarin mo ako kung hindi ako sumunod agad sa mga habilin mo Altair. Huwag kang mag-alala simula ngayon pipilitin kong mabuhay para sayo at para sa mga kaibigan ko.......", sabi ni Argus habang nakatingin sa panyo.

Samantala, sa labas ng gubat ng Bangungot ay makikita ang tatlong mahiwagang mga nilalang na nakatingin dito. Isa sa kanila ay ang makapangyarihang babae na tumulong kay Leo.

"Isa na namang pakana ni Maelor. Tayo na mga kapatid at wasakin ang kagubatang ito..." wika ng nag-iisang lalaki sa tatlo.

Pagkasabi nito ay bumuo ito ng isang blackhole mula sa kamay nito at nilamon ng blackhole na iyon ang buong kagubatan.

Ilang buwan na rin ang lumipas nang magpasya si Leo na maglakbay mag-isa. Habang pauwi ang kanilang grupo patungo sa Moor ay tinakasan niya ang mga ito. Kung sila ay nagpasya nang bumalik na lang sa Moor ay hindi siya papayag na basta na lang bumalik doon.

"Uncle Mileto, Ate Altair, hindi ako susuko kahit ako na lang mag-isa...", turan ni Leo habang nakatingin sa bituin sa langit.

Naantala ang pagmumuni-muni ni leo nang kung saan ay may maramdaman siyang presensiya.

At hindi nga siya nagkamali, napakaraming Orc ang pumalibot sa kanya. Agad siyang nahuli ng mga ito at akmang dadalhin nang bigla ang mga itong natigilan.

Maya-maya pa ay isang malakas na hangin na may dalang buhangin ang napayad sa kanila at buhat doon, nang mahawi na ang buhangin ay lumabas ang mga kakaibang nilalang. Nakakapangilabot ang mga ito. Hindi sila lalagpas sa sampu. Parang galing sa ibang daigdig. Bakal ang suot nila na bumabalot sa buo nilang katawan. Agad nilang sinunggaban ang mga Orc. Wala silang mga espada pero may mga sekretong patalim sila sa kanilang mga katawan-Sa braso, sa panyapak. At mga asintado sila kung magpakawala ng kanilang mga patalim. Para silang mga ninja. Agad nilang napatumba ang mga Orc. Pagkatapos, ay sumenyas ang tila lider ng mga ito sa isa nitong kasama na bitbitin siya. Agad siya nitong tinalian at naglakad na kasama niya.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now