Chapter 19- "A Melody of Silence"

26 0 0
                                    

Pagbalik nila sa kaharian ay sinalubong sila nila Calixto at marami doong tao na nagkakalipunpunan.

"Anong meron dito?", tanong ni Argus.

"Simula nitong mga nagdaang araw ay madami sa mga kabataang lalaki ang naulat na nawawala...", si Demetrio ang sumagot.

"Tutulong kami sa pag-iimbestiga...", sabi ni Argus.

"Kung ganoon hindi pa man ay lubos na kaming nagpapasalamat sa inyo Argus..", si Demetrio.

Tumango lamang sila Argus.

"Tutulong ako sa paiimbestiga..", boluntaryo ni Leo.

"Tumigil ka Leo, halos lahat nga ng nawawala ay kasing edad mo", pagkontra ni Calixto.

"Tama si Calixto Leo, maigi pa ay manatili ka na lang sa tabi ni Altair.", utos ni Argus.

"Kaya ko din namang makipagsabayan sa labanan ah," pangungulit nito.

"Leo, makinig ka sa mga nakakatanda sa iyo..", sumingit na si Altair.

"Hmp, sige na nga!!", si Leo yun na tila nagmamaktol.

"Pano na lang kami kung wala ka Altair, sayo lang nakikinig si Leo..", ani Calixto.

"Siguro ay Kelangan na nga ni Leo ng tatayong nanay at tatay", sabay baling nito kela Altair at Argus.

Nagkantiyawan naman ang kanilang mga kasama na kinapula ng mga pisngi ni Altair.
======================================

Makalipas ang maraming araw ng pananatili nila sa Demas ay nakiusap si Demetrio kay Altair na turuan ang kanilang mga kabataang lalaki tungkol sa panggagamot. Napag-alaman kasi nito na magaling si Altair sa ganung larangan.

Si Daiana naman ay nanahimik na at hindi na binanggit pa ang pagpapakasal kay Argus dahil marahil ay batid na nito ang namamagitan sa kanila ni Argus. Ramdam ni Altair na hindi man ito magsalita ay ayaw nito sa kanya dahil kahit makasalubong niya ito kasama ng mga alalay nito ay ni hindi man lang siya tingnan.

"Ginoong Demetreo may mga manggagamot po dito na higit na bihasa kesa sa akin..", aniya.

"Pero ikaw ang gusto nila kasi alam mo na, maganda ka", biro pa ng pantas.

"Bakit hindi po babae ang magpapaturo?", tanong niya.

"Hindi naman interesado ang mga kabataang babae dito sa panggagamot mas may interes sila sa pagluluto.", paliwanag nito.

"Kung ganun ay sino naman po ako para tumanggi..", tugon niya.

"Salamat talaga Binibini..", ani Demetreo.

Tinugon ito ng ngiti ni Altair.

Simula noon ay palagi nang kasama ni Altair ang mga kabataang lalaki doon kasama ni Leo.

"Pasensiya na Argus hindi kita masyadong nakakausap nitong mga nakaraang araw dahil sa inatasan ako sa mga kabataan..", paliwanag niya kay Argus.

"Naiintindihan ko wag kang mag-alala..", tugon nito sa kanya na bahagya pang sumilay sa mga labi ang kapiranggot na ngiti.

Nagulat si Altair.

"Ngumiti ka!!!!! oo ngumiti ka nga Argus!!!!,", sigaw ni Altair.

Nailang naman si Argus na tila nagulat pa sa kanya.

"Mas bagay sayo ang laging nakangiti....", seryoso pero nakangiting turan ni Altair

sabay hawak sa tig-kabilang pisngi ng binata at pilit na pinalalabas doon ang kanyang ngiti.

Hindi naman pumalag si Argus at hinayaan lang si Altair sa ginagawa sa kanyang mga pisngi.

"Ginoong Argus hindi na ba tayo aalis dito sa Demas?",

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now