Chapter 10 - "The Brightest Star"

61 0 0
                                    

"Alam mo para ka pong isang bituin na bumaba dito sa lupa....",

Nasambit ni Leo sa babae na kitang-kita sa mga mata ang paghanga.

Imbes na sumagot ay nginitian na lang ito ng babae ng ubod ng tamis.

"Gusto po kita kaso masyado akong bata para sayo....tingin ko ay mas bagay ka po kay Ginoong Argus.....malakas at makisig siya tapos ikaw naman ay sobrang ganda...",

Tila nanunudyo si Leo.

Namula naman ang mga pisngi ng babae at nagwika:

"Leo baka marinig ka ni Argus..., nakakahiya..",

Nasambit nito kay Leo habang pulang-pulang ang mga pisngi.

"Bakit ka po namumula?..", nakangiting sabi ni leo.

"Dahil baka kung anong isipin ni Argus", sagot nito.

"Uhm...sabi niyo po eh...pero maiba po ako paano n'yo po nalamang Argus ang pangalan ni Ginoong Argus at leo ang pangalan ko",

pag-iiba ni Leo ng usapan.

"Narinig kong iyon ang tawag ninyo sa isat-isa....", tugon nito.

"Hehe oo nga pala..", nahihiyang sabi ni Leo.

"Pero ikaw po..., anong pangalan mo?..", tanong ni Leo.

"Ang pangalan ko ay......",

bigla itong natigilan at tila may kung anong pilit na kinakapa sa isip.

"Ano nga bang pangalan ko??..", naitanong nito na tila litung-lito na at lubhang nababahala.

"Sino ako??.....", tanong nito sa sarili.

Hinawakan nito ang ulo nito na animo ay pinipilit alalahanin kung sino ito.

Narinig ni Argus ang huling bahagi ng pag-uusap na ito nila Leo at nang babae. Nagdilim ang mukha ni Argus sa natuklasang walang pagkakakilanlan ang babaeng natagpuan niya sa putikan.

Mababakas ang matinding pagkabahala sa magandang mukha ng babae. Mukhang nawala talaga ang mga ala-ala nito.

Naalala bigla ni Leo ang kanyang Uncle Mileto. Nung matagpuan siya nito noong bata pa siya ay wala din itong mga ala-ala sa nakaraan nito.

Pagkaraka'y nagsalita si leo:

"Baka ikaw ang pinadala ng langit na kapalit ng aking Uncle...".

Bagamat bahagyang nabigla ay naantig naman ang babae sa tinurang ito ni Leo.

"Sumama ka na lang sa amin...", biglang alok ni Leo dito.

Napakunot-noo si Argus dahil sa narinig at agad na lumapit sa kanila at nagsabi sa babae:

"Mukhang bumalik na ang lakas mo....., pwede ka na naming iwanan...", seryosong sabi niya.

"Pero Ginoong Argus....hindi niya matandaan kung sino siya, kung saan siya nakatira...., kaya pakiusap isama na lang natin siya...",

pangungumbinsi ni Leo.

"Ang paglalakbay na ito ay para lamang sa mga lalaki, walang puwang ang ating grupo para sa isang babae."

Matigas na pagkakasabi ni Argus sabay tingin sa babae.

Nagulat naman ang lahat dahil sa sinabing ito ni Argus.

"Pero Ginoong Argus......", pamimilit ni Leo.

"Leo....., tama si Argus..",

tila pagsang-ayon ng babae sa sinabi ni Argus na ikinagulat din nang lahat.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now