Chapter 21= "Beautiful Lies"

28 1 1
                                    

Napakakisig tingnan ni Argus habang inaantay siyang papalapit dito. Malapit ito sa batis katabi nila Calixto at Leo pati na rin ang magkakasal sa kanila na si Demetrio. Nakangiti ang lahat sa kanya. Ito na ang pinaka-aantay niyang sandali, ang maikasal sa lalaking kanyang iniibig pero hindi pa man siya nakakalapit kay Argus ay biglang lumindol ng malakas. At pagkatapos nun ay naging buhangin ang lupang kanyang tinatapakan at unti-unti siyang lumulubog dito......

"Argus!!!!!!!!", usal ni Altair na humahangos mula sa kanyang higaan.

"Panaginip lang pala....", usal niya sa kanyang sarili.

Nang tuluyan nang mahimasmasan ay hinagilap niya si Argus sa kanyang tabi. Dito nga pala ito natulog pero wala na ito nang magising siya. Nanatili siya sa kanyang pagkakahiga at sinalat pa ng kanyang palad ang hinigaan ng binata at dinama iyon. Napansin niya na may papel sa lamesa na katabi ng kanyang kama. May nakaipit doon na kulay-pulang rosas. Binuksan niya ang papel at binasa ang nakasulat doon.

"Maya-maya lang ay magkikita na muli tayo para sa bagong yugto...Antayin mo ako sa batis Altair....",

yun ang nakasulat sa papel na iniwan pala doon ni Argus.

Napangiti siya dahil dito at bahagya pa ngang inamoy ang rosas na nakaipit doon.

"Wag kang mag-isip ng negatibo Altair...panaginip lang iyon. Ngayon na ang araw ng iyong kasal......" usal niya at pagpapakalma sa kanyang sarili.

======================================

Matamang tinitigan ni Altair ang kanyang sarili sa salamin. Simple lang ang puting bestida na kanyang suot at naka-korona ang pinagtahi-tahing mga puting bulaklak sa kanyang ulo. Bahagya pa siyang nalungkot nang maalala na ang kanyang mga mag-aaral ang supresang nagbigay ng bestidang iyon sa kanya noong isang araw. Regalo daw ng mga ito iyon sa kanyang kasal.

"kahit sinong lalaki ay kakaiinggitan si Argus dahil napakaganda ng kanyang mapapang-asawa...", galing kung saan ay bungad ni Calixto sa kanya.

Nginitian niya ito sabay sabi:

"Salamat Calixto...", tugon niya dito.

"Calixto nakita mo ba si Leo mula pa nung dumating kayo kagabi?", biglang seryoso niyang tanong dito.

"Hindi eh... kahit ngayong umaga ay hindi ko pa din siya nakikita..", tugon nito.

"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko Calixto....kagabi pa nawawala si Leo...", medyo atubili at nag-aalala niyang pahayag dito.

Pero nagtaka siya dahil sa halip na mag-alala ay nagkibit-balikat lang ito.

"Hindi ka ba man lang nag-aalala kung bakit wala pa siya hanggang ngayon?", tanong niya.

"Sa totoo lang ay ayaw ko talaga itong sabihin sa iyo dahil surpresa nga. Bago kami umalis kahapon nila Argus ay nakausap ko si Leo. Ang sabi niya sa akin ay may inihahanda siyang surpresa para sa inyo ni Argus pero kelangan niya raw ng sapat na panahon. Wag ka nang masyado pang mag-isip. Alam mo naman si leo marami yong pakulo. Tingnan mo mamaya bigla iyong susulpot doon sa kasal. ", kumpyansa ito sa tinuran.

Ang natatandaan nga ni Altair na huling pag-uusap nila kahapon ni Leo ay nagpaalam ito sa kanya na lalabas muna ito saglit. At pagkatapos noon ay yun na...Nagkamalay siya na nasa bodega kasama ng mga bangkay.

Sana nga ay hindi si leo nakasama sa mga namatay at nawa ay wala ito noong mangyari ang kahindik-hindik na patayan doon at sana nga ay kung nasaan lang ito gaya ng pagkakasabi ni Calixto at mamaya ay biglang susulpot doon sa batis na may dalang surpresa sa kanila...Sana nga....

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now