Chapter 2 - "The Betrayal"

105 3 8
                                    

Ilang araw na din simula nung huling engkwentro sa kastilyo ni Creus..

Libangan ni Argus ang paggawa ng sarili niyang sandata mula sa paghuhulma hanggang sa pagpapanday, mas nakakaramdam siya ng koneksiyon sa kanyang sandata kapag siya mismo ang gumagawa. Hanggang sa may marinig siyang mga yabag ng kabayo na papadating, hindi lang isa kundi ilang mga yabag...ng ilang mga sundalo ni Creus

Argus!!!nasan ka?" Sabi ni Creto

Biglang sumulpot sa likod ni Creto si Argus.

"Anong kelangan mo?"tanong ni Argus

"Hindi ka ba pwedeng magpakita ng hindi nanggugulat Argus?"ani Creto

"Tapos na ang trabaho ko sa inyo, ano pa ang kelangan niyo?"mahinahong sabi niya samantalang binalikan niya ang pagpapanday ng espada.

"May kasama ako", sabi ni Creto

Biglang bumaba ang lulan ng isang kabayo na nakabaluti.pagkahubad nito ay tumambad ang mukha ni Helaena.

"Argus.... gusto kitang makausap.."ani Helaena."Iwan niyo muna kami", dagdag pa nito sa kanyang mga tauhan. At agad naman silang iniwan ng mga ito.

Unti unti itong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya.

"Ilang araw na din ang nagdaan, Sasama ka na ba sa akin my lady"? Pabulong niyang turan.

May pag-aalala sa mukha nito at tila balisa at tila nauumid.

"Ar..gus, naaalala mo ba dati nang tanungin kita kung mapagkakatiwalaan kita?"

Sinagot niya ito sa pamamagitan ng patanong na tingin.

"Oo o hindi lang Argus, mahal mo ba ako?" Sabi nito.

Nang akmang sasagutin niya ito ay pinigilan nito ng mga daliri ang mga labi niya. at kinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha.

"Nagpaplano ako ng pagaaklas laban sa aking ama, hindi ko na gusto ang pamamalakad niya, ikaw lang ang makakatulong sa akin Argus.."banayad na pahayag nito.

"Mahirap ang gusto mong mangyari Helaena", bakit hindi na lang tayo umalis, sumama ka na lang sakin", aniya.

"Hindi ko pwedeng basta pabayaan na lang ang mga tao ko Argus, alam mo ang sinasabi ko, hindi halimaw ang kaaway ng bayang kundi mismong ang ama ko Argus", mariing pahayag nito.

"Ama mo siya diba, naiintindihan mo ba ang kahulugan ng pag aaklas mo?", saad niya.

"Mahal ko siya Argus pero hindi ko na gusto ang mga ginagawa niya. Nung makita kita dati at nakita ko ang malasakit mo sa mga tao, nagkarun ako ng pag-asa at nahulog ang loob ko sayo." Madamdaming pahayag nito.

Ginawaran siya nito ng manipis na halik sa labi. "Sumama ka saken Argus....tulungan mo ang mga tao.."

Ilang oras nang nakaalis si Helaena at ang mga kasama nito pero hindi pa din maalis sa isip niya ang mga sinabi nito. Napapayag siya nito na sumama sa pagaaklas at kanina lang ay gumawa na sila ng plano. Tapat ang mga sundalo kay Helaena pero higit na nakararami ang tapat sa ama nito. Madali lang kay Argus ang pumatay nang napakadami pero ang gumugulo sa isip niya ay tao ang papatayin niya at hindi halimaw.

Isang marangyang pagsasalo salo ang naganap sa kastilyo, lahat ng mga tapat kay Creus ay nasa loob ng bulwagan. Ang mga mayayamang tao, mga matataas na opisyal at mga tagapayo. Naguumapaw ang mga pagkain at inumin, mayroong mga tumutugtog at nagsasayawan. Sa isang mahaba at napakarangyang lamesa ay nakaupo ang mga malalakas na kaalyansa ni Creus. Sa tabi ni Creus ay si Helaena.

SA LABAS NG KASTILYO AY MAY MGA PALASONG KUMAWALA AT TUMAMA SA ULO NG MGA BANTAY buhat sa pana ni Argus...

Nang naligayahan na ang puso ni Creus at mga kasama niya dahil sa alak, unti unting tumayo si Helaena sa kanyang pagkakaupo at nagsalita.

Legend of the Ranger (Tagalog)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin