Chapter 7 - "Unexpected"

52 0 0
                                    

Naantala sa pagkakatulog si leo dahil sa isang mahinang bulong. Agad niyang sinulyapan ang mga kasamahan niya na kasalukuyang natutulog.

Kinapa niya sa kanyang tabi ang kanyang Uncle Mileto pero wala ito sa kanyang tabi at nang tignan niyang muli ang kanyang mga kasamahan ay noon lang niya napansin na wala din si Argus. Binalot siya ng matinding kaba at agad na bumangon mula sa pagkakahiga upang hanapin ang kanyang uncle.

"Nasaan ka Uncle".., usal nito sa sarili habang abut-abot ang kaba sa dibdib.

Hanggang sa wakas mula sa di-kalayuan ay natanaw niya ang kanyang Uncle na naglalakad patungo sa kung saan. Tatawagin niya sana ito pero inisip niya na sundan na lamang ito. Di nagtagal ay humantong siya sa isang kakaibang lugar sa loob ng gubat na iyon. Napakaganda sa parteng iyon. Makukulay ang mga bulaklak at halaman kaya lang parang sobrang laki ng mga ito. Pati dahon ng mga bulaklak ay talagang masasabing higante.

Namamanghang sinuyod ito ng tingin ni leo pero agad sa sumagi sa kanyang isip si Uncle Mileto. Bigla na lang kasi itong nawala. Kaya ang kaninang pagkamangha niya ay agad na napalitan ng pag-aalala.

"Uncle!!", sigaw niya.

"Uncle nasaan ka?!!", paguulit niya.

Hindi niya alam na sa likod niya ay tila nabulabog ang mga halaman doon dahil sa sigaw niya. Dahan-dahang gumalaw ang bulaklak sa likuran niya at unti-unti nitong binuka ang tila bibig nito na animo ay may matatalas na ngipin upang sakmalin siya pero bago pa man siya nito masakmal ay agad na nagkahiwa-hiwalay ito at bumagsak sa lupa.

Lumingon si Leo at tila di makapaniwalang nagwika:

"Ginoong Argus!!!"..

Nandoon na din si Calixto at ang iba pa nilang mga kasamahan.

Tila may buhay ang lahat ng mga halamang nandoon at nag-umpisa na ang mga itong umatake sa kanilang grupo. May mga lumabas ding mga ugat kung saan at kinaladkad nito sa lupa ang iba sa kanilang mga kasamahan. Animo mga ahas ito na mabilis na gumagapang upang atakihin sila.

Nahagip nito si leo at mabilis siyang pinuluputan nito sa katawan at mabilis na kinaladkad palayo.

"Tulong!!!, tulungan niyo ako!!!", sigaw ni Leo.

Mabilis itong hinabol nila Calixto at Argus. Naabutan ito ni Argus at mabilis niyang pinutol. Nabitawan nito si leo at tuluyan na nga itong nakawala buhat dito.

Pinagtataga nila ang mga umaatakeng ugat pero sa bawat pagputol nila sa mga ito ay tumutubo lang ulit ang mga parteng naputol mukhang hindi ito namamatay.

Dumami na ng sobra ang umaatakeng ugat sa kanila, bukod pa sa mga halimaw na mga higanteng bulaklak na nandoon. Malamang ito ang dahilan kaya takot ang mga alakdan sa gubat na ito dahil sa di-mabilang na panganib sa loob nito. Mukhang wala silang laban dahil nasa teritoryo sila ng mga ito. Nakaladkad na rin ng mga ugat ang iba pa sa kanilang mga kasamahan.

"Ano na ang gagawin natin ngayon Argus?" Tanong ni Calixto.

"Sundan natin kung saan nanggaling ang mga ugat.", tugon niya.

"Ikaw Leo, sikapin mong lumayo dito kasama ng iba pa." dagdag pa niya.

Sinalubong nila ni Calixto ang napakadaming ugat na umaatake sa kanila at imbes na tagain ay sinikap na lang nila itong iwasan upang hanapin kung saan ito nanggaling. Hanggang sa humantong sila sa mga higanteng puno na pinanggagalingan ng mga ito. Nakita nila ang isa nilang kasamahan na nginuya at kinain ng isang puno. Nanglambot si Calixto ng makita ang di- mabilang na mga higanteng puno.

"Kahangalan na labanan ang mga ito." , ani Argus.

"Tahanan nila ito at di natin dapat ginambala", pagsang-ayon ni Calixto.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now