Chapter 24 - "Falling Star"

39 1 0
                                    

Madali silang nakarating sa isang tila tatsulok na napakataas na gusali sa isang mabatong disyerto. Hindi ito kalayuan sa Demas.

"Marahil ito na iyon, ang piramideng sinasabi ni Demetrio", bungad ni Calixto.

"Sa palagay ko nga", pagsang-ayon ni Argus.

Hindi naman sila nahirapan na hanapin ang pasukan nito. Napakadilim ng loob nito kaya laking gulat na lang nila ng biglang sumindi ang napakaraming sulo ng apoy pagkapasok nila pero walang tao.

"Argus....", naaalarmang sabi ni Calixto.

"Alam ko Calixto", tugon niya dito sabay sabi:

"Maging alerto kayong lahat hindi natin alam kung ano ang nandito", babala niya sa kanyang mga kasama.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa biglang may naramdaman si Argus at sinenyasan ang mga kasama niyang huminto sa paglalakad.

Biglang lumabas kung saan ang napakaraming sibat at papunta sa kanila ang direksiyon

"Umilag kayo!!!!!!", sigaw ni Argus sabay bunot ng kanyang espada at pinagtataga niya paiwas ang mga sibat. Ilang sandali pa ay huminto na ang pag-ulan ng mga sibat.

"Muntik na tayo doon!!!", sabi ni Leo na hawak pa ang dibdib dahil sa kaba.

"Hindi ata magandang ideya na isinama ko kayo dito. Lubhang mapanganib ang lugar na ito..", sabi ni Argus.

Tiningnan siya ng kanyang mga kasama pati na rin ni Altair.

"Hindi Argus, hanggang kamatayan ay sasama kami sa iyo..", tugon ni Calixto na bakas sa mga mata ang sinseridad ganun din ang makikita sa mga mata ng kanilang mga kasama.

"Basta talasan ninyo ang inyong pakiramdam..", sabi na lang niya.

Maya-maya pa ay humantong sila sa isang bangin

"Paano tayo makakatawid sa kabila", namumrublemang sabi ni Leo.

"Sa pamamagitan noon leo", turo ni Argus sa mga nagliliparang bato.

Nakita ni Argus na napahigpit ang kapit ni Altair kay Calixto dahil masyadong delikado ang pagsakay sa mga bato.

"Altair sa tingin ko mas mainam kung kay Argus ka sumama dahil napakahirap magbalanse sa mga batong iyan..", sabi ni Calixto

Agad namang iniabot ni Argus ang kamay kay Altair.

Nag-alangan si Altair na abutin ang kamay ni Argus kaya medyo kinabahan sila Leo na baka hindi pumayag si Altair. Atubili man, maya-maya ay inabot na din ni Altair ang kamay ni Argus dahil mukhang wala naman siyang pagpipiliian. Napanatag naman ang loob ng lahat dahil dito.

"Gayahin ninyo kung ano ang gagawin ko", instruksyion ni Argus sa mga kasama sabay buhat kay Altair at tumalon siya sa isang nakalutang na bato na dumaan at nagbalanse.

Ginaya naman siya ng kanilang mga kasama. Medyo delikado dahil panay ang galaw ng mga bato. Para mapapunta sa kabilang bahagi ay kailangang imaniobra ang bato kaya kinailangan ni Argus na dumapa kay Altair para mamani-obra niya ang bato ng maayos. Halos magkayakap na ang kanilang posisyon at ramdam niya ang malambot nitong katawan. Hindi tumitingin sa kanya ang dalaga.

"Kumapit ka ng mahipit sa baywang ko", bulong niya kay Altair.

Pero hindi ito ginawa ni Altair.

Maya-maya pa ay biglang bumaliktad ang bato kaya biglang napayakap ng mahigpit si Altair sa kanya, nakapikit ito. Napakataas ng bangin na iyon at ramdam ni Argus sa unang pagkakataon ang napakabilis na pintig ng puso ni Altair at matinding takot nito dahil medyo nangangatog ito.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now