Chapter 13-"Sweet nightmare"

35 1 0
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ni Argus ang sinabi sa kanila ni Mang Dencio kanila lang bago nila ito iwan upang ipagpatuloy ang paglalakbay. Niyaya nila itong sumama sa Demas pero ayaw ng mga taga- Nayong iwan ang kanilang lugar.

Sa ngayon siguro ay ito na muna ang destinasyon ng kanilang pangkat. Pero sabi Ni Mang Dencio bago makapunta doon ay may dadaanan muna silang isang mahiwagang gubat pero bihira ang nabubuhay matapos makapasok sa gubat na iyon. At kapag nakalusot sila doon, ibig sabihin ay karapat-dapat silang papasukin sa lupain ng Demas.Pero sa ngayon ang mahalaga ay nakasilip sila ng konting pag-asa...........Ano nga kaya ang mayroon doon?

Ito na nga kaya ang paraiso para sa mga taong nabubuhay pa?.........

***********************

"Posibleng matulungan ako ng mga pantas na maalala ang aking nakaraan...",

usal ni Altair sa kanyang sarili habang naglalakad.

Biglang nahagip ng paningin niya ang mga mata ni Argus. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanya. Ano kaya ang iniisip nito tungkol sa kanya. blangko ang ekspresyon nito.

Nailang si Altair at iniiwas niya ang kanyang tingin dito. Dali-dali siyang naglakad at sumabay kay Calixto. Iniiwasan niyang mapasabay maglakad kay Argus dahil para siyang pinapaso kapag katabi niya ito at ayaw niya ding makipagtalo.

Medyo matarik ang bulu-bundukin na kanilang dadaaanan.

"Medyo mahirap itong akyatin para sa isang babae....", tanaw ni Calixto sa bulu-bundukin..

"Maigi pa Argus, dahil ikaw ang pinakamalakas sa amin ay ikaw ang magpasan kay Altair..", anito.

tila nanlamig naman si Altair sa Ideya na ito lalo na at nakita niyang bahagyang tumigas ang panga ni Argus.

"bakit ba kelangan ko itong pagtiisan..",

Mahinang reklamo ni Argus na sinadyang iparinig sa kanya. Pagkasabi nito ay bigla na lang siya nitong ipinasan sa likod nito at nauna na itong umakyat sa iba pa.

Bakit ganito, ang lakas lakas ng pintig ng puso niya habang pasan siya nito gaya nang una niya itong makita. sobrang init ng katawan nito. Masyado itong mabilis kaya napasinghap siya at napakapit siya dito ng mahigpit.

"Pabigat ka lang sa paglalakbay na ito......", seryoso nitong sabi.

"Pagdating sa Demas hindi ka na pwedeng sumama.........",

malamig nitong turan habang pasan siya at inaakyat ang matarik na bulu-bundukin.

Wala siyang planong makipagtalo dito kaya pinabayaan niya na lang ito. Nang makatawid na ang lahat sa bulu-bundukin ay agad na siya nitong ibinaba at nagulat silang lahat sa tumambad sa kanilang harapan.....

Isa itong napakadilim na gubat na talagang tila nakakapangilabot.

"Wala na bang ibang daan..????,

"parang nakakapangilabot naman ang gubat na iyan...", reklamo ni Leo.

"Pwede nang maiwan ang naduduwag..",

mariing pagkakasabi ni Argus.

"Sasama pa rin ako..", ani Calixto.

"Ako rin!!", si Leo.

"Ganoon din ako.....", matapang na pahayag ni Altair.

Tiningnan itong mabuti ni Argus at ganun din nilang lahat at makikita sa mga mata ng iba nilang kasama ang tila paghanga sa katapangan nito. Pero blangko lang si Argus.

"Hanggang kamatayan ay sasama kami sayo Argus...",

sabi ng iba pa nilang kasama.

"Kung ganoon ay tayo na......", si Argus.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now