Chapter 5 - "Behind the wall"

61 2 2
                                    

Tuyot na lupain at animo walang katapusang Disyerto. Walang nabubuhay kahit na isang halaman. Hindi ito ang inaasahan nila Argus. Wala silang makitang mga halimaw pero halos mamatay na sila sa gutom dahil sa ilang araw na din nilang paglalakbay at naubos na din ang kanilang mga baong pagkain.

"Argus......si leo..", nanghihinang tawag ni Calixto sa kanya habang naglalakad sila.

Natumba si Leo at mabilis itong sinakluluhan ni Argus.

"Leo, gumising ka!", nag-aalala niyang yugyog sa mga balikat nito.

Putlang-putla ito at tuyong-tuyo ang mga labi. Dinama niya ang katawan nito. Humihinga pa pero mahina ang pulso.

"Buhay pa siya..", pagkumpirma niya.

"Nag-aalala ako na baka hindi na rin makaya ng iba pa..", ani Calixto na ang tinutukoy ay ang kanilang mga kasama na malapit na ding bumigay dala ng matinding pagod, uhaw at gutom.

May isang linggo na din ang nakakaraan simula ng lumabas sila ng barrier at ito, kakaibang mundo ang tumambad sa kanila. Buhat sa bughaw na kalangitan sa loob ng barrier ay ibang-iba sa labas nito. Dito sa labas ay tila walang katapusang disyerto. Ang kulay ng langit ay pula. Hindi sumisikat ang araw sa gawing ito at nakapirmi lang sa dapit-hapon at gabi ang rotasyon dito ng araw.

"Dito na lang muna kayo Calixto,. maghahanap lang ako ng kahit na anong pwedeng kainin.", ani Argus.

Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla siyang tinawag ni Calixto at nagtataka naman siyang lumingon dito..:

"bakit Calixto?..", tanong niya.

"Mag-iingat ka...", anito sa mahinang boses.

Hindi siya sanay na may nag-aalala sa kanya kaya parang malaking bagay ang sinabing ito ni Calixto.

"Salamat...", tugon niya at pagkasabi nito ay agad na din siyang tumalikod at tumakbo paalis.

Namamanghang sinundan siya ng tingin ni Calixto at napaisip: "lubhang nakakapagtaka na may lakas pa siyang tumakbo sa kabila ng ilang araw na siyang hindi kumakain at sobrang pagod.....".

Sa di kalayuan ay may natanaw si Argus na tila mga cactus kaya agad niya itong pinuntahan. Hugis dila ito na may mga tinik. Sabik niya itong hiniwa at ipinatak sa kanyang bibig ang tubig sa loob nito. Sa ilang araw na pagkauhaw ay talagang napakaginhawa sa kanyang pakiramdam na makalasa ng tubig. Pagkatapos nito ay napansin niya ang tila kagubatan sa di-kalayuan at pagkakita noon ay unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha na animo ay nakakita ng pag-asa.

Dali-dali siyang tumaga ng maraming piraso ng mga cactus para sa mga kasamahan niya at agad ding umalis sa lugar na iyon. Sabik na siyang sabihin sa mga ito ang magandang balita. Malapit na siya sa lugar kung saan niya iniwan ang mga ito. Pero ano itong natatanaw niya buhat sa kinatatayuan niya...........Si Calixto, hawak-hawak ang espada nito at iwinawasiwas sa higanteng alakdan na nasa harapan nito habang nasa likuran at pinoprotektahan nito ang sa ngayon ay wala pa ring malay na si Leo. Inaatake sila Calixto ng mga higanteng alakdan!!.

"Dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo magalaw ang batang ito!!", sigaw ni Calixto.

Ang ilan sa kanilang mga kasama ay pinaghahabol ng mga iba pang alakdan at pinagtutusok sila ng buntot ng mga ito. Mabibilis itong kumilos at talagang mauubos sila kung hindi sila makakaalis sa lugar na iyon.

"Mamatay kaaaaaa!!!!", sigaw ni Calixto habang sinasaid ang natitira niyang lakas para mapatay ang alakdang nasa harap niya.

Sabay sugod at sinakyan niya ito sa balugbog at nakipagtagisan siya ng lakas dito. Pero sa huli ay hinampas siya nito ng buntot at tumilapon siya sa lupa. Malakas ang pagkakatilapon niya kaya may bumugalwak na dugo sa kanyang bibig. Binalingan ng alakdan ang walang malay na si leo.

Legend of the Ranger (Tagalog)Where stories live. Discover now